Chapter 6

4 3 0
                                    

Bothered

Time flew fast at nagsimula ng mag-announce ang student council ng mga up coming activities ng school para sa darating na Buwan ng Wika. Some of my classmates were very excited dahil buong araw na walang pasok at inaabangan din namin ang contest ng pagandahan ng filipiñana gown na taon-taon na ginaganap sa school. Each section is  required na magkaroon ng representative for the contest at ang napili naming representative ay si Wrenna dahil siya ang muse namin at siya din naman ang pinakamaganda sa section namin.   

"Go Wrenna! Fighting!" Malakas na sigaw ni Sharrice habang minimake-upan si Wrenna kaya natawa naman ito bago ngumiti sa kaibigan.

Inaya kong lumabas si Jasillah habang busy ang mga kaklase ko sa loob ng classroom. Keira joined the poster making contest dahil sa matinding pagkukumbinsi ko sa kaniya kahapon. I even told her na ililibre ko siya ng pagkain that she wanted kapag nanalo siya sa poster kaya pumayag siya.

We were on our way walking through the canteen ng may lalaking biglang tumigil sa harapan namin. Ka-batch ko siya although he's in section B kaya namumukhaan ko siya ngunit hindi ko alam ang pangalan niya. He looked at me shyly that's why I raised my brow waiting for him to say something but he didn't said anything. Nakatingin lang siya sa akin at mukhang nakatulala na ng magsalita si Jasillah.

"What is it?" masungit na tanong ni Jasillah sa lalaki kaya napabaling ang tingin nito kay Jasillah. "Hey, kung wala kana namang sasabihin ay tumabi ka." Dagdag pa niya.

"Hi I'm Jack, pwede bang makipagkilala sa iyo?" nahihiya niyang tanong sa akin habang nakatingin ng diretso sa akin. 

Nakangiti na siya ngayon sa akin kaya tiningnan ko siya ng mabuti, hindi malamig ang mga titig niya in short hindi siya ang tipo ko. Jack is good looking too pero ibang-iba siya kay Yoshi kaya hindi ko siya bet. Natawa nalang din ako sa iniisip kong iyon tsaka pasimpleng ngumiti. What am I even thinking?

Napahiyaw naman ang kumpol ng mga kalalakihan sa may di kalayuan sa amin na sa tingin ko ay mga kaibigan niya. Some of them even shouted 'go Jack' kaya nagtinginan naman sa amin ang iilang mga estudyanteng dumadaan.

Inilihad niya naman ang kamay niya sa akin kaya napatitig ako doon. Humalakhak naman si Jasillah dahil doon and I even hear her say 'speed' in a low voice na sakto lang para marinig ko. Aabutin ko na sana iyon ng may naunang humawak dito. It's Yoshi!

Napatitig ako sa kaniya habang nakatingin ng diretso kay Jack. He looked annoyed and angry at the same time kaya napaatras ako ng kaunti. 

"Jack." Mariing sabi ni Yoshi habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Jack. "Nice.Meeting.You."

Nagulat man ako sa biglaang pagdating ni Yoshi ay hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang kinikilig ako o ewan kahit hindi naman ako dapat na kiligin sa sitwasyong to! Jasillah pinched my arm while smiling widely kaya pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasang manahimik.

Napangiwi si Jack dahil sa mariing pagkakahawak ni Yoshi sa kaniya kaya hinawakan ko ang kamay ni Yoshi para bitawan niya ang kawawang kamay ng lalaki. Napatingin naman siya sa akin dahil doon kaya binitawan niya agad ang kamay ni Jack at tumikhim.

"Ah, sorry Kuya. Aalis na ako, sorry sa abala MN."nahihiyang paalam ni Jack at mabilis na tumakbo papunta sa kaniyang mga kaibigan na ngayo'y tahimik na at kuryoso siyang sinalubong. The other man even tapped his back habang nakatingin sa amin.

Yoshi looked at me while shaking his head still looked annoyed kaya nagsalita na ako.

"Uh, hindi mo na dapat iyon ginawa mukhang gusto lang naman niyang makipag kaibigan." Sabi  ko kaya tumaas naman ang kilay niya habang nakatingin sa akin. He slightly brushed his hair with his hands at mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

Lost in the Waves (Lavoisier Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon