Chapter 17

1.5K 42 0
                                    

REENA POV

Kasalukuyan akong nanunuod ng tv dito sa condo ko, ilang araw ko ng di nakikita si Seth

Nagtatampo parin ako sa kanya, hindi niya sinabi ang dahilan kong bakit siya nagpapanggap na bakla

Hindi naman ako nagagalit sa kanya dahil wala naman akong karapatan syaka isa pa mahal ko rin siya kaya ayaw kong magalit sa kanya

Napalingon ako sa pintoan ng may kumatok

"Hija" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mommy ni Seth, si mommy Elena

"Ohmy! Mommy Elena, buti napa dalaw kayo?" Sabi ko habang yumakap sa kanya

"Ok nga hija eh" nakangiting sabi ni Mommy Elena

"Pasok kayo mommy, dun tayo sa loob mag usap" nakangiti kong sabi pumasok naman kami sa loob at umupo sa Sofa

"Bakit niyo po alam kung saan ang Condo ko?" Tanong ko sa kanya

"Tinanong ko kay Seth hija, Nang malaman ko na buntis ka, sobrang natuwa ako, alam mo na matagal ko ng gustong magka apo" Nagniningning ang mga mata niyang sabi kaya napangiti ako

"Sino po nag sabi sayo nabuntis ako?" Tanong ko

"Si Seth sobrang saya nga niya nung sinabi niya sakin yun eh" Sabi niya, napatigil naman ako sa Sinabi ni Mommy Elena

Totoo? Masaya si Seth? Biglang tumibok ng malakas ang puso ko, parang may mga paru paro na lumilipad sa tiyan ko, kinikilig akoo!

"Totoo po? Masaya si Seth?" Panigurado ko

"Oo hija, Minsan ko lang nakikitang ngumiti ang anak ko, pagsabi niya sakin na buntis ka ay pati ang mga mata niya ay nakangiti" Nakangiting sabi ni Mommy Elena

Namula naman ako, parang lalabas ang puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko

"Naku! Hija! Gusto ka ng anak ko, Ina ako kaya alam ko ang kinikilos ng anak ko" Sabi ni Mommy Elena

"Baka po masaya lang siya sa bata" Nasaktan naman ako dun sa sinabi ko

"Mahal ka niya Reena, Just trust him he loves you so much, I can see it in his eyes" Nakangiting Sabi ni mommy Elena kaya gumaan naman ang pakiramdam ko

"Pero bakit po siya nagpapanggap na bakla sakin?" Tanong ko, 

Akala ko ay magugulat si Mommy Elena sa tanong ko dahil hindi naman niya alam na nagpapanggap ang anak niya nabakla sakin

"He has a Reason hija, all you need to do is to trust him" Sabi ni Mommy

"Alam niyo po?" Naka kunot noo kong tanong

"Yes alam ko, May rason siya kaya niya yun ginawa" Sabi ni Mommy Elena

Ano naman ang rason nayun? Should I trust Him? Pano kung lolokohin niya lang ako? 

"Trust Him Hija, Hintayin mo Lang siya na sabihin sayo kung ano ang dahilan, wag mi muna siyang pangunahan" Sabi ni Mommy habang tinapik tapik niya ako sa balikat kaya ngumiti ako sa kanya

"I trust Him" Nakangiti kong sabi, walang mawawala kung susubukan ko, syaka tama naman si Mommy Elena, wag ko muna siyang pangunahan

Naguusap lang kami ni mommy hanggang sa umuwi narin siya, nasa Italy siya nung nakaraang mga araw kaya ngayon ulit kami nagkikita

----------------
Tanghali na kaya naisipan kong puntahan sa Opisina si Seth dahil namimiss Kona siya, diman lang niya ako dinalaw!

Nang makarating ako sa building ay bumaba kaagad ako at pumasok ng building, excited akong makita siya eh hihihihi

"Nandyan ba si Seth?" Tanong ko sa secretary niya

"Wala pa po, may meeting pa po siya Hintayin niyo nalang po siya sa loob malapit narin naman yun matapos" Sabi niya, mabait naman pala siya eh

Tumango nalang ako at pumasok sa opisina si Seth, nakaupo lang ako sa sofa

SETH POV
"Boss nasa loob po ng opisina niyo si Ms. Reena" Sabi ng Sekretrya ko

Tumango lang ako at tumalikod

Pagpasok ko sa opisina ko ay nakita kung nakahiga si Reena sa Sofa, tulog ito

Lumapit ako sa kanya at pinagmamasdan ko ang mukha niya

Ang ganda niya, ibang iba siya sa mga babae na nakilala ko siya lang ang may kakayahan na mapangiti ako

Nilagay ko sa magkabilang tenga niya ang buhok na nakatabon sa maganda niyang mukha

REENA POV
Nagising ako dahil may humahaplos sa mukha ko kaya idinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang gwapong mukha ni Seth

Nagkatitigan kami at sobrang lapit ng mukha namin halos magkadikit nanang mga ilong namin

Ang gwapo niya, para siyang anghel na bumaba sa langit para ibigin ako char! Hahahahahah

Ang makapal na kilay niya na mas nakakadagdag sa kagwapohan niya, ang tangos ng ilong, mga labi na kay sarap halikan

"Eherm" Napalayo ako sa mukha ni Seth ng may tumikhim

Tumayo naman si Seth at nakapamulsang lumapit sa table niya at dun siya sumandal slash upo

Nakita kong sinamaan ni Seth si Nicko
"Nakasturbo ba kami?" Tanong ni Marco

"Sa tingin mo?" Sabay na sabi namin ni Seth kaya namula ako, seth naman eh! Hihihihi

"Nakaka sturbo nga kami" natatawang sabi ni Marco

"Ihahatid lang namin tung invitation card sa inyo ni Seth" Sabi ni Calix buti at nagsasalita siya

Kinuha naman ni Seth ang invelop at nilagay lang sa mesa niya

"Sige alis na kami bro" Sabi ni Nicko
"Take your time" Nakangising sabi ni Marco, tumatawa naman ang mga kaibigan niya

Napailing iling lang si Seth

Seducing the Gay Ceo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon