Pinag titigan ako ng mga tao dito sa school ground. Tapos na yung parada at sobrang nahihilo na ako dahil hindi pa ako nakaka kain kanina, dumagdag pa ang walang hiyang damit na suot ko. Sobrang di ako mapakali dahil yung mga titig nila ay parang hinu-hubaran na ako."Kumain ka muna bago maghanda sa pageant mamaya" binalingan ko si Rion. Galing siya sa kotse at kinuha lahat ng mga gamit ko.
Kung hindi dahil sa pag payong niya saakin kanina sa parada baka na tumba na ako sa sobrang panghihina dahil sa init nga araw.
Si Ariela naman ay nakipag usap sa guro namin tungkol sa gaganaping pageant mamaya. Di ko pa nabasa yung binigay sakin ni Ariela dahil sobrang okyupado ang isipan ko kanina.
"Salamat pala kanina kung di dahil sayo baka na himatay na ako sa sobrang init ng panahon lalo na ay wala pa akong kain"
Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din si Rion. Tumingin siya sa akin na para bang naiirita.
"You haven't ate yet since morning?"
"Ah, Oo eh pero wag kang mag ala–" napatigil ako sa pagsasalita ng may katawagan na si Rion.
"Yes, please. Three set of meal, Ill just send you the location. I want it in 20 minutes."
Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay dumiretso ang lakad niya at hindi na ako hinintay.
Dumating si Ariela sa room namin na naka ekis ang kilay.
"Anong problema Ariela?" pumunta ako sakanya at binigay ang isang pack ng pagkaing inorder ni Rion sa isang restaurant sa labas ng school. Nakakahiya di na naman kasi kailangan na siya pa bumili para saamin.
"Bakit di mo sinabi saakin na given na pala ang questions sa second part ng pageant niyo! Di kita nagawan! Di ka nakapag handa! Si Amanda kanina pa ako tinataasan ng kilay at naka tawa! Baka nasaulo na niya ang sagot niya! Tapos ikaw! Sobrang na stress ako sayo!" Mataas na linyahan ni Ariela habang nakapaypay sa sarili kahit aircon naman sa loob.
Si Amanda ay yung President namin noong first year highschool. Kahit nuon pa ay may nakatagong galit siya saakin. Wala akong pake alam sakanya ngunit kinakabahan ako dahil baka mapahiya ako sa sagot ko.
Pinagtitigan ako ng mga make-up artist ko at ni Rion. Nakataas ang kilay niyang tumingin saakin habang naka ekis ang mga braso niya sa harap. Napalunok ako at binalingan si Ariela na kumakain na.
"Wag kang mag alala kaya ko to! Wala kabang tiwala sa talino ko?"
"Oo may tiwala ako pero sa kaba mo wala!"
Sinigawan niya ako sabay ubos ng pagkain niya.Ako nga din ay walang tiwala sa sarili ko dahil sa sobrang kaba ko ay nauubosan ako ng mga salita kaya sa huli ay naka tunganga lang ako.
Tinitigan kong muli si Rion na ngayon ay natutulog na at naka headset. Suplado ng lalaking to!
Mamayang alas kuwatro ang simula ng pageant at ngayon ay ala una y media na at sinimulan na akong i retouch.
Ganun parin si Rion natutulog parin. Kinumotan ko siya kanina gamit ang extrang damit ko na malaki. Gumiginaw na kasi ang loob ng silid dahil sa matagal nang naka bukas ang aircon.
Kanina kona din sinimulan ang pag basa ng binigay ni Ariela saakin. Sobrang basa na ng palad ko dahil sa kaba. Wala pa si mommy para pakalmahin ako at wala din si Ariela dahil busy din sa pag tulong ng pag gawa ng booth namin.
"Ma'am ibababa kona po yung buhok mo at ipapa define ko nalang ang natural mong umaalon na buhok" sabi saakin ng hair stylist. Umo'o naman agad ako dahil wala na akong ganang makipag talo pa dahil nagsisimula na akong kabahan.