Chapter 12

15 3 0
                                    

***
Jastine

Saturday ngayon pero maaga akong nagising. 5:00 am palang dahil medyo madilim pa sa labas nang sumilip ako. Gusto ko pang matulog pero ayaw makisama ng katawan ko. Sanay na talaga.

Dahil maaga pa, naisip kong magjogging saglit para maging healthy naman ako. Nagsuot lang ako ng white shirt at black na leggings. Nag suot din ako ng running shoes para comfortable sa pagtakbo. Nag-tali lang ako ng buhok para malinis tignan.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako at lumabas ng bahay. Tahimik pa ang paligid kase nga maaga pa. Medyo mahamog din ang paligid dahil ber months na.

Nag-jogging lang ako hanggang sa makarating ako sa park. Pagkarating ko roon, may mga tulad ko na nagjo-jogging din. Yung iba may dalang pets para ipasyal. Medyo pawisan na ako kaya hindi sa simoy ng hangin.

Inikot ko ng sampung beses ang park bago ko naisip umupo para magpahinga. Nauuhaw ako pero nakalimutan ko magdala ng tubig.

"arf... arfff"

Napatingin ako sa aso na nasa paahan ko. Hinihila nito ang lace ng sapatos ko. Inilagay ko ang kamay ko sa aso at hinaplos ito.
Pomeranian dog sya kaya cute.

"Hiiiiiii! Ang cute mo parang ako haha." sabi ko dito sabay buhat sa kanya at inilapag sya sa lap ko.

"Anong name mo? Ba't mag-isa ka lang?" naka pout kong tanong sa kanya. "Ang cute mo para iwan lang na parang ako. Hays."

Naalala ko sa kanya yung namatay kong aso. His name is Doraemon. Gift sya ni Lolo sakin when I was 5 years old. He died when I was grade 9 dahil nabangga sya ng kotse dahil nakalabas sya ng village namin. Pinalibing ko sya dahil sobrang precious nya sakin.

"Pome! Pome! Asan ka na ba? Omg! Lagot na ako!" narinig kong sigaw ng babae.

Siguro itong aso ang hinahanap nya kaya lumapit ako sa kanya.

"Ahh excuse me. Sya ba ang hinahanap mo?" tanong ko sa babae. Agad nagliwanag ang muka nya ng makita nya ito.

"Omg! Pome, you're here lang pala eh! I'm so worried. Akala ko I lost you na eh!" naluluha nyang sabi sabay yakap kay Pome.

Napangiti ako dahil nakita ko sarili ko sa kanya noong bata pa ako. She's cute. Her face is too small, perfect for her long curly hair. Her cheeks is pinkish dahil maputi sya. Matangos ang ilong at may kissable lips.

Napatigil sya sa pag yakap kay Pome at napatingin sya sakin. Kumunot ang noo nya at parang pinag-aaralan ang mukha ko. Nailang ako kaya inilayo ko ang tingin ko.

"A-ahh ehh Miss bakit? May dumi na ako sa mukha?" naiilang kong tanong sa kanya.

Hindi sya natinag. Habang nakatingin sakin, nanlaki ang mata nya at ngumiti ng pagkalaki laki sabay yakap sakin.

"Ahh ehh Miss! A-ackk hindi ako makahinga w-wait!" pigil ko sa kanya dahil hindi na talaga ako makahinga.

Maya-maya ay kumawala na rin sya sa yakap nya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw nga!" sabi nya habang nagtatalon sa tuwa.

Okay lang kaya to?

Fix YouWhere stories live. Discover now