second

8 2 0
                                    

"Nakuha niyo na ba ang pagkain kina Ariela? Kunin niyo na para maka punta na agad tayo dun sa gym! Baka nag simula na ang program!"

Agarang sigaw ng aming  president ng aming room. Daming sinasabi di naman tumutulong sa pag ayos! Kanina pa kami dito sa room dahil hindi pa handa ang mga props namin para sa aming sayaw mamaya.

"Evvy! ikaw nalang ang kumoha tutal bestfriend mo naman si Ariela at alam mo ang bahay nila"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay umupo siya sa upoan ni ma'am na katabi ng electric fan. Evy! Evy! di naman yan yung pangalan ko! Sobrang naiirita na talaga ako sa kanya! President nga pero di naman tumutulong!

Agad akong nagpaalam sa isa ko pang kaibagan para puntahan si Ariela at makuha na ang pagkaing naihanda niya.

Paglabas ko sa room sobrang dami ng tao at naka suot ng iba't ibang makukulay na damit. Ang ganda naman! Sa sobrang pagka excite ko ay tinakbo ko na ang bahay nina Ariela di na pinapansin ang init ng araw at ang pawis na namumuo sa mukha ko. Sobrang lapit na ng  bahay nila Ariela kaya binilisan ko pa. Di ko namalayan na nabangga ako ng isang babae at nadapa ako. Bwiset.

"Aray" namilipit ako sa sakit ng tuhod ko.

Nasugatan ako. Bakit ba kasi ako naka short skirt. Nakita ko ang gasgas sa tuhod ko na may namumuong dugo.  Mapapagalitan na naman ako ni mama nito.

"Ano ba naman yan highschool na pero rainbow pa yong panty!" Natatawang sambit ng babae saakin. Napatingin ako sa lalaking nasa tabi niya. Di man lang siya ngumiti at blanko ang titig niya saakin.

Teka, parang si Rion yan ha! Kakalase ko siya pero di ko naman yan pinapansin dahil sobrang siga ng mga kaibigan niya sa room. Hindi ko alam kung siga rin ba siya. Wala akong pake!

Wait! Anong panty? Napatayo ako bigla di na dinama ang hapdi saaking tuhod at pinagpag ang saya ko at agad tumakbo kina Ariela. Napahiya ako! Sa harap pa ng lalaki!

Agad akong pumasok at pumunta sa kusina nila Ariela upang maki inom ako ng tubig. Di parin mawala sa isip ko ang kahihiyang nadaranas ko kanina. Si Rion pa talaga! Baka ako na naman ang pag di-diskitahan ng mga barkada niya sa room pag sinabi niya ang nang yari kanina.

"Oh nandiyan kana pala! Hali kana kaya tulongan mo na akong bitibitin tung mga pagkain!" 

Napa atras ako sa pagkagulat ng bigla biglang pag sulpot ni Ariela. 

"Ano bang nangyari sayo Eviet! Bat may sugat yang tuhod mo! Lagot ka kay tita niyan!" Agad niyang iniligay ang dala niyang pagkain sa lamesa at kumuha ng first aid kit sa banyo nila.

Umupo ako sa upuang nasa kusina lang. Napa aray ako sa hapdi ng sugat, di ko na namalayan ang sakit nito kanina dahil sa nangyari. Lumuhod si Ariela at agad nilinisan ang sugat ko bago niya ginamot.

"Wala si tita? Ikaw lang mag isa dito? Dami ng pagkain di natin yan madadala lahat sa isang lakaran lang!" Nataranta kong sambit sakanya dahil na alala ko ang matinis ng tinig ng aming president.

"Bilisan natin dahil baka mag simula na ang program!" Tumayo ako agad at di na pinansin ang konting kirot sa tuhod. Agad namang pumunta sa itaas si Ariela para mag bihis ng kanyang susuotin.

Tumunog ang door bell ng bahay kaya lumabas ako agad upang pag buksan ng gate si tita.  Pwede namang pumasok agad si tita dahil bahay naman nila to? Winaksi ko na ang inisip ko at pinag buksan ko na ng gate si tita.

"Tita pwede ka namang pumasok aga–" lumaki ang mga mata ko sa nakita. Bakit nandito si Rion?! Nakatingin lang ako sakanya at naka tingin din siya saakin. Bakit ako nakipag titigan?

Untold story of you. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon