Prologue

6.8K 160 19
                                    

Prologue


Si Clara, siya ang aking pinakamamahal na bestfriend. Di lang basta bestfriend, tagapagtanggol ko rin siya. Adviser, kapatid, kasangga sa lahat ng problema, tagaturo ng mga subjects na hindi ko naiintindihan, taga-alaga sakin na parang Mommy Mommyhan ko sa school. Kapag naging bestfriend mo siya, para ka naring may pangalawang ina.


Lahat, makikita mo kay Clara. Lahat ng mabubuting katangian ng isang mabuting kaibigan, nasa kanya na.


Lahat nalang ng bagay, ginagawa niya para sakin, para mapasaya ako, para mafeel kong safe ako, para maging komportable ako. Lahat ginawa niya. Lahat lahat.


Pero bakit? Bakit di ko man lang yun nasuklian? Lahat ng ginawa niya, wala akong sinukli ni isa.


Bakit napakawalang kwenta ko? Bakit napakawalang hiya kong kaibigan?!


Pinabayaan ko siya. Hindi ko siya nagawang tulungan. Hindi! Hindi!


Bakit napakaduwag ko? Bakit nagpakaduwag ako nung mga panahong kailangan niya ako? Bakit?!


At ngayon, sinisingil na niya ako sa lahat ng bagay na nagawa niya sakin. Sinisingil na niya ako!


Pero pano ko yun susuklian lahat?


Paano kita susuklian, Clara? Sa anong paraan kita susuklian?


Aalagaan rin ba kita gaya ng pag-aalaga mo sakin? Ibibigay ko rin ba lahat ng kabutihan ko sayo?


O kukunin mo sakin yung bagay na nawala sayo?


This is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are product of the author's imaginations. Any resemblance to actual events, places or person, living or dead is entirely coincidental.


DO NOT COPY! Please obtain permission.


BESTFRIENDS

Written by: Anna Fe C. Lumen a.k.a CandiesForFree


All rights reserved

08-06-15

Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon