Chapter 3

54 23 16
                                    

***
Jastine

Whut??? 

Pagkatapos nyang sabihin yun,  tinalikuran nya na kami at umupo sa upuan nya. Parang balewala lang sa kanya na sinabi nya yun. Siraulo ba sya?  Ang daming nakakinig eh.

Pero baka naman namali lang ako ng pagkakarinig?

Napatingin ako kina Venice at nakita kong napatingin din sila sakin habang nakanganga. Ibig sabihin totoo nga?

Napalingon din ako sa mga kaklase namin pati na rin sa taga ibang section na nakarinig ng sinabi nya. Pinagbubulungan na nila kami!

"H-hoy Kirt! Anong ibig mong sabihin ha?" lakas loob na tanong ni Kayna. Hindi ako makapag salita agad at hindi ko alam kung bakit.

"Hahaha! Hindi nyo pa ba gets? Ibig sabihin nun gusto ni Kirt si Jastine. " natatawang sagot naman ni Jayson. Tropa ni Kirt.

"Shut up Jayson." saway ni Kirt dito.

"Ano kamo?! May gusto sya kay Jastine?!" nabibiglang tanong naman ni Jen.

Gusto?  Imposible naman no?  Ngayon ko lang sya nakilala eh tapos di ko pa sya close.  Aaminin ko nakikita ko syang nakatingin sakin minsan pero ayokong mag assume.  Siguro ang ibig nyang sabihin kanina eh dahil lalaki sya,  ayaw nya yung ginagawa ni Dale. Baka ganun nga.

"Hahaha imposible naman yun ano! Diba Kirt?  Hindi mo naman ako kilala para magkagusto ka sakin.  Tsaka naintindihan ko yung sinabi mo kanina. Siguro na- misinterpret lang nila yun." mahinahon kong sabi sa kanya.

Hindi ako sinagot ni Kirt at nanatiling nakatingin sa notes nya.

"Kung sabagay,  may boyfriend naman si Jastine kaya imposible talaga." sabi ni Jen

"Boyfriend? Who?" tanong ni Mark.

"Huh? Si Dale." sagot ko.

"Dale? Dale Marquez? For real? " hindi makapaniwalang tanong ni Abe,  kaklase namin.

"Oo bakit mahirap bang paniwalaan yun?" tanong naman ni Dona.

Alam ko na hindi sila maniniwala dahil hindi naman talaga nila alam ang relasyon namin. Me and my friends only know our relation. And also Kirt dahil narinig nya kahapon.  Gwapo si Dale.  Isang basketball player,  honor student at friendly. 3 years ko syang naging crush and I  never thought na magiging kami.  Popular sya among women.

"Kung ganun may naloko nanaman sya? Ibang klase talaga yung mokong na yun. " namamanghang sabi ni Jayson.

"Huh? Sinong ---" nagtatakang tanong ko.

"Nandyan na si sir. " putol ni Kirt sa tanong ko.

Dali dali akong umupo sa upuan namin ni Venice. Magkakatabi kami kase kami ang bahala sa seating arrangement namin ng first sem.  Sa second sem naman alphabetical order na. 

P.E kami ngayong umaga at Personality Development naman mamayang hapon. Bale dalawang subject lang kami tuwing friday. ABM student kami kaya ganun.

"Good morning class! Get one whole sheet of pad paper!"

May quiz ba??? Shocks! Wala akong review!

Fix YouWhere stories live. Discover now