KABANATA 3

546 460 11
                                    




Kinagabihan tinanong ako ni manang kung nasabihan ko si Zach tungkol sa ipapaayos na appliances, nakalimutan ko pala siyang sabihan matapos akong na guilty sa hindi niya pag pasok ng dalawang araw.

Kinabukasan ay maaga akong nakapasok sa school, iniirapan ko na lang yung mga tumitingin saakin at nag patuloy na sa pag lalakad.

"Oy diba yan yung umaway kanila Monica at Abe kagabi? " Bulong nung isa pero narinig ko.

"Oo siya raw yun, nag sumbong pa nga si Abe sa kuya niya na ka klase ni Echo."sabat naman nung isa.

"Tinakot raw siya ata e. Maldita pa naman ang mukha niyan kaya walang dudang tinakot nga sila."

Lilingunin ko sana sila nang makita kong may paparating na teacher kaya pinagliban ko nalang muna, sa buong klase ay wala akong nararamdamang iba kundi galit at pag ka inis, how dare they talk to me like that! Argh i'd like to kick them out'a here!

Break time, nag martsa ako papuntang cafeteria, masyado nang maraming tao kaya todo siksik ako, may naapakan pa akong mga sapatos kaya todo madali ko.

Umupo ako sa mesang good for 5 people tsaka tinawag yung lalaking nag likinis ng table sa kabila.

"Hey i'd like to order, Steak uhm... give me the menu."kumunot lang ang kaniyang noo at tinuro ang cashier na maraming studyanteng nag a line.

"Doon ka mag order, hindi ito restaurant na maghintay ka lang kung kailan maluluto ang pagkain mo."supladang aniya at pinagpatuloy ang pag pupunas.

Tinitingnan na ako ng mga higher levels at yung iba naman ay natatawa sa inakto ko. Nilingon ko ang groupo ng kalalakihan sa harapan ko dalawang table ang agwat namin pero kitang kita ko ang mga mukha nila habang nakatingin saakin, isa na doon si Zach na umiling iling habang nakahawak sa kaniyang notebook.

Inirap ko na lang ang aking mata, padabog akong tumayo at naglakad patungong line kung saan nag aabang ang ilang studyante.

"Ambagal naman!"napapadyak nalang ako sa aking paa dahil sa taas ng pila.

"Ate ako una, nag mamadali ako!"pakiusap ko sa kaharap ko, napa lingon siya sakin at nag taas ng kilay.

"Nene pariho lang tayong nag mamadali, ang kaibahan natin ay hindi ka marunong mag antay."wika niya at tinalikuran ako.

Inirapan ko siya at kinopy ang mga sinabi, napakibit balikat nalang ako habang nag aantay. I'm not a fond of waiting, sa tanang buhay ko ay hindi ako pinapahintay.

"Kelan ba matatapos to! Antagal ! It will take forever after I get there. "reklamo ko.

"Maghintay ka nga, makakaabot yan apat nalang oh, forever ka jan!"napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko, kasunod sakin. Naka ngisi siya saakin at napa iling.

Si Zach Del Sarte lang naman.

Tinaasan ko siya ng kilay atsaka pinaningkitan siya,"Hindi ikaw ang kinakausap ko, wag ka ngang Fc."aniya at tinalikuran siya.

Napatawa naman siya na mas lalong kina inis ng budhi ko, bad trip na nga ako tas dadag dag pa to, may kasalanan pa siya kaya pinag uusapan ako ng mga bata doon sa room.

"Suplada."bulong niya pero narinig ko. Napa pikit nalang ako sa inis at hindi na siya pinansin.

Finally ako na ang susunod.

"1 Chicken,banana sundae, milktea and  cheese cake please."wika ko sa babae at nag kibit balikat. Kumunot lang ang kanyang noo at tinitigan ako nang nag tatanong na titig.

"Miss canteen lang to, hindi ito jollibee o Mcdonald. Siopao,puto bongbong,juice, pancit, hotdog,at milkshake lang ang meron dito."aniya na ikabigla ko.

MaghihintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon