Chapter 7

5 3 0
                                    

Sorry

The next days were peaceful dahil hindi na gaanong maraming event sa school but the school athletes were busy for the upcoming School Intrams kaya iilan sa mga kaklase ko ay excused kabilang na roon si Lorhea who's a volleyball player, sina Martin, Jordan, Hiroshi at Hanz na volleyball players din at sa basketball naman ay sina Zorren at Thomas.

The teachers were busy too but they always find time to give us lectures para hindi kami humabol sa mga susunod na araw dahil sadami ng lectures but most of time ay nag-iiwan lang din sila ng seatworks dahil hindi na sila nakakarating pa.

Since then I usually come home earlier than Kuya because he's a table tennis player kasama sina Parker, Klaus at Yoshi. I remember that they were playmates before and they  would sometimes hang out together sa bahay nina Yoshi where they play table tennis tuwing summer at kadalasan ay sumasama din ako.

The cheer leading squad are also preparing for their performance. Gale is very focused among all of the cheer dancers sa practice nila at halata sa bawat isa sa kanila na ginagawa ang lahat para maiwasang magkamali. Tara's mood is very good at hindi na siya masyadong nahihirapan sa pagturo ng mga steps dahil madali naman itong nakukuha ng members.

Jasillah and Kleigha are part of the cheering squad kaya excused din sila. Madalas din akong nanunuod ng practice nila and they're getting better as days pass. Iyon nga lang ay madalas ang pagrereklamo ni Kleigha dahil daw palaging late ang pagkain nila at hindi na daw niya nasusunod ang kaniyang so called healthy lifestyle na pagkain ng tama sa oras. Jasillah joined late dahil may isang member na nagback-out kaya siya ang pinili ni Tara na pumalit.

"Pagod na pagod na ako." Kleigha said pagkatapos silang idismiss ni Tara.

I saw Eren walked towards us at nilapitan si Kleigha. I looked at Eren confusingly at ibinaling ang tingin kay Kleigha na para bang kaswal lang iyon sa kaniya. Eren gave her a face towel at isang isang puting plastic na sa tingin ko ay pagkain ang laman.

I raised my brow at her and she's giving me the I-will-explain-later look kaya hinayaan ko silang mag-usap ni Eren saka ko nakitang papasok ng gym sina Kuya at iilan niyang kateam mates including Yoshi.

Yoshi looked tired base on his eyes at pawis na pawis na din siya. Napatingin din ako kay Parker na ganoon din ang hitsura hindi katulad sa kapatid ko na mukhang hindi nagpractice dahil ayos na ayos ang mukha. 

I was expecting Yoshi to walk  unto us ngunit naglakad siya sa kabilang daan papunta kay Tally na naka-upo sa bleachers malayo sa amin. Tally gave him a face towel at tinaggap naman iyon ni Yoshi tsaka umupo sa tabi nito. Tumaas naman ang kilay ko ng malambing na kinuha ni Tally ang face towel sa kamay ni Yoshi bago pinunasan ang pawis nito. Bumaling naman ang tingin ni Yoshi sa akin ng maramdaman ang titig ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin tsaka binalingan si Kuya na ngayo'y kausap si Zyel.

I sighed before I took out my phone and started scrolling in Facebook. Maraming nag-friendrequest sa akin at inaccept ko ang iilan sa mga taong kakilala ko. I even saw Jack's name appeared on my friends request list kaya inaccept ko na rin siya. Memories from last week flashed on my mind kaya hindi ko napigilang mamula. Jasilla's words even echoed in my mind kaya mas lalo akong pinamulahan. What am I even thinking?

Nag-angat ako ng tingin ng makitang may isang grupo ng kalalakihan na pumasok sa gym kaya mas lalong naging maingay sa loob. Some of the cheering squad members ay naroon pa at nililigpit ang kani-kanilang mga gamit dagdag pa na naroon ang basketball team na nagpapahinga lang.

I saw Jack in the center of the crowd habang natatawa sa mga sinasabi ng mga kasama niya. He looked at my way kaya nginitian ko siya at nahihiyang tumigil naman ito bago ako kinawayan. His friends looked at my way kaya mas lalong umingay ang loob ng gym dahil sa katyawan nila. Kuya glanced at them bago ibinalik ang tingin kay Zyel at ipinagpatuloy ang pag-uusap.

Lost in the Waves (Lavoisier Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon