Sixth

7 1 0
                                    

"Come up to meet you to tell you im sorry" mahinang pag kanta ko. Papasok na ako sa school ground na naka headset.

Sumasakit ang katawan ko dahil sa biglaang pag aya ni mommy at Ariela sa akin na mag gym kahapon.

Late na ata ako sa first sub sa umaga. Dahil sa masakit na katawan ay napahimbing ang tulog ko kaya nagmamadali ako kanina sa pag ligo pero heto ako ngayon, mahinhin na naglalakad sa ground dahil nangangalay ang mga binti at paa ko.

Nag ring ang phone ko. Tiningnan ko ito at nakita ang pangalan ni Ariela duon. Na dissapoint ako sa nakita akala ko si Rion.

From: Yelala

HOY GAGI MAY GOODNEWS AKO SAYO! SAN KANA?!

Since the night that I respond to his texts di na siya nag reply. Its been a month. Mag Aa'gust na at pilit niya akong iniiwasan. Sa di malaman na dahilan ay ganun din ang ginagawa ko. Nahihiya ako.

Huminto ako saglit at nag tipa ng reply para sakanya.

To: Yelala

NANDITO PA AKO SA GITNA NG SCHOOL GROUND NG DAHIL SAYO! DI AKO MAKALAKAD NG MAAYOS!

Nakabusangot na reply ko sakanya. Ang init init pa naman. Sayang yung nilagay ko na cheek tint mabubura. Hinalughug ko ang bag ko at kinuha ang maliit na salamin.

"Ahem miss"

Nataranta akong inangat ang tingin. Nahulog ang maliit kong salamin dahil sa madaliang pag tangkang balik ko nito sa bag.

Naka ngiti siya saakin at nagkamot ng ulo. Mas mataas siya saakin at magka mukha sila ni Rion! Makapal ang kilay, ang mata niya ay parang singkit na medyo mabilog, he got a very pointed nose! And a cupid lips! Ang gwapo! Sobrang puti niya kumpara sa kulay ni Rion.

Di ko namalayan na naka tunganga na ako sakanya. Nararamdaman ko ang pag tulo ng pawis ko kaya iniwas ko agad ang tingin ko.

"Bakit po?" di ako maka tingin sakanya. Nagkukunwari akong naghaloghog sa bag ko.

"Tangina kasi eh, kanina pa ako naghahanap sa pinsan ko di ko mahanap dahil wala akong mapagtanungan" nakabusangot ang mukha niya sabay tingin sa cellphone niya.

Na turn off na kaagad ako sakanya. Sobrang dayuhan ang pagmumukha pero ang pananalita ay.. Ewan basta ay na tu'turn off ako. Lakas mag mura, gwapo pa naman. Sayang.

"Ah sino ba kasi pinsan mo? Para matulongan kita" sabi ko sakanya at yumoko para makuha ang salamin ko na nahulog kanina.

"Si Rion Saimon. Gago'ng lalaking yun di man lang sinabi kung saan ang room nila. Damn it!" halatang naiinis na siya dahil sa pamumula ng pisnge niya.

Agad naman lumaki ang mata ko dahil sa narining na pangalan. Ngumiti ako sakanya, pampa goodshot.

"Magkaklase kami. Bakit ba? Bibisita kalang?" nakangiti kong saad sakanya. Naglakad na ako at sumunod naman siya agad.

"Im a transferee here" saad niya na may pag tataka sa mga mata niya habang naka titig sa hita pababa sa binti ko.

"Bakit ka naka tingin sa hita ko?!" gulantang kong saad sakanya sabay pag ekis ng mga braso sa binti ko.

"Looks like you had your first" umangat ang gilid ng labi niya at nagsimulang mag lakad muli.

Anong sinasabi nitong first? Nakakabadtrip tong lalaking to ah! Sinundan ko siya at hinagit ang braso niya para maharap ako.

"Anong first ang sinasabi mo?!" naglakad ako ng paika ika at inunahan na siya.

"Oh, what I mean is first fuck. San ba di–" hinampas ko na siya ng bag at agad akong tumakbo papunta sa room namin kahit sobrang nangangalay na ng paa ko.

Untold story of you. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon