CHAPTER 29: THE LAST CHAPTER
AMARA'S POV
"Ivor, take a look at Marco. Gigisingin ko lang ang papa niyo." Tumango naman ang four years old kong anak.
"Yes, mama!"
Nakapamaywang akong bumalik muli sa kuwarto namin. Alas dies na ng umaga, nakapag-agahan na at lahat at heto siya, tulog mantika.
"Bryan, bumangon ka na riyan!" May diin kong sabi ngunit wala akong nakuhang response galing sa kaniya. "Bryan, isa!"
Wala pa rin.
"Dalawa!"
Wala talaga.
"Sige! Tignan lang natin kung makasiping ka pa sa akin mamayang gabi–"
Mabilis siyang bumangon na parang hindi ako pinagbilang.
"Oh, heto na nga. Gising na. Babangon na." Aniya habang sapo ang ulo. "Shit! Hangover!"
"Iyan kasi! Kung hindi pa sinundo ni Marianne at Vien ang mga kainuman mo, hindi kayo titigil."
Inabot niya ang kamay ko kaya napalapit ako sa kaniya. Niyakap niya ako sa tiyan, siya na nakaupo sa kama at ako na nakatayo.
"Good morning, loves."
"Walang maganda sa umaga, Bryan kung ganito ang eksena araw-araw. At tanghali na, baka nakakalimutan mo!"
"Sungit." Bulong niyang rinig na rinig ko. "Heto na nga oh. Tatayo na, master Amara." Tumayo siya sabay halik sa akin. Amoy alak.
"Doon ka nga." Tulak ko sa kaniya. "Baho mo!"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Baka nakakalimutan mong itong mabahong 'to..." Turo niya sa sarili niya. "Kinakatalik mo, remember nakadalawa na tayo." Inirapan niya ako bago siya pumasok sa banyo.
"Bibisita nga pala sina mama, papa, ate Gianna at kuya mamaya. Bumaba ka na matapos diyan at alagaan mo ang mga anak mo!" Bulyaw ko sa kaniya.
———
Saktong nakahanda na ang tanghalian ay nauna nang dumating sina mama at papa.
"Nasaan ang mga apo ko?" Bungad ni mama. Naabutan niyang naglalaro ang mga bata sa carpet ng sala kaya dumiretso siya doon sabay kandong kay Marco. Marco is just two years old.
"Pa..." Lumapit ako para yakapin siya.
"Iyang mama mo, laging hinahanap ang mga apo niya. Bumisita naman kasi kayo sa amin paminsan-minsan."
"Balak po namin bumisita this week pero narito na kayo kaya..." Nagkibit ako ng balikat. Saktong nalingon ko ang papasok na sina kuya.
"Ivor!" Tili ni Caileen sabay lapit sa anak ko. "Lola!"
"Ang tanda ko na talaga masyado." Sapo ni mama sa noo niya.
BINABASA MO ANG
Domingo #3: Crush Me Back
Ficção AdolescenteBryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the feelings isn't mutual. Until she's awakened from playful reality that he will never ever crush her ba...