Chapter 22

1.3K 44 0
                                    

REENA POV

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama namin ni Seth

Nakakainis dahil nagiging busy na siya ngayon sa kompanya niya
Masyadong gabi na umuuwi tas maaga naman papasok

Hindi ko na nga siya masyadong nakikita, dahil tulog naako pag umuwi siya

Minsan na isip ko baka iniiwasan niya ako eh...

"Arggghhh! Bakit naman niya ako iiwasan!?" Sigaw ko dito sa kwarto

*Knock*knock

"Lady Reena, Ok lang po ba kayo dyan?" Tanong ni Joy sa labas ng pintoan
Personal Assistant ko daw siya sabi ni Seth

Siya ang magbabantay daw sakin, ibang iba siya dahil kung kumilos parang lalaki, nagtataka nga ako kay Seth eh, para naman akong Presidente na Kailangan proteksyonan

"Ok lang ako Joy" Sigaw ko pabalik

Pumasok ako sa banyo para maligo, pupuntahan ko si Seth sa trabaho niya baka may babae yun!

'Ano naman ngayon kung may babae siya? Sino kaba?' Sabi ng utak ko

Ouch huh! Pati utak ko sinasaktan ako

Wala akong pake kung walang kami ni Seth, sabi naman niya pananagutan niya ako!

Nagbihis na ako at nagsuot ng pulang dress na hapit na hapit sa katawan ko hanggang kalahati ng binti

Di pa naman halata ang tiyan ko dahil 3weeks palang ito

Nagpulbo at liptint lang ako

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Joy sa gilid ng pintoan na nakasandal sa pader

Para namang may mangyayari sakin na masama halos di man lang niya ako maiwa iwan....

"Lady Reena Asan po tayo pupunta?" Tanong ni Joy habang sumusunod sakin

"kay Seth" Tipid kong sabi habang papunta sa garahe 

"Pero bawal ka pong lumabas sabi ni Master Seth magagalit po yun" Sabi niya

"Pupunta tayo" may diin kong sabi, tahimik nalang siyang sumunod

Si Joy ang nag drive, alam kong magagalit si Seth dahil ayaw niya akong palabasin dahil baka may mangyari daw sakin na masama kapag lalabas ako

Pagkarating namin sa building, maraming mga mata ang nakatingin sakin, nakapoker face lang ako

Wala akong ganang ngumiti ngayon dahil wala ako sa mood

"Asan si Seth?" Seryoso kong tanong sa secretary niya

"A-ah nasa meeting papo ma'am" Mahina niyang sabi, Seryoso lang mukha ko takot na kaagad hayst wala lang ako sa mood

Nakaopo lang ako sa Sofa dito sa Opisina ni Seth, nasa labas si Joy dahil dun kang daw siya

Napatingin ako sa pintoan ng bumukas ito, akala ko ay si Seth pero si Calix lang pala

"Where's Seth? What are you doing here?" Tanong ko kay Calix

"He's busy right now, nalaman niyang nagpunta ka dito sa Opisina niya kaya niya ako pinapunta dito para samahan ka pansamantala" Mahabang Sabi niya

What!? Busy nanaman!? No! I want to see him!

"No! I want to see him! Tawagan mo siya!" Matigas kong sabi

"Busy nga siya at nasa meeting pa siya ngayon" Sabi ni Calix

"Tatawagan mo siya o tatawagan!?" Sigaw kong sabi, napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong kumirot

"Are you ok Lady Reena?" Tanong ni Joy, pumasok pala siya ng marinig niya akong sumigaw

"Calix tawagan mo nalang si Master Seth dahil di pwedeng ma stress si Lady Reena" Sabi ni Joy

Bumuntong hininga muna si Calix at kinuha ang Cellphone niya para tawagan si Seth

"Mast-----" Di natapos ang sasabihin ni Calix ng bigla niyang nilayo sa tenga niya ang Cellphone niya, siguro sinigawan siya ni Seth

"Lady Reena wants to talk to you" Sabi ni Calix at binigay sakin ang cellphone niya

"Seth" tawag ko sa kabilang linya

"Reena diba sabi ko wag kang lumabas?" Mahinang sabi niya, halatang nagpipigil ng galit

"I just want to see you, plsssss come here" Sabi ko

Bumuntong hininga naman siya
"I'll be there in 10 minutes" Sabi niya kaya napangiti ako dahil sa sinabi niya

Pinatay ko na ang tawag at nakangiting ibinalik ang cellphone ko kay Calix

Nakita ko naman na para silang nagulat, problema nila?

"Anong klaseng mukha yan?" Tanong ko sa kanilang dalawa

Nagkatinginan naman sila, may dumi ba ako sa mukha?

"Napapayag mo si Master Seth?" Gulat niyang tanong

"Oo, ano naman ngayon?" Taka kong tanong, ang Oa ng reaction nila ah

"Ayaw na ayaw ni Master Seth na iniisturbo siya sa trabaho niya, at ayaw na ayaw niyang maudlot ang mga meetings niya" Sabi ni Calix, dati seth ang tawag niya kay Seth, ngayon may master na ewan ko sa kanila

Pero teka? As in? Kaya pala ganun sila ka gulat

"Kaya nga Lady Reena eh, ang Galing mo napapayag mo kaagad si Master seth" mangha niyang sabi

Napangiti nalang ako

Seducing the Gay Ceo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon