third

10 2 0
                                    

May narinig akong nag uusap at umiiyak sa paligid ko. Napadilat ako ng may humalik sa palad ko. Si Oli.

"Olivios bakit ka umiiyak?" May tumutolong mga butil na luha sa kanyang pisnge kaya pilit kong abotin ang mukha niya ngunit pinigilan niya ang kamay ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid nandito ako sa kwarto namin ni Oli at nandito din ang mga anak ko kasama ang kani kanilang pamilya. Nag sitayuan silang lahat nuong nakita nilang gising na ako. Pinisil ni Oli ang palad ko kaya napatingin akong muli sakanya.

"May masakit paba sayo? Napag isipan kong dito kanalang sa bahay magpapahinga dahil sariwa ang hangin. Isang araw na ang lumipas noong na aksidente ka" kumoha si Oli ng tubig na nasa gilid ng kama ko at pina upo niya ako upang maka inom ako nito.

"Ma, you make us all worried. Di kana bata para di mag ingat ng ganyan" nag alalang sambit ni Lion saakin.

"You should not go around without someone in your side ma" lumapit si Eli saakin at hinalikan ang noo ko. Ngumiti ako sa kanilang lahat upang ipakita na wag silang mag alala saakin. Lumabas muna si Iris ang asawa ni Eli, ang pangalawa kong anak at sumunod naman si Eva kasama ang mga apo ko.

Lumapit si Eliona sa akin at pigil iyak ang ginawa. Ang nag iisang babaeng anak ko. Niyakap ko siya at hinagkan ang pisnge niya. Na miss ko ang nag iisang babae ko.

"Ma naman! ingatan mo ang sarili mo di pa kita nabibigyan ng apo!" Napatawa ako sa sinambit niya ngunit umiyak ito at mas lalong dumikit saakin.

"Pasensya na sa inyo. Napa uwi pa kayo bigla nang dahil sa akin."

"It's all our fault. We are not here to take care of you ma." Umiiyak parin si Eliona habang sinasabi saakin ito.

Isang araw na pala akong nagpapahinga ngunit hindi pa gumigising. May na alala ako bigla.

"Oli napanaginipan ko ang mga pangyayari nuong highschool pa tayo. Pero hindi pa tayo nagkakilala sa panahong iyon" umupo ako ng matuwid sa higaan at napaharap ako sakanya.

Walang emosyon niya akong tinitigan. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Talagang malinaw na malinaw saakin na yun yung panaginip ko. Ang na alala ko kasi ay nagkakilala kami ni Oli noong fourth year
na kami. Kaya bakit parang galit siya nuon sinabi ko sakanya ang mga yun?

"Magpahinga ka muna at kumain. I need to sleep. I haven't sleep yet cause I've waited for you to wake up. I love you."

"Ok, I love you Oli"

Hinagkan niya ang likod ng palad ko at ang noo ko tsaka umalis na upang magpahinga sa kabilang kwarto.

"Ma, I'll just get your food"

"Ok Liona, samahan mo ng isang tasang kape anak"

"Ma, the doctor said that you should not drink anymore coffee. Its bad for your health"

"Maybe at least some fresh juice? Eli is that ok?" tanong ko sa nag aalalang si Eli.

"Ok, liona get mother some fresh juice and water." si Lion na ang sumagot bago umalis si Liona.

"Masyado kayong over reacting. Buhay pa naman ako oh kahit may edad na eh maganda pa naman" biniro ko sila dahil sobrang strikto ang mga mukha ng mga anak ko.

"Ma you're turning 76 soon, please don't take your age as a joke" si Lion ang nagsalita at sumang' ayon naman si Eli.

"I agree, you should be more careful ma"

Kahit ang tanda ko na at ang tagal ko na sa mundong eto eh malusog pa naman ako at matalas pa din ang memorya ko. Ngunit yung katawan ko ay baliktad lahat ang pinapakita. Hindi naman ako isang matabang matanda kundi isang balingkinitang matanda. Ang buhok kung umaalon at hanggang balikat ay pinong puti nalang walang ni isang itim na buhok.

Untold story of you. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon