Chapter 14

11 1 0
                                    

***
Jastine

"Aren't you coming?" tanong ni Kirt sakin habang hinihintay akong pumasok sa loob ng elevator.

Pumasok na ako sa elevator at dumeretsyo sa pinakagilid kung saan malayo sa kanya. Natawa sya dahil sa ginawa ko.

Hays, nakakailang!

"Saang floor ka?" he suddenly asked.

"Ground floor." sagot ko lang sa kanya.

I saw him clicked the button for the  ground floor. Nagtaka ako kung bakit same floor kami ng pupuntahan. Siguro uuwe na sya.

Pumunta sya sa kabilang gilid at sumandal doon. Nakapikit ang mga mata nya habang naka crossed arm. Hindi ko maiwasang hindi tignan ang kabuuan nya.

Kirt is a tall guy. Perfectly fit ang katawan nya. Hindi sya payat pero hindi din sya chubby. Sakto lang ang katawan nya sa height nya. He's wearing a white v-neck shirt with a brand nike. He also wear a black hoodie jacket na may zipper on top of it. He also wear a black fila short and a pair of sneakers.

Branded guy.

Hindi ko alam kong anak lang talaga sya ng celebrities kaya ganyan sya manamit or talagang fashionable guy sya. Err.

"Don't stare. I might assume." sabi nya habang nakapikit.

Paano nya nalaman, e nakapikit sya?

I didn't bother to defend myself dahil totoo naman na nakatingin ako sa kanya. Iniwas ko na lang ang tingin ko at pinaglaruan ang daliri ko.

Ting.

Agad akong lumabas ng elevator ng bumukas ito. Narinig ko pang tumawa si Kirt dahil sa ginawa ko. Nararamdaman kong nakasunod sya sakin kaya huminto ako at tumingin sa kanya.

"Stop following me." sabi ko sa kanya dahil naiilang ako.

"I'm not following you. Gusto kita pero hindi kita susundan. May bibilhin lang ako sa department store." nagpipigil na ngiting sabi nya sakin.

Napapahiya naman akong napatalikod dahil may mga nakatingin samin or kay Kirt lang. Agaw atensyon kase!

Pagka pasok ko ng department store, kumuha ako ng cart at pumunta agad ako sa beverages section. I took 10 bottles of sujo.   Pumunta din ako sa freezer na malaki para kumuha ng 5 galoons ng ice cream. Next stop ko naman ay ang fruits and veggies section at kumuha ako ng tig tatlong box ng grapes, straberry and nakakita ako ng fries kaya naisipan kong kumuha din. My last stop is in the junkfoods section at kumuha ng maraming chichirya dahil yon ang masarap ipulutan.

"Are you done?"

Napatingin ako sa likod ko at nakita si Kirt. He's holding a basket with full of junkfoods too.

I just nod at him and then proceed to the counter. Nasa likod ko lang sya si Kirt. Inikot ko ang tingin sa paligid ko at halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa kanya. Lumayo ako sa kanya ng kaunti kaya napatingin sya sakin. Baka kase may biglang manabunot dito e.

I couldn't blame them dahil gwapo't matangkad talaga si Kirt. He also smart. I wonder why he didn't choose to be part of Southville basketball team.

Fix YouWhere stories live. Discover now