Chapter 27

1.2K 46 0
                                    

REENA POV

Pa tingin tingin ako sa Wall clock dahil Alas 9 na ng Gabi at wala parin si Seth

Sabi niya kasi kanina ay maaga siyang makauwi kaya nagtataka ako ngayon, kinakabahan rin ako dahil baka anong na ang nangyari sa kanya

Napabangon ako ng marining ko ang sasakyan ni Seth 

Bumaba ako at sinalubong si Seth...

"Seth Akala ko ba maaga kang uuwi?" Tanong ko sa kanya ng makapasok siya

Hindi niya ako pinansin, teka? Bakit parang lasing si Seth?

"Are you drunk?" Tanong ko sa kanya at lumapit, amoy alak ito lasing nga siya, bakit naman siya nagpapakalasing?

Tinulungan ko siya umakyat sa Taas, medyo nahihirapan ako dahil lasing na lasing siya

Nang mailapag ko siya sa Kama namin ay kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo

Huhubarin ko na sana ang damit niya ng magsalita siya

"I love you" Biglang nag slowmo sakin ang lahat, Biglang bumilis ang tibok ng Puso ko

"Mia" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa Sinabi niya

Si Mia? Firstlove niya? Mahal niya parin? Akala ko ako. Napangiti ako ng mapait

Napaka assuming ko naman

Tinapos ko na lang ang paglilinis ng katawan niya binihisan siya

Tumulo ang mga luha ko, kaya ba hindi niya ako kayang mahalin dahil mahal niya parin si Mia?

Ang swerte ni Mia, Sana ako nalang si Mia
Mag damag akong umiyak

NEXT MORNING

REENA POV

Maaga akong nagising at nakita ko si Seth na tulog parin sa tabi ko

Bigla namang kumirot ang puso ko ng maalala ko ang sinabi niya kagabi

Bumuntong hininga ako at Tumayo, alas 5:30 panaman ng umaga kaya maglakad lakad muna ako...

Naghilamos ako at lumabas, paglabas ko ay nakita ko si Joy sa labas ng kwarto

Ang Aga niya talagang gumising minsan iniisip ko kung natutulog ba talaga to o hindi eh...

"Saan po tayo Lady Reena?" Tanong ni Joy

"No hindi ka sasama, ako lang, maglalakad lakad lang naman ako" Sabi ko sa Kanya

"Hindi po pwede Lady Reena, Mapapagalitan po ako ni Master Seth" Sabi niya sakin...

"Hindi yan, ako ang bahala" Sabi ko sa kaniya

"But---" 

"No more buts Joy! Ako ang masusunod" Galit kong sabi at tumalikod

Hindi naman siya sumunod, mabuti naman

Gusto kong mapagisa ngayon, gusto kong mag isip-isip

Hahayaan ko na lang ba na ganito ang set up namin ni Seth? Hindi niya naman ako mahal eh, Kailangan niya ba talaga akong panagutan? Napipilitan lang naman siya

Lalayo nalang kaya ako? Pano naman ang baby ko?

Siguro kunting tiis nalang, baka mamahalin pa ako ni Seth

Oo tama! Mamahalin pa ako ni Seth pero sana nga...

"Watch out!" Nagulat ako ng may humapit sa bewang ko at hinila ako

May humarurot pala na sasakyan at muntik na akong masagasaan

"Wew! Muntik nayun ah!" Sabi nung lalaki na humila sakin

"A-ah Salamat" Sabi ko sa kanya

"Ano bang iniisip mo? Ang lalim eh muntik ka ng masagasaan buti at nakita kita" Sabi niya

Gwapo ito at medyo singkit ng kunti, Maputi parang di siya pure Filipino

"Im Drake Fuentes" Sabi niya at inilahad ang mga kamay

"Im Reena Martinez" Sabi ko at tinanggap ang kamay niya

Pero malayo layo na pala ako sa bahay ni Seth, Sobrang lalim nga ng iniisip ko

"Bago lang kita nakita dito ah" Sabi niya

"A-ah 7months na ako rito, Dun ako nakatira hindi kasi ako lumalabas labas eh" Sabi ko sa kanya at tinuro ang bahay ni Seth

"Ah ok, Magkatabi lang pala tayo ng bahay" Nakangiti niyang sabi

Ang cute niyang tignan kapag nakangiti pati mga mata niya ay ngumingiti, nakakahawa tuloy

"So bakit ka pala nandito sa daan?" Tanong niya

"Ah nag lalakad lakad lang sana para hindi. Ako mahirapan kapag manganak" Sabi ko kaya tumango tango naman siya

Seducing the Gay Ceo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon