Chapter 19

12 1 0
                                    

***
Jastine

A

no, okay na ba lahat ng gamit nyo? Wala ba kayong nakalimutan dalhin?" tanong ni Kayna habang naglalagay nang konting make up.

Kasalukuyan kaming nag-aayos nang sarili dahil paalis na kami papuntang Coron, Palawan. It's already 3:30 o'clock in the morning at kailangan namin makarating sa Coron bago mag-sunrise. 1 and half hour lang siguro ang magiging byahe namin kaya okay lang. 

"Oo sis. Nakakahiya naman kase sayo, e. Parang buong gamit ng bahay nyo dala mo na." sagot ko dito.

Totoo naman kase, e. Sya ang pinaka-maraming dalang gamit. Pero syempre dahil pupunta kami ng Coron, at maraming souvenir's shop doon, madadagdagan pa ang dala nya.

"Girl scout kase ako, e." ismid nya sa amin. "Pag kayo humiram sakin ng extra panty or bra o kaya ng two-piece, hindi ko kayo pahihiramin."

"Kadiri ka Kayna!" sigaw ni Venice dito sabay bato ng hawak n'ya na suklay.

"HAHAHA! Lol, bago kaya mga dala ko. Alam nyo naman yung isa d'yan, hindi nagdadala nang two-piece." banat nya habang tumatawa. Inirapan ko lang sya dahil alam kong ako ang pinapa-ringgan nya.

Hindi kase talaga ako nagsusuot non. Ewan ko. May body conscious kase ako. Baka mamaya malait ako ng wala sa oras. Ang dami pa namang miss perfect ngayon, wew. Hindi ko alam ang isusuot ko mamaya. Bahala na.

"Let's go na guys. Nasa baba na ang mga boys." aya ni Kayna samin kaya agad kaming kumilos.

Bumaba na kami mula sa condo ni Donna at nakita namin na nandoon na nga sila Kirt. Nakangiti sya sakin kaya nginitian ko rin sya. He's wearing white polo na naka-open botton kung saan nakasabit doon ang shades nya at navy blue na short. Ang gwapo nya. No wonder, anak ng celebrities.

"Naks, lakas maka-open botton white polo Kirt, a. Pa-impress ka din talaga no?" natatawang banat ni Kayna kay Kirt sabay lapit at yakap kay Dylan.

Nginitian nya lang ito at lumapit sa akin para kunin ang maleta ko. Other boy's do the same thing at sumakay na sa van ni Darel.

"Wow! Ang ganda naman ng view dito! Woooowwwww!" namamanghang sabi ko sabay tumakbo para makita ito ng malapitan kahit malayo naman talaga.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang nilasap ang lamig ng hangin at maging ang sikat ng araw na humahampas sa balat ko. Umikot-ikot ako para mas maramdaman ito dahil ang sarap sa pakiramdam.

"Hey, I love you." narinig kong may nagsalita sa likod ko kaya bigla akong napaharap.

Nakita ko siyang nakangiti sakin habang hawak ang camera at kinukunan ako. I saw happiness in his eyes kaya I smiled him back.

"Nagulat ako sayo." nakangiti kong sabi sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"I know." sabi nya sabay tingin sa mga mata ko.

"Bakit ba kinunan mo ko ng picture? Bawal kumuha nang picture ng walang consent ko." nakanguso kong sabi sa kanya kaya pinisil nya ito.

"It's not picture but video." sabi nya kaya napanganga ako.

"Hoy siraulo ka ba? Patingin ako! Siguro mukha akong siraulo d'yan no?" sigaw ko sa kaya natawa sya sakin.

Fix YouWhere stories live. Discover now