CHAPTER 05: THE BLAME AND A NEW FRIEND
AMARA'S POV
I am in my room, crying. Hindi na kami umabot ni Anton ng dalawang buwan.
Hindi ako lumabas para sa dinner sa gabing iyon dahil masama ang loob ko kay mama. Hindi lang niya ako pinagalitan, pumunta pa siya kanina sa school at pareho kaming kinausap ni Anton sa Dean's office doon sa college department.
Pinaghiwalay niya kami sa harap ni papa.
Kung paano niya nalaman ang relasyon namin? I didn't know.
Ayokong isiping sina Yeshua at Vincent ang nagsusumbong kay mama pero sila ang sinasabi utak ko.
Pumasok si kuya sa kwarto ko dala ang tray ng hapunan ko. Nilapag niya iyon sa side table saka hinarap ako na nasa higaan.
"Narinig ko iyong nangyari." Aniya at tinapik ako sa ulo. "Kapatid nga kita." He said and chuckled. "Puwede mo bang ikuwento, Amara?" Sabi ni kuya saka naupo sa higaan ako.
Mabilis akong bumangon at niyakap siya. Umiyak ako sa dibdib niya. Kahit ganito kami ng kuya ko na kahit medyo mailap na kami sa isa't isa ay hindi maaalis na kapatid ko siya ano man ang nangyari.
"Totoo 'yon, kuya. We had a secret relationship."
"That Anton Mendiola?"
Tumango ako.
"Oh? E bakit ka umiiyak?" Natatawa niyang sabi kaya tinampal ko siya sa braso niya.
"Kuya naman e."
"Intindihin na lang natin si mama, Amara." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka napanguso habang pinapahid ang luha. "Siguro hindi gaanong malawak ang utak niya sa mga ganito. Remember, maaga siyang nabuntis sa akin." Tumango ako dahil alam ko ang kuwento ng nangyari noon. "Maybe she's afraid na baka may mangyaring hindi din maganda sa iyo, na baka magaya ka kay mama at alam nating dalawa na ayaw niya 'yon kaya siya ganito sa iyo." Natawa siya at napakamot ng batok. "Maybe sa akin din. You know my do's. Magkaiba lang tayo kasi lalaki ako at babae ka."
"Can't I have a boyfriend anymore then? Para hindi na mag-alala sa akin si mama?"
Kinurot niya ako sa pisngi. "Bata ka pa naman. Try to enjoy your puberty without disobeying mama's wants." May biglang sumilay na ngiti sa labi niya na parang tutuksuhin ako sa sasabihin niya. "What about Bryan? Hindi mo na siya bukambibig simula noong nag highschool ka ah?"
Napaiwas na lang ako ng tingin sa sinabi niya.
Bigla siyang humalaklak na parang may napagtanto sa pag-iwas ko ng tingin na iyon. "Kaya ka ba nag bo-boyfriend ay dahil ayaw sayo ni Bryan at sinaktan ka niya kaya ka naghahanap ng iba? Hmm..." he said suspiciously.
I look at him expressionless.
"He said he don't like me kaya bakit ko pa siya hahabulin kung ayaw niya sa akin. I am already awaken from chasing him, kuya."
Bumalik ang ngisi sa labi niya. "Bakit hindi mo subukang magbalik loob sa kaniya ulit..." He smirk devilish. "And seduce him."
BINABASA MO ANG
Domingo #3: Crush Me Back
Teen FictionBryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the feelings isn't mutual. Until she's awakened from playful reality that he will never ever crush her ba...