Chapter 2

34 5 0
                                    

Picture

"Umumamin ka nga." Pamimilit sa akin ni Ate. "Part of you wants him to be your boyfriend diba?" She asked me like she was so sure of it.

"Hindi nga I told you it's just a plain admiration."Tanggi ko naman.

I never thought of Yoshi being my boyfriend kaya talagang tatangi ako roon. I've never heard na may naging girlfriend na siya before but there's no sight of them or maybe he's just a very private person at mas gusto niyang ang relasyong nila ay sila lang ang nakakaalam. Why am I even bothering? Crush ko lang naman siya ah, it's up to him kung magkakaroon siya ng girlfriend.I said to myself.

"Baka mamaya magulat ako ah." Makahulugan niyang sabi sa akin kaya mabilis naman akong umiling. "I heard he's been helping you a lot.Mukhang nakakamabutihan na kayong dalawa." She added. 

"Ano ba ang pinagsasabi ng pinsan mo ate?" Masungit kong tanong sabay irap.

Keiran and Ate Hailee are cousins at malapit sila sa isa't-isa kaya if I know ate Hailee's been fishing some information about it kaya niya ito nalalaman.

"Sabi niya lang naman ay these past few days ay panay lapit daw sayo si Yoshi. Naisip ko lang naman na baka may something na kayo eh hindi naman talaga malapit sa babae iyang si Yoshi maliban nalang kay Tally na panay ang sunod sa kaniya." Ate Hailee stated.

Napa-isip naman ako sa sinabi niya though it is somehow true na never ngang nakikipagclose si Yoshi sa mga babae maliban na lang kay Tally na maya't-maya ang dikit sa kaniya. Noong nakaraang year nga ay muntik ng magsabunutan sina Zyel at Tally dahil sa bagay na ipinapabigay ni Mrs. Montreal kay Yoshi. Nagalit doon si Tally at sinabing idinadahilan lang daw iyon ni Zyel na galing kay Mrs. Montreal at ang totoo daw ay galing ito sa kaniya. Umusok naman ang tenga ni Zyel at akmang sasabunutan na si Tally ng mabilis silang inawat nina Chin na mabuti na lang ay naroon lang din.

"Sa mga malilit na bagay lang naman iyon ate at hindi ko na binibigyan pa ng ibang kahulugan." I said at tumango naman siya although she still looks unconvinced.

I saw Keira waving at me kaya nagpaalam ako kay Ate Hailee at pinuntahan si Keira. Arthycyl and Cadness is with her also kaya mabilis akong naglakad papalapit sa kanila. Cadness is wearing a blue knee-length dress with her high heels and Arthycyl is wearing a blue Satin V Neck Cap Sleeve Sheath Knee Length habang naka blue knee-length cocktail dress naman si Keira.

"You look gorgeous MN." puna ni Keira sa suot ko kaya umikot naman ako sa harapan nila that made me laugh.

"Ikaw din naman." I said.

"Sige, magplastikan pa kayong dalawa." mataray na sabi ni Cadness kaya sabay kaming tumawa ng malakas. 

I enjoyed talking to Keira ng tawagin ako nina Mom at Dad dahil magpapaalam na daw silang umalis. Naging busy na din si Keira dahil sa mga pinsan niyang binabati siya at kinakausap kaya nagpaalam na din akong umalis. Arthycyl is also leaving kaya bumalik na din si Cadness sa table nila.

Sinamahan ko naman sina Mommy at Daddy palabas ng lapitan ako ni Yoshi. I just calmed myself at hindi na tumingin pa sa kaniya. I remember what I said to Dychelle.

Crush crush lang naman. I said as those words kept on repeating in my mind.

"Hindi ka pa uuwi?" He asked me ng makitang sumakay na sina Mom at Dad ng kotse. I looked at me him and surveyed his look. He's wearing a blue tuxedo with his black patent-leather shoes that looks good on him. Mas clean ang cut niya ng buhok unlike any other days kaya baka nagpagupit siya kanina. As usual his eyes looks cold at hindi mo nakikitaan ng anumang ekspresyon.

"Hindi pa hihintayin ko pa kasi si Kuya eh alam mo na baka kasi lasing iyon mamaya sa pag-uwi niya at may mangyari pa." I said. "Ikaw uuwi kana ba?" tanong ko naman sa kaniya. 

Lost in the Waves (Lavoisier Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon