Fifth

7 1 0
                                    

"Wow ang agang nakarating sa school ah!" masayang sambit ni Ariela saakin.

Pag uwi namin kagabi sa bahay, bumungad saamin ang mini party na hinanda ni mommy para saakin.

Pero di ko alam kung bakit wala akong ganang makipag halo'bilo sa mga bisita.

Kumain agad ako pagkatapos ay nag bihis upang maka baba para makipag usap ng konti sa mga kaibigan bago matulog.

Pasado alas dose ay kami nalang ni Ariela ang nakahiga na, sa folding bed na nasa sala namin. Wala na ang mga bisita at si mommy ay naghahanda na sa pag tulog.

"Bakit nga pala wala si Rion ngayon?" tanong ni Ariela saakin habang kumakain ng ice cream na naka harap sa tv. Nanunuod kasi kami ng isang netflix movie.

"Ewan, nag congrats lang sakin kanina tapos umalis na kasama yung babaeng nasa kotse niya. Yung judge kanina na sexy at maganda." iniwas ko ang tingin sa tv at tumihaya ng higa.

"Ah yung modelong ate ni Rion? Bakit di niya na lang sinama dito?"

Napabalikwas ako ng higa at humarap sakanya na kumakain parin ng ice cream.

"Ate niya yun? yung maganda at sobrang sexy kanina? Ate niya yun?!" paulit ulit kong tanong kay Ariela.

"Oh bakit ang saya saya mo ata? At, Oo ate niya yun pero may asawa na kaya iba na ang surname" napa tigil siya ng kain at tumitig saakin ng makahulogan.

"Wala lang, kanina kasi hinalikan niya sa pisnge kaya akala ko ay bagong babae niya naman"

Di parin nawawala ang matutulis na tingin niya saakin.

"Oh ano naman sayo kung may bagong babae na naman si Rion? Teka, crush mo ba si Rion?!"

Napa upo ako bigla sa tanong niya, pi'nause niya muna ang movie bago sumunod ng upo sa akin. Sumingkit ang mata ni Ariela dahil sa panliliit na titig niya saakin. Tinitimbang ako.

"Sabi mo, di mo maging bet forever si Rion dahil matanda sayo at manyak"

Kumuha ako ng unan at niyakap ito para makapag tago sa naninimbang na titig niya.

"Di ko naman sinabing forever eh" sambit ko at unti unting nilubog ang mukha sa unan.

"So gusto mo talaga siya? Omg! Ano na yung 'Di ko bet and mas matanda pa saakin' nawala na ba?" natutuwang pahayag ni Ariela saakin.

Nararamdaman ko ang pamumula ng pisnge habang nakatago sa unan. Gusto ko ba si Rion? Crush lang naman eh. Di ko naman kasi i-nexpect na ganun pala talaga si Rion. Ibang iba siya sa naiisip kong siya.

"Crush lang hindi naman ibig sabihin gusto ko talaga siya ng sobra! Hindi ko parin bet ang mas matanda saakin noh!" hinampas ko siya ng unan kaya nilapag niya ang ubos na ice cream sa sahig at hinampas din ako pabalik.

"Sa sobrang tagal na nating magkaibigan kahit isang pasisinungaling mo lang ay malalaman ko na agad! Wag mokong lokohin pre!" nakangisi na akong humiga sa kama katabi siya.

Di na ako nagpumiglas pa dahil totoo naman na crush ko na siya. Pero hanggang doon lang dahil di ko pa gustong masira ang kinabukasan ko.

Natapos namin ni Ariela ang movie pero di parin ako inaantok. Siya ay tulog na at humihilik na pero ako ay sobrang gising pa. Palaging bumabalik saakin ang pag titig ni Rion habang kumakanta siya kanina. Hindi ko alam kung bakit namumuo ang ganitong nararamdaman ko para sakanya na nuon naman ay kina mumuhian ko siya ng sobra.

Nanatili akong gising dahil sa samot saring bagong nararamdaman na ngayon ko lang naranasan. Bakit ko ngaba siya kinamumuhian nuon?

Dahil kasi sa nakita kong halikan nuong first year high school kami na hinding hindi ako pinapatulog sa gabi.Kaya sinisi ko siya kahit di niya naman talaga kasalanan yun.

Untold story of you. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon