11

56 8 0
                                    




Pagkarating namin sa parking, pinagbuksan niya ako ng pinto at dumiretso sa isang buffet restaurant. Sakto gutom na gutom ako kasi hindi pa ako nakakapag breakfast!


Ang ganda nang restaurant, andaming inooffer na pagkain. Naglalaway na tuloy ako. This place is very formal, 'tas yung suot ko casual lang. Nakakahiya tuloy!


They offer Philippine dishes, Korean foods, Japanese foods, mexiacan foods, italian pastas and many more.


Agad kaming umupo sa pang dalawahang upuan. Pagka upo hinila ko agad si Mav para kumuha nang plato. Kumakalam na kasi yung sikmura ko.


Agad akong kumuha ng dalawang plato. At binigay sakanya yung isa. Syempre kailangan pagsilbihan ko parin siya, pagood girl baka ipabayad niya sakin 'to eh! Mas okay nang libre hehe! Buraot ako eh!

I put some rice on my plate, steaks, kimbap, kimchi, and pasta. Hindi na kasi kasya pag kukuha pa ako nang iba, babalikan ko nalang mamaya.

Mav looked at my plate na parang natatawa. "What?" I asked.


"Takaw mo!" He replied.


"Duh, buffet kaya 'to. Dapat sila ang malugi sayo, hindi yung ikaw ang lugi. Sayang pera noh!" I said and rolled my eyes.


Agad naman siyang kumuha nang maraming pagkain, grabe mas matakaw pa pala siya sakin! Andami niyang kinuha punong-puno yung plato niya. Akala mo naman kung mauubusan. I looked at him.


"What? diba sabi mo dapat wag magpalugi, sayang ang pera, so I get many." He shrugged and mas nauna na sa upuan namin. I chuckled at dali daling sumunod sakanya.


Umupo ako sa table namin and started my food. I'm starving. "Dahan dahan lang yanna, mabilaukan ka." He chuckled. But I just rolled my eyes.


"May buffet din sa province niyo?" He asked.


I chew my food first. "Wala naman. Why?" I asked.


"Nothing, mukhang hindi ka na bago sa mga ganito eh." Natigilan ako, hindi ko alam kung anong irarason ko.


"Huh? Bakit naman..."


"Nevermind, just eat." He shrugged and smiled. Habang kumakain we talked about random stuffs, I learned that he graduated in Saint Louis University.


"Oh so sa baguio ka nag college?" I asked him.


"You know that school?" He asked me.


"U-uh oo naman hehe... dre...dream school ko kaya 'yon!" Palusot ko, I know that school because I'm from baguio. I lived there during my highschool days. And sa SLU din ako grumaduate ng highschool. What a small world!


"Yeah, maganda 'dun. You want to study there?" He asked.


"Oo sana but..." Graduate na ako noh! "Malayo ang baguio dito sa manila."


"It's okay. May farm ako sa baguio."


"Wag na... Okay na ako dito noh... Atleast kasama kita!" I whispered the last word.


He chuckled. "I heard that... kung gusto mo I can accompany you." Jusq, ba't ka ba ganito huh? Ginanto mo rin ba yung pinsan ko?! Masyado kang pafall! Ugh.


Antanga ko din kasi eh! Pumayag akong maging katulong mo tapos wala rin akong ginagawa para mainlove ka sakin! Baka mamaya ako pa mahulog sayo!


Love in Vengeance Where stories live. Discover now