Chapter 28

1.2K 47 0
                                    

REENA POV

Pumunta kami sa park ni Drake, malapit lang pala dito

Lang lakad lakad lang kami ni Drake habang nag uusap

'ang cute nilang tignan'
'babe tignan mo sila, ang sweet'
'omyyyy bagay na bagay silang dalawa'
'siguro maganda/gwapo ang magiging anak nila'

Ilan Lang Yan sa mga bulungan na naririnig ko, nahiya naman ako

Napagkamalan tuloy si Drake na Ama ng anak namin ni Seth

Narinig kong tumawa si Drake kaya napatingin ako sa kaniya

"Ang cute mo kapag namula" Sabi niya kaya namula ako lalo

Hinampas ko siya sa braso siya naman ay tumatawa nahahawa rin ako sa tawa niya kaya natawa narin ako

Para kaming mga tanga dito na tumatawa

"Abno ka talaga drake" Sabi ko sa kaniya
Inirapan niya ako

"Bakla ka drake?" Gulat kong tanong sa kaniya

"Anong bakla! Gusto mo sundan kaagad natin yan" Sabi ni Drake at nginuso ang malaki kong tiyan

Namula naman ako ng marinig kong tumatawa ang mga taong nakarinig sa sinabi ni Drake

Hinampas ko siya ng malakas

"Ouch! Ang sadista mo" Sabi niya kaya inirapan ko nalang

"Wala ka pala sa asawa bro!" Sigaw nung isang lalaki

Kaya tumawa silang pareho ni Drake, siguro kung diko nakilala si Seth kay drake ako maiinlove, he's so funny ang bait bait niya pa....

Nagtatawanan kami habang naglalakad pauwi

Napaka joker kasi ni Drake eh, Kahit kakakilala mo palang sa kaniya hindi kana mahihiya dahil sa kadaldalan niya

Tawa lang kami ng tawa ng...

"Reena!" Napatingin ako sa tumawag sakin at si Seth iyon, galit na galit ang mukha

Nasa tapat na pala kami ng bahay, hindi ko namalayan

"Alis na ako Reena ah, mukhang galit pa Asawa mo" Bulong sakin na Drake kaya ngumiti lang ako sa kanya at Tumango

Pumasok na ako sa Gate...

"Who told you to Flirt in Front of my house!?" Galit na galit na ang mukha niya pero binaliwala ko lang ito

"Pwede ba Seth pagod ako" matamlay kong sabi at akmang tatalikod na ng hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko

Napangiwi ako sa sakit

"Bakit ka lumabas na di kasama si Joy huh!? Para malaya kang makipag landian!?" Galit na sabi niya sakin, lumalabas narin ang ugat niya sa leeg

Nasaktan ako sa sinabi niya, takot rin dahil baka anong gawin niya sakin...

"Hindi ako nakipag landian!" Nasasaktan kong sabi

"Oh really? Anong tawag mo dun kanina!? Nakipag kaibigan lang ganun!?" Sabi niya

"Wala kang pake!" Sigaw ko sa kaniya kahit takot na takot na ako sa awra niya

Hinila niya ako at dinala sa kwarto namin

"Ano ba seth! Nasasaktan ako ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang pilipilit na makuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya

"Magkakaanak kana pero lumalandi ka parin!" Sigaw niya sakin

"Ano bang pakealam mo kung lalandi nga ako!? Wala lang ako sayo diba!? Hindi mo naman ako mahal!" Umiiyak kong sabi

Tahimik siya saglit

"Hindi ka pwedeng lumandi sa iba! Because You're mine!" Galit niya paring sabi

"Hahaha" Peke kong tawa
"Sayo ako? Ikaw akin kaba?" Mapait kong Sabi...

"Oo sayo ako! Dahil mahal kita! Pero ikaw? Kailan kaba magiging akin? Impossible pala yun dahil si Mia ang mahal mo" mapait akong napatawa

Natigilan naman siya sa sinabi ko

"Wag kang mag alala darating ang araw na, hindi na kita guguluhin" Sabi ko at dali daling pumasok ng banyo at nilock ito. 

"Reena!" Tawag sakin ni Seth habang kumakatok

Umiyak lang ako ng umiyak sa banyo, masakit narin ang ulo ko sa kakaiyak

Masakit sakin ang mga sinasabi niya, pero mas masakit dahil iba ang mahal niya ay hindi ako yun

Seducing the Gay Ceo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon