Chapter 7

1.5K 53 0
                                    

REENA POV

Andito ako ngayon sa tapat ng condo ni Seth, bakit ako nandito? Dahil dun ako titira

Kumatok ako
*Knock *knock, buti at binuksan niya kaagad

"What are you doing here" nakataas kilay niyang tanong

"And why are you bringing maleta babaita ka?" Mataray niyang sabi

Diko siya pinansin at pumasok sa condo niya, lalaking lalaki talaga ang style ng condo niya, halos black and white

Malaki rin ang condo niya, mas malaki sakin halatang puro mamahalin

"What are you doing!?" Inis niyang sabi

"Dito na ako titira" nakangiti kong sabi

"What!?" Sigaw niya kaya napangiwi naman ako

"What whatin mo mukha mo!, Asan kwarto mo?" Nakataas kong kilay natanong

"Are you crazy? Dito ka titira!?" Sigaw niya ulit

"Yes Im crazy for you and yes dito ako titira bingi kaba!? At syaka wag kag sumingaw wala tayo sa bundok!" Inis kong sabi

"No way!" Sabi niya
"Yes way" sabi ko

"I said no!" Matigas niyang sabi
"I said yes!" Mas matigas ako sa kanya mga ateng!

"Ano bang problema mo babaita ka! Hindi ka naman buntis kaya lubayan moko!" Inis niyang sabi

"No! Pregnant or Not you're mine now! Dahil ikaw ang nakakuha sakin! Alam mo bang hindi ko yun binigay sa dating nobyo ko!?" Inis kong sabi

"Fine! Pero dun ka sa kabilang kwarto at hindi sa kwarto ko!" Inis niyang sabi

Lumalapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi

"Thankyou" nakangiti kong sabi at tumalikod

Pumasok nako sa kwarto ko, hindi maalis alis ang mga ngiti sa mga Labi ko

Tinignan ko ang orasan at alas 7 na ng gabi, hindi pa ako kumakain kaya lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina ni Seth

Tinignan ko ang cabinet pero walang stocks wala ring nilutong pagkain aishhhh! nagugutom na ako eh!

Pumunta ako sa kwarto ni seth

"Seth! Walang pagkain nagugutom na ako!" Sigaw ko para marinig niya ako

Pero walang sumagot
"Seth ano ba!" Sigaw ko ulit pero ayaw talagang sumagot ng baklang yun!

Pinihit ko ang doornab at bukas naman pala ito, kanina pa ako sigaw ng sigaw bukas naman pala ang pintoan

Pagpasok ko sa kwarto niya ay bumungad sakin ang madilim at mabango niyang kwarto, pati amoy ay lalaking lalaki, bakla ba talaga siya? Parang hindi eh!

"Seth?" Tawag ko, binuksan ko ang ilaw pero wala akong seth nanakita

Pumunta ako sa banyo pero wala naman siya dun? Hindi kaya kumain nayun sa labas? Asar talaga tong bakla nato!

Nagbihis nalang ako para kumain sa labas
Pagka baba ko sa elevator ay nagulat ako sa nakita ko

"What are you doing here?" Tanong ko

"Babe? Reena? Ikawnga?" Lalapit sana siya kaso umatras ako

"Pwede ba josh! Wag mukong tawaging babe! Wala natayo!" Tama kayo ng nabasa, si Josh ang nasa harapan ko

"Plssssss patawarin muna ako babe, nagkamali ako plsssss im sorry" Nag mamakaawa niyang sabi

"No! Ayaw ko na! Kaya tigilan muna ako!" Sabi ko, nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso

Napangiwi ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sigurado akong magkakapasa ito!

"Hindi tayo naghiwalay diba?! Kaya akin ka parin!" Sigaw niya sakin kaya natakot naman ako, ito ang unang beses na sinigawan ako ni Josh

"B-bitawan m-moko ano ba!" Nasasaktan kong sabi

"No! You're mine! Mine alone!" Sabi niya at hihilahin niya sana ako ng biglang siyang tumilapon sa sahig

Si Seth galit na galit ang mukha, parang di si seth ang nakikita ko ngayon dahil sa aura niya, pati ako ay natatakot sa aura niya

"Back off asshole!" Galit na sabi ni Seth, para siyang lion na handang sumugod

"What's your Problem Mr. Sandiago!? Wag kang mangealam samin dahil away namin to ng jowa ko!" Galit na sabi ni Josh at tumayo sa pagkakatumba

"Wala ng tayo josh! Pwede ba umalis ka nalang!" Galit na sabi ko kay Josh

"No Akin ka lang Reena! Di tayo nag hiwalay!" Sabi niya

"She's mine now Mr. Delos Reyes so back off!" Galit na sabi ni Seth at tinago ako sa likod niya

Siguro kung hindi kami napunta sa ganitong sitwasyon, kanina pa siguro ako nanginasay sa kilig

Susuntukin sana ni Josh si Seth ng pumagitna ako

"Pwede ba josh lubayan mo na ako! Umalis kana dito bago pa ako tumawag ng guard!" Galit kong sabi kay Josh

"Di pa tayo tapos Reena!" Galit na sabi ni Josh at tumalikod, natakot naman ako sa sinabi niya

Seducing the Gay Ceo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon