08

49 10 0
                                    




Lumipas ang ilang araw mas nagiging close ko si Karen at Gaux they're nice, yung dalawa namang bruha inis na inis sa'kin. Pinag uusapan pa nila akong gold digger daw, narinig kasi nila ang usapan namin ni Mav.


Speaking of Mav, iniiwasan ko siya, well hindi naman kami masyadong nagkikita pero, I am avoiding his gaze and also avoiding his presence. Masyado akong ilag. Pagsalitaan ba naman ako nang ganun! Gusto ko na ngang umalis dito pero may contrata ako ng isang taon, kaloka diba!


Today is friday afternoon kaya wala ang magkapatid, niyaya ako ni Karen na pumunta sa garden. Their garden is so nice, andaming mga tanim. Ibat ibang klase ng mga bulaklak. Sayang pwede nila itong gawing business. Flower shop! Dito ang tambayan namin pag wala kaming masyadong ginagawa. Hmm siguro kukunin ko si karen na secretary ko if ill work at the company.
"Gusto mo bang magtrabaho sa kompanya?" Biglang tanong ko.


Nagulat naman ito. "Oo naman, pero hindi kasi ako nakapag tapos, highschool graduate lang ako." She said and chuckled.


"U-uh okay lang. May friend kasi ako, may kompanya siya. Kung gusto mo iaapply kita." I said.


"Naku, 'wag na nakakahiya. Pero buti nagkaroon ka ng kaibigan na mayaman, eh ang mga mayayaman gusto nila yung friends nila, gaya nilang mayayaman." She said and smile sadly. Grabe is that what they think sa mga mayayaman, well I can't blame them, ganon din ako dati.


May pagka maarte ako pagdating sa kaibigan. I want my circle of friends na mayayaman. Im a brat back then. But when I came here, I learn a lot, you dont need a wealthy friends all you need is a true friend.


"Yeah," I simply said and nod.


Nang mag gabi ihinanda na namin ang mga hapunan. Umuwi nang sabay ang magkapatid, laging sinusundo ni Mav si Gaux. Agad naman lumapit sa'kin si Gaux. "Ate patulong po hehe."


"U-uh ano ba 'yon?" I asked.


"Assignments ko lang po, Drawing." I nod and smile. Magaling akong mag drawing, kaya architecture ang kinuha kong course, at marami rin akong natutunan sa ibang bansa, dun ko prinactice ang pagdradrawing and I learned a lot. Kaya kapag may assignement dati si beau na drawing pinapagawa niya sakin.


"Can you draw your dream house ate? I was shocked pero after a minute drinawing ko na yung dream house na gusto ko. Nung natapos agad ko itong ipinakita sa kanya. "Wow ate, ang ganda!" Mangha niyang tanong.


Naman, ako pa ba! I'm the best architect sa kompanya namin if ever na nagtratrabaho na'ko! Baka proud pa sakin si papa. I smiled bitterly with the thought. Napansin naman 'yon ni Gaux. "Ate are you okay?" She asked.


"Oo naman." I nodded.


Agad naman kaming pumunta sa dining area, simula nung umalis sila madame lagi na nila kaming isinasabay na kumain. Habang kumakain, I can feel Mav gaze. Gosh! Why is he looking at me, alam ko namang maganda ako but duh! I felt uncomfortable.


Argh. Hindi ako makakain nang maayos, agad ko nalang tinapos ang pagkain ko tsaka niligpit. Nang matapos silang kumain agad kong inayos 'yung table tsaka nag hugas ng plato.


Sa loob ng pag tratrabaho ko dito, natutunan ko nang maghugas ng plato, pati narin ang mga gawaing bahay gaya ng pagwawalis at mop.


Love in Vengeance Where stories live. Discover now