Chapter 22

15 1 0
                                    

****
Jastine

It's been one week since we came home from Coron. That was so fun after all. I enjoyed the vacation together with my friends and of course with Kirt.

Kinuha ko ang phone ko sa side table at nakitang may mga missed call at text doon si Kirt kaya tinawagan ko siya agad.

"Good morning, love." bungad nya.

"Good morning. Ba't ka tumawag kanina? Tulog pa ako no'n e."

"Alam ko, love. Kaya nga naging missed call eh kasi alam kong tulog ka pa hahaha." biro nya.

"Ang epal mo! Bakit? Pwede naman siguro na hindi ko lang talaga sinagot ang tawag mo dahil kausap ko yo'ng kabit ko." pang-aasar ko sa kanya.

"Weh? Sigurado ka? May kakabit pa sayo?" pag-hahamon nya naman sa akin. Bwesit talaga!

"Oh! Bakit? Maganda naman ako, a!" angil ko sa kanya. Pesting to!

"Wala ng kakabit sayo, love. Trust me hahaha!" natatawang sabi nya mula sa kabilang linya.

"Eh bakit nga?!"

"Dahil alam naman nila na akin ka."

Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Hindi naman kase ako kinilig. Medyo lang. Hahahaha char!

"Wag mo sabihing kinilig ka? Hahaha" panunukso nya dahilan para mag-init ang mga pisnge ko.

"H-hindi a! Nakaka- b-badtrip ka alam mo yo'n?!" kunwaring naiinis na tugon ko. Alam ko namang tutuksuhin lang ako nito e.

"Hahaha! Aminin mo na. Wag kang mag-alala, marami pa yan."

"H-hindi nga." pabulong na depensa ko at natawa nanaman siya.

"Kunwari naniniwala ako haha. By the way, are you free today?" tanong nya.

Napaisip ako kung free nga ba ako ngayon. Wala naman kaming lakad nina Kayna. Wala rin naman kaming mga assignments or projects.

"Wala naman siguro. Bakit?" tanong ko.

"Today is Niana's birthday and she want to celebrate it in EK... with us." tugon nya.

"Really??? Taraaa!" masayang tugon ko. Gusto ko talaga pumunta ng EK e!

"Hahaha. Alright, fix your self. Pupuntahan ka namin d'yan."

"Alright. See you." paalam ko.

"Bye. See you. I love you." Paalam nya kaya napangiti ako.

"Hmm. Iloveyou too." nakangiti kong ibinaba ang tawag at nagpa gulong gulong sa kama. Ang sarap palang ma - inlove sa taong inlove din sayo.

Saglit pa akong kinilig bago mapag desisiyonan na kumilos na at maligo. Excited na ako dahil makikita ko na ulit so Niana. Ang cute nya kase.

'Wala nga pala akong regalo sa kanya. Ano kayang gusto n'ya? Hindi ko pa naman siya nakakasama ng matagal. Nagkita lang kami sa park no'ng nag jogging kami.'

Fix YouWhere stories live. Discover now