13

44 9 0
                                    




I woke up early. Hindi ako masyadong nakatulog. Hindi ko alam ang gagawin ko, Mav just confessed his feelings on me. Pano pag magkikita kami dito sa mansion? It'll be awkward right?


Dali dali akong nagshower para pumunta sa baba. Habang pababa Tinitignan ko ang gilid gilid ng bahay, no signs of Maverick. Dumiretso naman ako sa kusina.


"Goodmorning Yanna!" Bati sakin ni Sylvia at Inggrid ng nakangiti. Naging ganon ang turing nila, since okay naman na kami.


I smiled back.


"Morning too!"


"Sorry talaga 'nung mga nakaraang araw, huh? Sana bati na tayo." Sincere na sabi ni Sylvia.


"Kaya nga yanna. Sorry talaga,"


"It's okay," I understand them. Nagawa lang daw nila 'yun dahil gusto nila si Mav.


Speaking of Mav, wala pa siya. Maybe tulog pa. Si Sylvia ang nagluluto ngayon habang nagkwekwentuhan kaming apat. Bumaba narin si karen kanina.


"Huy, yanna! Okay ka lang ba? Mukha kang may sakit." Sabi ni Karen tsaka ako kinapa sa noo. "Hindi ka naman mainit."


"Okay lang ako noh!" I smiled. Para hindi na sila magtanong pa.


Bigla namang bumaba si Gaux. "Goodmorning ates!" Masayang bati niya.


We greeted her back.


"Btw, nakita niyo ho ba si kuya? Wala kasi siya sa room niya, magpapaalam pa sana ako ngayon na lalabas with my friends."


Huh? Wala si Mav sa kwarto niya? Edi 'san siya pumunta? Don't tell me umalis siya kagabi. Napasapo ako sa noo ko.


"Alam mo ba ate?" Baling sa'kin ni Gaux.


"U-uh hindi." I shrugged.


"Hmm, baka namasyal lang 'yun. I'll text him nalang."


Inayos naman namin ang mga pagkain, the breakfast for today is Fried rice, egg, hotdog and bacon. Pero mukha akong balisa. I can't eat well. Parang naglalakbay yung utak ko.


I shook my head. And we started eating. Nagkwentuhan kami, we're so noisy, lalo na at andito si Gaux. Madaldal siya pinagkaiba niya sa kuya niya.


"Gosh ates, you know ba my crush doesn't like me. He's so choosy diba!" Nakangusong sabi ni Gaux.


"Bakit naman daw?" Tanong ni karen.


"I don't know. Well hindi lang naman siya ang crush ko eh! I have so many crushes kaya!"


"Edi dun ka nalang sa iba mong crush, diba! Madami ka palang reserba eh!" Humalakhak na sabi Inggrid.


"But I want him ate, he's so handsome. Gosh. Perfect jaw, lips, eyebrows and his oval-shaped bloodshot eyes."


"Sino ba yung crush mo, mukhang pogi huh?" Interisadong tanong ni Sylvia and giggled.


"It's Beaumont Xci Dela Verde." Bigla naman akong nasamid sa kinakain ko.


Gosh crush niya si Beau? May nagkakagusto din pala 'dun sa kapatid ko na 'yon. Sabagay he's handsome mana sa akin! Pero I think four years ang gap nila.


"Are you okay ate?" Biglang sabi ni Gaux tsaka ako binigyan ng tubig. Ininom ko agad yung tubig.


I smiled and nodded.


"Oh kilala ko siya, pogi nga 'yon! Gusto ko siyang makita in person." Sabi ni Inggrid na mukhang kinikilig.


Yuck! Hindi nga pogi eh! Nakakasawa kaya mukha niya. Charot!


"He's mine ate huh?" Sabi niya kay Inggrid.


Inggrid rolled her eyes. "Duh, oo naman. Impossible din na magugustuhan ako 'nun noh! Ikaw nga, nireject! Ako pa kaya." She chuckled.


"Bakit mo siya gusto?" Bigla kong tanong.


"He's hard to get ate, I can tamed boys pero siya, hindi ko kaya." He shook his head.


Maarte talaga si beau pag dating sa mga babae. Kaya wala pa siyang nagiging girlfriend eh! Pero flings siguro marami. Pero halos lahat magaganda at sexy! Bilib din ako 'dun eh!


Lumipas ang buong araw, walang Mav na nagpakita. Bakit kaya? Well baka mas okay na rin ito. Less awkward.


The next day maaga akong nagising para mag jogging sa loob ng village. I just wore my sports bra and windbreaker paired with my leggings.


Umikot ako sa village. Madami din ako nakikitang mga tao na nagjojogging. Exclusive ang village na ito, so medjo pamilyar ang mukha ng iba kong nadadaanan.


Mostly are actors/actress, models, business tycoons. Andami ngang mga pogi eh! Some are smiling at me and I smiled back.


Isang ikot lang ang ginawa ko tsaka bumalik sa mansion. I get a glass and poured some water from the ref. Grabe nakakapagod!


I saw Karen cooking. "Ang aga mo huh? Nag jogging ka?"


Obviously.


"Oo, haha tumataba na kasi ata ako."


I think I need to excercise more. Bumababa ang injurance ko. Pumunta naman ako sa gym para mag work out. I still remember our first encounter with mav dito sa gym. Yabang niya dun! I jogged in the treadmill. Next the barbels.


Nang mapagod ako, nag yoga ako. Gosh! I missed this. Nakakawala ng stress.


After ko mag gym. I took a warm shower. Nakaka fresh. I felt light. Nakakagaan sa feeling huh.


Bumaba naman ako, I cleaned the living room. Nakipagkwentuhan, Movie marathon, Cook for lunch, linis ng bathroom, Lahat lahat na nang mga gawaing bahay hanggang mag gabi.


But I still can't see Mav. It's been two days. I focused myself on cooking dishes samantalang sila nag aayos ng table.


While eating kwentuhan parin kami.
"Gaux, san kuya mo?" Bigla kong natanong.


I heard some laughs at pang aasar.


"Why ate, curios ka?" She teased me.


"Hindi huh! Nagtataka lang ako, kasi wala siya baka... baka... may nangyare ng masama 'dun." Mabilis kong depensa.


"Uyy! Concern siya!" Pang aasar ni Inggrid.


"Dzai, Baka naman kasi inaway mo!" Sabay naman ni Sylvia.


What?! Inaway? Eh wala nga akong ginagawa sa kanya eh! Yun lang binusted ko siya. Pero I think it doesn't matter with him.


She chuckled. "Don't worry he's okay!
Si kuya pa ba."


Kaya nga naman kasi yanna! Okay lang siya. And why do you care?!


I just nod and continue my food.


Ganon ang mga routines ko the following day. No signs of Mav. Grabe naman, hindi niya naman kailangan umiwas eh! Okay na'ko.


"Maybe may kasama siyang iba." Bulong ko.


"Suss ate! Don't worry wala siyang kasamang iba, okay? He's just busy." She smiled for assurance.


Ano naman kayang pinagbubusyhan niya? Mga babae niya?! Hmp.


"H-hindi ah, may inaalala lang ako." Depensa ko.


She chuckled. "Defensive much! Wala pa nga akong sinasabing pangalan." She whispered but I heard it.

Love in Vengeance Where stories live. Discover now