CHAPTER 10: TROUBLE IN THE COURT
BRYAN'S POV
"Good morning." Mahinang bati ko ng naupo si Amara sa tabi ko.
Tumango lang siya sa akin bilang sagot saka niya nilabas ang selpon at doon na tinuon ang atensiyon.
Hanggang sa magsimula na ang klase ay halos hindi niya ako kinausap. Sinusungitan pa nga niya ang mga babae naming classmates.
Dumating ang breaktime ay nagsabay naman kami kasama sina Yeshua at Vincent.
"Anong plano niyo mamaya? Half day tayo e." Tanong ni Yeshua sa amin.
Nagkibit ng balikat si Amara. "May pupuntahan ako."
I instantly glance at her. "Saan?"
She just shrugged her shoulders as her answer.
"Nagtawag si Rainer. Basketball daw tayo sa subdivision nila, sama ka Bryan?"
Binalingan ko si Amara na kumakain saka ako sumagot. "Sige."
Nagpatuloy pa ang klase after break. Dalawang subject pa iyon.
"Your projects will be pass on monday. May friday, saturday and sunday kayo para tapusin iyan." Our teacher said.
Lima kami sa grupo at fortunately kasama ko si Amara.
Pagkadismiss ay tumayo agad si Amara. Nagsalita lang siya habang nakaharap sa pinto. "Hanap ka ata ni Zuri. Mauna na ako."
Iyon lang ang sinabi niya at lumabas na. Bahagya ko pang napansin ang pasimpleng pagbangga niya kay Zuri na nasa pinto nga.
Nilapitan ko siya.
"Bakit?"
Inayos niya ang bangs niya. "Narinig ko kasi si Rainer na magba-basketball daw kayo sa subdivision nila. Puwede bang sumamang manood?"
Tumango na lang ako at sabay na kaming naglakad.
AMARA'S POV
I went to the senior high school building. Hindi pa ako nakakalapit doon ng makita ko na si Christian.
"Tara na?" Sabi nito.
Tumango ako. "Tara."
Magkapatid ang lolo ni Christian at lola Karen ko. Magpinsan sina papa saka ang mama niya kaya second cousin ko to.
Kahapon ko nga lang siya napansin na dito na pala siya nag-aaral. Sabi niya e kinausap niya si papa na huwag ipaalam na dito siya nag-aaral para daw isurpresa ako.
Dagdag pa nga niya e sa isang subdivision siya mag-isang tumitira. Iyon kasi ang gusto ng parents niya para maging independent siya but in other hand, they still support him financially.
Nasa parking lot kami na kami ng mapansin ko ang grupo nila Bryan.
Magba-basketball nga pala ang mga 'to.
"Sakay na." Lahad ni Christian sa motor niyang napaka astig. Nilagay niya ang helmet sa ulo ko.
"Paanong sa'yo?" Tanong ko dahil sa akin niya ibinigay ang helmet niya.
Umiling lang siya. "Mabasag na ulo ko, huwag lang ikaw."
Natawa ako at sinampal siya sa braso. "Ulol!" Umangkas akong natatawa. "Hindi ka pa din nagbabago."
Pinaharurot niya ang sasakyan papunta sa isang coffee shop. Pumasok kami doon at nagkwentuhan ng kung ano-ano.
BRYAN'S POV
BINABASA MO ANG
Domingo #3: Crush Me Back
Teen FictionBryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the feelings isn't mutual. Until she's awakened from playful reality that he will never ever crush her ba...