Chapter 6

46 20 12
                                    

***
Jastine

Day's has passed and the Mid- term examination ended. Excited na ako makita si Dale. Monthsary na namin bukas kaya excited na ako. 

^_^

Tinignan ko yung sapatos na gift ko para sa kanya bukas. Sa paper bag ko na ilang ilalagay dahil panigurado kahit hindi maganda ang packaging,  magugustuhan nya to. Basketball shoes ba naman.

I put it on my side table para di ko makalimutan bukas. Pagkatapos ay naligo ako at ginawa ang aking evening rituals bago matulog.

----------

Yey! It's already September 8, our 3 monthsary! I'm so excited to see him na.  Kahit 5:30 palang naligo na ko dahil excited ako talaga.  Magco-commute pa kase ako kaya okay na rin na maaga.

After kong mag-prepared para sa school, bumaba na ako.  Wala na si Dad siguro nasa company na sya. He's very hardworking person talaga.  I didn't eat my breakfast, sa school na ko kakain.

Lumabas na ko sa bahay, at agad akong nag-abang ng jeep.  Hindi naman nagtagal at nakasakay na ako agad. Kunti pa lang ang pasahero dahil 6:00 am pa lang naman. 

Tulad ng nakasanayan ko,  tigil andar nanaman ang sasakyan dahil sa pasahero at syempre as usual,  nakasakay ko naman si Kirt. Coindence lang ba? Good thing kase nasa may likod ako ng driver bandang unahan at nasa hulihan sya. Hindi ko na sya tiningnan at nag-focus sa mangyayari sa pagkikita namin ni Dale.

"Southville na! " sigaw ng driver.

Bumaba na ako at nagta-tatakbong pumasok sa school namin.  Ang hyper ko nanaman nakakainis!

"Good morningggggg!! " sigaw ko pagkapasok ng room.

"Ganda ng mood natin ah! " sabi naman ni Darel,  kaklase ko.

"Well ganun talaga Dre!" nakangiti kong sagot nya sabay apir sakin.

"Oh,  Kirt pare! Magkasabay nanaman kayo? " biglang sabi naman ni Tim. Napalingon ako at napataas ang kilay ko. Hindi lang pala ako ang nakakapansin.

"We're on the same way,  and same classroom so dont be too shock bro." cool naman nitong sabi.

Englishero porke rank 2.

Hindi ko na sila pinansin at umupo sa upuan ko.  Wala pa sina Kayna kaya ako pa lang mag-isa. Ipinatong ko lang yung paper bag sa table ko at kinuha yung phone ko para mag post sa IG.

"A 3rd months of LOVE and SACRIFICE."

Posted!

Maya-maya ay dumating na si Jen at Dona.  Inihagis lang nila ang mga bag nila sa upuan nila sabay lapit sakin.

"Yow! " sigaw na bati nila sakin sabay higit sa buhok ko. Mga mapanakit!

"What's with that paper bag?" tanong ni Dona.

"Ano pa edi gift nya for Dale!!!"sigaw ni Jen.

Napatingin samin si Tim, Darel and Kirt dahil sa sigaw ni Jen. Letcheng bunganga talaga neto.  Sarap busalan!

"Hey,  lower down your voice Jen!" mahina kong sigaw sa kanya.  Inirapan lang ako ng gaga.

Fix YouWhere stories live. Discover now