Chapter 6

1.6K 51 0
                                    

REENA POV

"Pwede ba Reena wag kang sunod ng sunod sakin" Maarte niyang sabi

Pano ba naman kahit may meeting siya ay sumasama ako hahahhahahaha bahala siya dyan

"Gagawin nga kitang tunay na lalaki bakla ka!" Inis kong sabi sa kanya

"Di nga ako maging tunay na lalaki!" Bakla niyang sabi!

"Asus! Lalaki ka naman dati! First love mo nga si Mia eh!" Napatakip ako sa bibig ko sa nasabi ko, patay! Nangako pa naman ako kay Mommy elena na wag sabihin

"How did you know? Who told that?" Seryoso niyang sabi, lumunok naman ako ng laway at napakamot sa Noo, akward naman akong tumawa

"Hehe ahm nahulaan ko lang?" Patanong kong sagot

Lumapit siya sakin habang seryoso paring nakatingin sakin kaya umatras ako hanggang sa wala na akong maatrasan

"Who.told.you.that?" May diin niyang tanong kaya for the second time napalunok ako

"Ah eh Si m-ommy E-elena" Sabi ko
"Ano pa ang sinabi niya?" Ansama na ng tingin niya sakin kaya natakot naman ako

"Yun lang Seth" kinabahan kong sabi
"Sure ka?" Seryoso niyang sabi, sobrang dikit na ng mukha namin kunti nalang ay maghahalikan na kami

Tumango lang ako, lumayo naman siya sakin at hinilot ang sintido

Napahinga naman ako ng maluwag, akala mo itatapon niya ako sa building sa sama ng tingin niya eh

"Kaloka ka Reena girl! Nakaka stress ka!" Maarte niyang sabi habang nakapamewang, hayst back to bakla nanaman siya asar!

"Pwede ba bakla! Maging lalaki kana ulit plssss lang! Sayang ang lahi mo!" Inis kong sabi, nakita ko naman siyang nakangisi pero nawala ito agad

"Tumahimik ka dyan baka masipa kita!" Inis rin niyang sabi

Inirapan ko lang siya
"Gayumahin nalang kaya kitang bakla ka nuh?" Sabi ko sa kanya

"As if naman na magayuma mo ko, naku! Kahit ilang gayuma pa ipainom mo sakin di kita magugustuhan" Nandidiri niyang sabi

Ouch huh! Sumusobra na talaga tong bakla nato!

"Shut up! Baka gusto mong gahasain kita!?" Sigaw ko sa kanya

"Wag!" Sabi niya habang nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa dibdib niya

"Tsk! Bwesit ka talagang bakla ka, lagot ka sakin mamayang gabi!" Sabi ko habang naka ngiting aso bwahhhahahhahahaha

"Huy babaita ka! Subukan mo lang yang iniisip malalagot kasakin!" Napatakip ako ng tenga dahil sa tinis ng boses niya

Binilatan ko lang siya
"Wala lang pake!" Sabi ko habang naka rolled eyes

Sinamaan niya lang ako ng pake tinignan ko lang din siya nang masama

Wala talagang nagpatalo samin hanggang sa bumukas ang pintoan ng opisina niya

"Woahhhh! Ano to? LQ?" Sabi Ni marco

Tinignan lang namin si Marco ng masama
Tinaas naman niya ang mga kamay niya na Parang sumusuko

"Tumahimik ka Marco" Inis na sabi ni Seth, Sobrang galing niya talagang magpanggap na tunay na lalaki sa harapan nilang lahat

Tumahimik naman si Marco

"Dude may kailangan tayong pag usapan" Sabi nung lalaking isa, medyo ito ang pinaka seryoso sa kanila, pangalawa ni Seth kumbaga

Sumeryoso naman si Seth.
"Ano yun Calix?" Tanong niya

Tumingin naman sila sakin maliban kay seth kaya napakunot naman ako ng noo, problema nila?

"Pumasok ka muna sa Kwarto Reena" Seryosong sabi ni Seth, may kwarto kasi dito sa loob ng opisina ni Seth

Tumango nalang ako dahil mukhang seryoso nga ang pag-uusapan nila

Seducing the Gay Ceo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon