Four: Lost Soul

156 49 95
                                    

*Note: Expect that there are typos and wrong grammars here*

-:-

"Bago ka ba?"

Napakunot ako sa tanong ng babaeng unang nakapansin sa atensyon ko kanina.

"What?"

Biglang bumuka ang kanilang mga bibig, halata sa kanila ang pagkagulat. Pero ako naman ang nagtaka dahil sa reaction nila. May nakakagulat ba sa sinabi ko?

"Ay halah sis! Englishera ata ito! Foreign alert! Foreign alert."

Natatarantang sabi niya habang inuuga ang kasama. Sa totoo lang ay medyo na-wirduhan ako sa ginawa niya, pero aaminin ko ring nakakatawa siyang panoorin.

"Tumahimik ka nga, Karelle. Tinatakot mo siya eh." Oh, so Karelle pala ang pangalan niya, the one who has a hazelnut hair at medyo OA kung at magsalita at umarte.

"Hindi ako foreigner. Pinoy ako."

Pagsisingit ko. Akala ko ay sasagot sila pero nagtaka na naman ako nang pigilan na naman niya si Karelle, at hindi ko alam kung bakit. Bubuka na sana kasi ang bibig nito pero tinakpan iyon ng kasama niya.

"Huwag kang kumanta, please. Nakakahiya tsaka ang pangit pa ng boses mo." Naiinis niyang sabi. Kakanta? Bakit naman kakanta nang biglaan si Karelle?

Iniisip ko nang malalim 'yung dahilan kung bakit siya kakanta, hanggang sa maalala ko yung lyrics na 'Hoy, Pinoy ako'.

"Pasensya ka na ah, medyo may pagkaloka-loka 'tong si Karelle. Pero huwag kang mag-alala, mabait naman siya. Mabait kaming dalawa." Pagpapa-umanhin niya nang tumigil na silang dalawa. Agad namang sumilay sa maliit na mukha ni Karelle ang isang matamis na ngiti.

"Naku, okay lang naman. Ang cute niyo ngang dalawa eh." Hindi ko naman sila kayang husgahan kasi kakakilala lang namin, tsaka wala ring dahilan kung ba't ko iyon gagawin. "So anong name niyo?" Dagdag ko dahil hindi ko pa rin naman naririnig yung pangalan niya.

"Ako si Lauren Elide, tapos siya si Karelle Alston." Kumaway agad sa akin si Karelle kaya kinwayan ko rin siya at ngumiti.

"Amery Privera."

"Ikaw ba 'yung bagong patay diyan?" Tanong agad ni Karelle kaya tumango ako. Nagtaka na naman ako dahil nagulat ulit siya gaya kanina.

"Kaya pala ang daming pumupunta sa kanto ninyo. Pero bakit ngayon lang kita nakita rito? Eh hindi nga kita kilala, tsaka nag-aaral ka ba sa INHS?"

Sunod-sunod na tanong ni Karelle sa akin. Napansin ko ang pag-siko ni Lauren sakanya, low-key na pagpipigil sakanya.

Based on my observations to them, masasabi kong medyo mahiyain si Lauren samantalang sobrang vocal naman ni Karelle, which made the two of them look cute because they're opposite to each other.

"Lumipat na kasi kami sa Manila nung high school na ako, pero dito talaga kami nakatira. Tsaka, hindi rin kasi ako lumalabas nung bata palang ako." Pagkwekwento ko, dahil parang nararamdaman ko na may mga side questions ulit si Karelle para sa akin.

"Ah kaya naman pala, pero bakit dito pa kayo nagpa-lamay? Bakit hindi na lang sa Manila?"

"Wala kaming bahay doon, naka-condo lang." Pumalakpak agad si Karelle at sumisigaw ng 'Wow', habang napakamot naman sa batok si Lauren. Halatang nahihiya sa inaakto ng kaniyang kaibigan.

"Sis! Ang yaman naman pala ito!"

Natatawang sabi ni Karelle habang niyuyugyog ang balikat ni Lauren. Masama naman ang tingin na pinukol ng kaibigan niya kaya agad din niya itong tinigil.

Love After LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon