"Aalis ka ba talaga kuya peter?"maiyak iyak na sabi ni Sweden.
Aalis ngayon si kuya peter papuntang newyork dahil nagkasakit ang lolo niya at kailangan siya ng mama niya doon. Ipagpapatuloy na rin daw niya ang pag aaral doon at pati na rin ang pagtatrabaho.
"Kuya pets mag-iingat ka, wag ka munang mag asawa doon ha baka pag uwi mo may iba ka nang kasama."pinipigilan kong maging emosyonal habang pinapaalalahanan siya.
"Ang iyakin nyo naman babalik pa naman ako! Tsaka isa lang naman ang kinababaliwan ko."he chuckled para mabawasan ang emosyonal na tensyon. Tinapik ni zach at kuya stevan ang likuran niya at niyakap naman siya ni kuya joseff. Pinipigilan ang pag iyak.
"Alam ko ang mga galawang yan, gusto mo lang ng regalo paguwi e."biro niya at niyakap din si kuya joseff.
"I'll miss you bro, kahit naman hindi kita papaalalahanin alam kong magdadala ka ng isa para sakin. Kahit skate board lang bro ni nikolai huksbohg sikat yan sa newyork."sinapak naman siya ni kuya peter,sabay sabay kaming natawa.
"Oo siya sige na, ang emosyonal niyo naman nakakahiya na a pinagtitinginan na tayo."inilagay niya ang backpack sa likod niya saka isinuot ang shades niya. Mamula mula na ang kaniyang tenga at parang nagpipigil lang siya ng emosyon. Tinapik ulit niya si sweden at ngumiti saakin na katulad rin niya ay nagpipigil ng emosyon. Tinanguan niya si kuya antonio na agad din nitong tinugon at bumaling ang tingin sa ibang direksyon.
Masasabi ng iba na masungit siya pero kilala namin siya at hindi siya ganoon, sinasarile lang niya ang mga nararamdaman niya dahil ayaw niyang maging mahina sa harap ng mga tao lalo na sa mga kaibigan niya, lumaki siyang independent at walang sumusuporta kung kaya't hindi siya pwedeng maging kaawa awa sa paningin ng ibang tao.
"Wag mong kalimutan tumawag kung may kailangan ka."si kuya steven.
"As if namang pag tatawag ako makakapunta ka sa new york agad."biro niya.
"Ulol syempre yung pabantayan mo lang samin si --"
"Sige na! Pag ako naiwan ng flight walang pansinan ah."tumalikod na kaagad siya, halatang gusto nang umiyak. Sinundan lang namin siya ng tingin habang naglalakad bitbit ang maleta at backpack niya hanggang sa pumasok na siya sa loob. Mas lalong umiyak si Sweden kaya tinapik ko siya sa likod at pinatahan.
"Kumain na tayo kaya pala tumunog na yung tiyan ni peter kanina."napatawa kami dahil sa sinabi ni kuya joseff, ma mimiss namin si kuya peter.
Nagsiuwian na kami nang matapos kumain, naligo kaagad ako pag uwi dahil sa init ng katawan.
"Manang tumawag si mama?"bungad ko ng bumababa sa hagdan. Nag aarange ito ng flower vase sa mesa.
"Hindi hija,may ipapasabi ka ba kapag tumawag?"tumingala ito sakanya at hinanda ang pandinig. Nakaramdam agad ako ng pananakit ng puson dahil sa sinabi niya, attensyon nga hindi na nila maibibigay saakin pati ba naman ang oras para lang tumawag ipagkakait nila.
"Wala po. Sige po matutulog na ako."kakain pa sana ako kaya lang ay nawalan ako ng gana. Tinawag pa ako ni manang para kumain dahil nakahanda na ang pagkain sa mesa pero hindi ko ito pinansin hanggang sa makapasok sa loob ng kwarto. Kinuha ko ang phone sa bag at inopen ang ig para mabawasan ang kalungkutan.
Nag post ako ng pic na naka simangot habang nilagyan ng teary sticker ang mukha.
'I'm sad send memes.;('
Hindi pa ng limang segundo ay may pitong heart ng iyon,pinagpatuloy ko ang pag scroll nang nag pop out ang pangalan ni zach. Vibrate nang vibrate ang phone ko sa sunod sunod na message niya, agad ko itong binuksan nang malamang memes pala iyon.
BINABASA MO ANG
Maghihintay
RomanceLove can Forgives Love can Heal Love can Protect Love can Survive Love can Wait