After that thing in the bathroom, pagkatapos kong mag ayos ay napag disesyonan ng umuwi ni Rion. Nagpalaam siya kay mommy sa baba. Hindi ko na sana siya ihahatid sa gate pero pinilit ako ni mommy.
Wala kaming imikan. He is in neutral mood. He doesn't look like he is mad and he doesn't look like he's good. Hindi ko magawang mag simula ng konbersasyon dahil hindi ko alam kung pano ko simulan. Hindi ko matansya ang timpla niya kaya napagpasyahan ko nalang na manahimik. Bukas ko nalang siya kakausapin.
Napag isipan ko na i text nalang siya mamaya bag'o ako matulog. Pero pag dating ko sa kwarto ko ay hindi ko na nagawa. Dahil inaakit ako ng higaan. He cleaned my room. No signs of trash. Sa mga unan kong wala na sa pwesto ay naging maganda na tingnan. Nahiga nalang ako sa kama at naka tulog na.
After that night, di na kami nakapag usap ni Rion. We've been too busy, madaming school works. Nagkatitigan lang kami pero siya ang unang bibitaw. Hindi ko alam kong bakit pero sa tingin ko ay iniiwasan niya ako. Bakit?
August na ng alam kong iniiwasan na talaga ako ni Rion. Natapos na ang monthly finals namin at ngayon hindi na kami busy. I tried to text him. He does not respond to any of it pero alam kong nababasa niya.
"Bat palaging galit yan?" tanong ni Ariela saakin.
Tinuro niya ang pwesto ni Rion. Lumipat siya ng upuan. He is still in the last row pero nasa unahan na. Ang pumalit sakanya ay ang pinsan niya. Hindi naman siya galit. Ang aura lang niya ang madilim. Walang nagtangkang makipag usap sakanya except sa mga kaibigan niya at pinsan niya. He is not approachable.Kabaliktaran sa kung ano siya noon.
"Hindi naman ata" binalik ko ang tingin sa cellphone ko.
Tinitigan ko ang mga minsaheng naipadala ko sakanya. Ariela don't have any clue about that night. Hindi ko magawang sabihin sakanya. At hindi rin naman sinabi ni mommy sakanya kaya di ko nalang e bi'bring up.
"Lam mo, wala ng babaeng lumalapit sakanya. In short single and always yummy." nakangisi si Ariela saakin.
Tinutukso niya ako pero ang magagawa ko lang ay ngumiti ng palihim. I still don't want to share things with her. Hindi naman sa nagsisimula na akong mag tago sakanya. Pero wala kasing sure, hindi sigurado at walang nangyayari.
"Malapit na talagang ma ubos ang pasensya ko sa pinsan niya" sarkastik na ngiti ang binigay ko kay Ariela.
Hindi ko alam kong bakit pero nag sisimula ng manggulo ang pinsan niya saakin. Hindi sa pan'titrip pero palagi niya akong kinakausap patungkol sa mga malalaswang mga bagay. Kinukurot ko na siya pero di parin ako tinitigilan.
"Ows bet ka ata kaya ganyan. Naol!" nang iinis na sambit ni Ariela saakin sabay takbo.
"Hoy san ka pupunta?!" sigaw ko saknya ng malapit na siya sa pintuan.
"Kakain! Diyan ka muna!"
She likes to eat so much. Hindi naman siya tumataba. She have this not- so- skinny-but-slim figure that is a very good asset to her. She is slim pero di pa na huhubog ang katawan niya dahil we're still too young. She could be whatever she like to be, she can do everything. That's her, and I am so proud of being her girl.
"Hoy, nuod tayo ng porno marami ako dito"
Napabalikwas ako sa upuan ng maramdaman ko ang mainit na hininga ni Gutther. Dahil sa adrenaline rush, nasampal o sapak ko siya sa noo.