Chapter 1

46 6 1
                                    

Crush

Naiinis akong tumayo ng marinig ko ang tuksuhan ng mga kaklase ko habang papalapit sa amin ang grupo nina Yoshi. I glanced at Yoshi na seryoso lang ang mukha ng dumaan sa harapan namin  at hindi alintana ang malakas na tuksuhan ng mga kaklase ko at ng mga estudyanteng nakatingin sa amin. Some of his friends laughed at him kaya mas lalo akong sumimangot at pumasok sa classroom.

Makahulugan naman akong tiningnan ni Arthycyl kaya mataray ko siyang inirapan bago nilampasan at umupo sa upuan. Jasillah looked at me like she was about to laugh kaya malakas ko siyang hinampas.

"What's with all of you?" I shouted loud kaya natawa naman silang lahat at nagkibit-balikat bago nagsi-upo sa kani-kanilang mga upuan.

"Lavoisier maglilinis kayo ngayon sa may bandang likuran ng school at inaasahan kong maayos kayong matatapos roon. I'll give you all a plus points kapag nagawa niyo ng mabuti at walang away na mangyayari." Ms. Jayra said warningly bago tinawag si Lorhea upang magbilin ng mga instructions.

Mabuti na lang at nakajogging pants kami ngayon at hindi palda ang uniform namin kaya makakagalaw kami ng maayos. Nang dumating kami roon ay maayos pa ang pakiramdam ko dahil wala kaming nakakatamad na lectures ngayon pero parang gusto ko pa atang makinig nalang sa mga lectures naming iyon kesa makita si Yoshi. Napatigil pa ako ng marealizena hindi lang siya ang naroon kundi ang buong section nila na naglilinis din. My eyes immediately caught Yoshi while helping Tally na naglilinis sa may malapit sa amin kaya napalingon sila sa pagdating namin.

"Arthycyl, Jasillah, Chin, Hiroshi, Sharrice." Pagtawag ni Lorhea sa mga pangalan ng mga kaklase ko tsaka tinuro ang lugar na kung saan sila maglilinis . Iyong malayo kina Yoshi!

Itinaas ko naman ang kamay ko para sana doon din sa kanila pero ayaw akong payagan ni Lorhea kaya tuloy tuksuhan ulit ang inabot ko ng may nagsabing nagseselos daw ako kina Tally at Yoshi. Naiinis ko namang tiningnan si Lorhea na patuloy padin sa pag-assign ng mga grupo at ibinaling ang tingin kay  Zorren na ganoon din ang ginawa pero katulad ko ay hindi rin pinayagan.

In the end magkasama kami nina Keira, Zyel, Wrenna, at Zorren. Nasa gilid kami nina Yoshi at Tally nakapwesto kaya mas lalo akong nailang. Nakita ko rin na naroon sa kabilang side sina Kuya kasama sina Klaus at patuloy ang malakas na pagkakantyawan kaya paulit-ulit din silang sinusuway ni Ate Adelaine.

"Zorren pwede ba at tumigil ka naman diyan sa kakalakad balik at tumulong ka dito!" Naiinis na sigaw ni Zyel kay Zorren bago ito tinapunan ng masamang tingin. Maya't-maya kasi ang pagpunta ni Zorren kay Arthycyl sa kabila kaya hindi na siya gaanong nakakatulong sa amin. May papunas pa ng pawis at pagbigay ng tubig.

"Sanaol may tagapunas ng pawis Arthycyl." Malakas kong pagpaparinig kaya mahinang batok naman ang natanggap ko kay Zorren na nasa gilid ko. Umiling lang siya sa akin bago tumulong sa akin sa pagwawalis ng damo.

Hindi pa rin matigil sa kakabalik si Zorren kay Arthycyl kaya maya't-maya ang pagsigaw ni Zyel sa kaniya at kalauna'y pinagsabihan na ni Lorhea. Namumula naman ang pisngi ni Arthycyl ng tingnan ko siya kaya napa-irap nalang ako. Todo landi ba naman eh may points to.

Maagang natapos ang ibang grupo at ang grupo nalang namin ang natira. Naroon pa din naman ang mga kaklase nina Zorren at mukhang hanggang mamaya pa sila dito.

"Ayan kasi inuna pa ang kalandian, diba Zorren?" I heard Lorhea said bago ibinilin sa aming itapon ang mga basura at maghugas ng kamay sa washing area bago pumasok sa classroom. Tumango naman kaming lahat bago niya kami iniwan.

"Okay nga yun diba Zorren? At least nakapogi points."Pambibiro ko sa kaniya kaya tinawanan niya naman ako.

Mabilis kong tinapos ang pagwawalis at itinapon iyon sa basurahan. Ramdam ko ang titig ni Yoshi sa akin habang ginagawa ko iyon kaya mahina akong napamura ng mabitawan ko ang dustpan na hawak ko kaya nagsimula ulit akong magwalis. 

Lost in the Waves (Lavoisier Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon