Chapter 5

1.7K 56 0
                                    

REENA POV

Nandito ako ngayon sa Bahay nila Seth dahil gusto ng mommy niya

Si seth naman ay maagang pumunta ng Kompanya niya dahil may Meeting sila

Sobrang gwapo niya talaga, inlove na inlove nako sakanya kaya gagawin ko talaga siyang tunay na lalaki

"So kailan naging kayo hija?" Tanong ni Mommy Elena

"Last week palang po" Mahina kong sabi, ang hirap kaya magsinungaling lalo na't mabait si mommy elena sakin

"Bago palang kayo, alam mo ba hija? Sobrang cold ni Seth sa mga tao kaya natutuwa ako na naging nobyo mo siya" Masayang sabi niya kaya ngumiti lang ako

"Alam mo kasi yang si Seth hindi naman siya ganyan dati pero dahil sa nangyari ay nag iba siya" Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya

"Bakit po? Ano po bang nangyari?bakit siya nagbago?" Kunot noo kong tanong

"5 years ago may first siya ang pangalan niya ay si Mia, kaso hiniwalayan siya nito dahil mas pinili ni Mia ang kanyang pagmomodelo sa ibang bansa kaysa sa anak ko, sobrang nasaktan ang anak ko sa nangyari, nagmamakaawa siya na wag iwan pero iniwan siya parin nito, lage siyang umuuwi na lasing hanggang sa naging cold na siya sa lahat maliban samin ng pamilya at kaibigan niya", Malungkot niyang sabi, talagang nasaktan siya sa nangyari sa anak niya, kumunot ang noo ko

May first love pala siya? At babae ito? Akala ko ba bakla siya? Baka naman naging bakla siya dahil sa nangyari? May kaibigan din pala siya, mga babae ba yun o lalaki? Siguro lalaki, baka ako lang ang nakaalam na bakla siya

"Hija? Are you ok? Ang lalim ng iniisip mo eh" Tanong ni mommy
"Ah ahm ok lang po" Sabi ko

Ang tanga naman ni Mia dahil mas pinili niya ang career niya kaysa kay Seth, ang laki niyang tanga, pero ok narin yun buti at iniwan niya dahil para naman talaga sakin si seth

--------------
Pumunta ako sa opisina ni seth

"Nandyan ba si Seth?" Tanong ko kay clown

"Nandyan po sa loob" Sabi niya, buti naman at mabait nasiya sakin

"Seth babyyyy!!!" Sigaw ko pag pasok

Nanlaki naman ang mata ko dahil dilang pala si seth ang nasa loob ng opisina niya kundi apat sila

Woahhhh ang hohot nila, jackpot ako nito! Charot hahahahha...

"Wuy bro! Di mo naman sinabi na may bagong Girlfriend kana pala" Sabi nung isang lalaki na medyo singkit ang mata, gwapo rin ito pero mas gwapo parin si seth

"Kaya nga bro! Nagtatago ka na ngayon ng sekreto huh!" Natatawang sabi naman nung isang lalaki pero mukha itong playboy

"Hi gorgeous what's your name?" Tanong ng isa mukha rin itong womanizer

"Back off Marco!" Seth said with a cold tone

"Woah woahhh! Easy Lang bro! Gusto ko lang ako sa girlfriend mo" nakataas na sabi ni Marco daw ang pangalan

"Im Reena Bustamante" Sagot ko

Tumayo si Seth sa pagkakaupo at Hinila ako sa bewang at sinamaan ng tingin si Marco

"Napaka possessive mo naman Seth" natatawang sabi nung singkit kanina

"Shut up Nicko!" Inis na sabi niya kay singkit, nicko pala ang pangalan niya

Ang gagwapo naman nila, grabe talaga to si seth nagseselos ba siya dahil gusto niya si Marco, ayaw niya atang agawin ko sa kanya si Marco

"Wag ka ngang mag alala bakla ka, diko aagawin sayo si marco nuh, ikaw ang aagawin ko" bulong ko sa kanya

Tinignan naman niya ako ng masama, Baklang to sobrang sungit!, Sarap itali sa kama! Hihihihihihi

Seducing the Gay Ceo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon