Sunset
Nang sumunod na araw ay pumunta ang barkada ni Kuya sa bahay kaya nagdesisyon akong pumunta kina Keira. Nagpaalam na naman ako kay mommy at pinayagan na niya ako. Pababa na ako sa hagdan ay rinig ko ang malakas na tawanan ng mga kaibigan ni Kuya. I spotted Keiran, Vann and Yoshi at naroon din sina Randrick, Klaus, Killua at Parker.
Yoshi looked at me at napatingin sa suot ko. I am wearing my high waisted shorts at floral na blouse since magpa-paint daw kami ni Elaisha atsaka kami pupunata at manonood ng sunset sa maymalapit sa kanila kaya ito nalang ang isninuot ko.
"Kuya, ihatid mo na ako."I said tsaka binuksan ang cellphone ko at abangan ang mga messages nila sa group chat namin. Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa dahil sa pangalan ng gc namin na spice girls na inilagay ni Jasillah.
"Masakit paa ko." Sabi ng kapatid ko at madrama pang hinawakan ang paa kaya inirapan ko siya.
"Ano gusto mo ako magdrive?" Masungit kong sabi at hinigit siya pero masyado siyang mabigat kaya hindi ko siya mapilit. "Bilis na ang lapit lang naman nina Keira eh."I said.
"Magcommute ka nalang." Suhestiyon niya naman kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kuya! Bilis na para makaalis na ako!" Pamimilit ko pa peo hindi naman siya tumayo kaya naiinis ko siyang tiningnan.
"Try mo ngang magcommute."nangingiti niyang sabi sabay tingin kay Yoshi na ngayo'y nakatingin lang sa amin.
"Hindi nga ako marunong!"Naiinis kong sigaw kaya humalakhak naman si Klaus.
"Akalain mo rich kid nga talaga si mayora."natatawang sabi sa akin ni Vann pero hindi ko siya pinansin.
"Gusto mo hatid na kita-"
"Ako na maghahatid bro." Yoshi said as he cut Keiran's statement.
Nanlaki naman ang mga mata ko at pinanlakihan ng mata si Kuya pero imbes na tumanggi ay natatawa naman akong binalingan ni Kuya na para bang tinutukso pa ako kay Yoshi base sa tingin niya. Humalakhak naman sina Vann at Keiran dahil doon kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Uyy MN magpakipot ka naman!"sigaw pa ni Vann sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Naglakad na kaming dalawa palabas ng bahay at mukhang galit pa ito ng binalingan ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. Sana nagsabi siyang ayaw niya eh mukhang willing naman si Keiran na ihatid ako eh! Mukhang labag ba naman kasi sa sarili niya ang paghatid sa akin!
"Sabihin mo lang kung ayaw mo akong ihatid at pupunatahan ko si Keiran para siya na ang maghatid sa akin!" Sabi ko kay Yoshi.
Seyoso lang niya akong tiningnan at ibinaba ulit ang tingin sa shorts ko. May problema ba siya roon? Hindi naman talaga gaanong maikli ang short ko at isa pa may cycling naman ako sa loob kaya okay naman iyon.
"Wala na bang iikli yang suot mong short?" He asked slightly annoyed.
"What?" gulat kong tanong.
"Wala ka bang mas desenteng short?" Sarkastiko niyang sabi kaya tiningnan ko siya ng masama.
"This is a decent one!" I shouted.
"Talaga? That's the most decent one?" Seryoso niyang sabi.
"Para sa iyo ano ba ang desente kong ganoon?" panghahamon ko kaya tumaas naman ang gilid ng labi niya.
He smirked before moving closer to me. " It's simple MN. I want you to wear pants! Your showing too much skin." Sabi niya kaya umatras ako ng kaunti
"Short ba iyon Yoshi?" I asked sarcastically. "At saka hindi kita boyfriend para pagbawalan mo ako ng ganiyan." Masungit kong sabi sa kaniya kaya nawala ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Lost in the Waves (Lavoisier Series#1)
Novela JuvenilMaxine Ninnel Ramirez witnessed a tragic love during her childhood days that made her believe that love ends tragically. Love is all about heartaches, pain, doubts, and sacrifices. She has gone through a lot that made her experienced that love doesn...