Chapter 4

51 23 12
                                    

***
Jastine

Dahil weekend ngayon,  wala kaming pasok. Hanggang ngayon nakahiga pa rin ako sa kama ko dahil nakakatamad bumangon.  Wala rin naman akong gagawin.  Limang araw na ring hindi nagpaparamdam si Dale but still I trying to reach his out. After ng klase namin nong Friday, hinintay ko sya sa may fountain sa harap ng school pero hindi ko sya nakita.  Gusto ko syang makausap.

Dahil wala akong magawa, kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ulit si Dale. Hoping na sagutin na nya this time. Masakit sakin na ako yung gumagawa nito.  Masakit dahil natitiis nya akong hindi makita at makausap.

Toooot toooot. Busy ang line nya. Siguro kausap nya ang parents nya.

Dahil hindi ko naman sya ma-contact, nagpicture na lang ako kahit wala pa akong ligo at toothbrush. Lels,  di naman nila ako maaamoy sa picture eh. Nag picture ako habang yakap ang unan ko then nag story ako sa IG with caption na "i miss you so much".

Maya-maya nakita kong nag-appear ang notif kung saan nagreply si Venice sa story ko.

VennLabrador: still no reply from him?

Jas_tine: yeah :'(

VennLabrador: he's such a jerk girl. Walang kwenta yang jowa mo! Why don't you broke up with him?

Jas_tine: I want to, but I can't.

VennLabrador: ewan ko sayo girl! Tanga ka masyado!!

Hindi ko na sya nireplyan after that. Alam ko na tanga ako pero mahal ko talaga eh. Maya maya tumunog nanaman ang phone ko at nakita kong si Kayna naman ng nagreply.

Kayyyyy: makipag break ka na boi!

Jas_tine: gusto ko pero parang di ko kaya.

Kayyyyy: vovo mo girl! 

Jas_tine: i know. Alam mo naman na mahal ko sya diba?

Kayyyyy: mahal mo,  mahal ka ba? Girl,  sa inyong dalawa ikaw lang ang nagmamahal. Ikaw lang nage-effort.

Jas_tine: hays. Hirap! :(

Kayyyyy: ewan ko sayo! Tara sa SM.  Gusto ko magshopping ng maaliw ka din.

Jas_tine: sigeee.

Pagkatapos nun,  bumangon na ako at nag-ayos ng higaan.  Kahit may maid kami,  ako na ang nag aayos sa kwarto ko dahil kaya ko naman.  Sila lang naglilinis tuwing may pasok ako.

Pagkatapos ko maglinis ng kwarto,  naligo na ako at nag ayos ng sarili dahil pupunta kami nga kami ng SM nina Kayna.  I wore a denim short paired with pink hoodie jacket on top and white sneakers.

After kung magbihis,  nagpunta agad ako sa harap ng salamin para tignan kung bagay sakin.  Simple pero okay lang naman.  Nag blower lang ako ng buhok at nag messy bun. I just put some lips and cheek tint and powder on my face and I'm done.

Dahil ayoko ng mga handy bag,  purse na lang ang dinala ko at phone ko. Ilalagay ko na lang sa bag ni Kayna.

Palabas na ako ng kwarto ng makita ko yung calendar sa harap ng pinto. Tinignan ko ito at napansin ko ang number 8 na may mark na red at may nakasulat na happy monthsary. Monthsary namin ni Dale.

Fix YouWhere stories live. Discover now