The message that I received from him made me go happy! Pagkatapos naming kumain ay nag aya kaagad si Ariela ng group study sa mga kaklase kong lalaki. She has this aura that can attract boys, but in a friendly way. Halos lahat ng mga kaklase naming lalaki ay gusto siya. And I dont know why,is that happening.
"Sure ka ba na gusto nilang mag aral?" tanong ko kay Ariela.
Habang kinukuha niya ang libro at notebook niya ay tumango siya saakin. Nagtatawanan lang ang mga kaklase kong lalaki, kasama na dun ang mga barkada ni Rion na nag aasaran.
"Kung gusto nila, edi makinig sila. Kung hindi, edi hindi"
Tumayo na siya at pumunta sa kabilang upuan na kahanay lang namin. Sumunod ako sakanya. Kinakabahan. Na e'excite na din.
Si Rion ay umalis muna kasama ang pinsan niya kanina. At ngayon, makikipag halu bilo ako sa kanila. Hindi naman ako nag aabang na kakausapin niya ako pero at least magkasama kami kahit ganto lang.
"Hoy John, pa upo'in mo to si Evy, parang hindi ka lalaki ah." binatukan ni Ariela ang isang barkada ni Rion. Umatras ako sa nakita, baka anuhin kami.
Tumayo si John at agad nilahad niya ang upuan saakin.
"To na nga! Ganon lang binabatukan na ako. Sakit kaya!" natatawang saad ni John habang naka kamot sa ulo.
Gumawa kami ng pa korteng bilog para mas maayos ang pag uusap namin. Ang mga kaibigan ni Rion ay tumitingin lang saakin at ngingiti sabay baling ulit kay Ariela na tinuturoan sila sa magiging exam namin mamaya.
Napatitig ako sakanila. Ang ibang lalaki sa room namin ay lumapit na din. Nakikinig. Hindi ko alam na kahit sobrang aangas nila at mapang asar sa mga kaklase namin ay pursigido pala silang mag aral.
May isang lalaking umupo sa katabi kong upoan. Si Roniel. Isang basketball player ng school.
"Um, Evy pwedeng paturo dito? Di ko pa masyadong gamay eh. Si Ariela kasi ay busy, nahihiya ako"
Nahihiyang saad niya at napakamot sa ulo. Tiningnan ko ang notebook niya at kinuha.
"Ok, madali lang naman to nakakalito nga lang"
Ngumiti ako sakanya, to assure him na di talaga ganon ka hirap.
"Salamat!"
Nagulat ako sakanya dahil lumapit pa siya saakin at konti nalang ang distansya ng mga mukha namin. Tumawa naman siya at naghihintay lang saakin. Hindi agad ako maka hinga. Hindi ako sanay sa mga ganitong pangyayari. Wala namang nagtatangkang makipag lapit saakin ng ganito. Kaya parang di ako mapakali.
"Uh, ok? Pero lumayo ka muna ng konti, di ako makaka turo sayo ng maayos" nahihiya kong saad sakanya.
Napakamot siya ng ulo at napatawa ng konti.
"Sorry, na e'excite lang."
Dumistansya siya ng konti pero hindi ganun ka layo. Malapit parin pero tama lang para hindi ako maging komportable.
Sinimulan ko na ang pag e'explain sakanya at minsan nakukuha niya pero pag bibigyan ko ng halimbawa at ipapasagot ko sakanya ay, hindi na niya masagot. Hindi ko alam kung natutunan naba niya o nakukunwari lang siyang nakakalimutan niya?
Napakamot ako ng ulo at napatingin sa relo ko. Malapit na ang oras para sa first sub. Sa hapon. Kailangan ko pang mag aral sa ibang pahina dahil hindi pa ako tapos.
Habang nag sasagot si Roniel ay inaaral ko din ang mga ibang pahina pero di talaga pumapasok sa utak ko. Na di'distract ako kay Roniel, marami kasi siyang tanong na alam kong na explain ko na sakanya kanina.