CHAPTER 26: THE TRUTH
AMARA'S POV
Nakatitig lang ako sa kaniya habang talak ng talak ang kapatid niya.
Kapatid. Hindi niya anak. Hindi nila anak.
Unti-unting naghuhulugan ang mga luha ko ng may mapagtanto. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'to. Kung mayroon pang mas hihigit sa salitang mahal ay 'yon talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Kung hindi ang batang ito ang rason kung bakit niya ako iniwan, kung ganon, ano? Klarong klaro ang sinabi niya noon sa akin na I am nothing to him and he don't like me at all.
Mas lalo akong napaiyak.
He never loves me, iyon ang totoo.
Akmang tatakbo ako papasok ng bahay ng pigilan ako ni Bryan, napahinto sa pagsasalita ang kapatid niya at napatitig sa amin.
"I'm sorry. Sorry because I hurt you. I hurt you in a way I didn't know."
Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin ngunit mas lalo niya iyong hinigpitan.
"I didn't ask for your explanation. Bitawan mo ako." Umiiyak kong pagpupumiglas. Nabitawan ko na ang hawak kong bulaklak. "I don't need your sorry. I don't care if I'm hurt. I don't like the feeling that you're here. You didn't love me, Bryan. Iyon ang totoo." Napabaling ako sa kapatid niyang umiiyak habang pinapanood kami. "Noong unang nakita ko siya..." Turo ko kay Brylie. "Kasama niya si Zuri, titig na titig ako sa batang 'to na akala ko ay anak niyo." Bahagya niya akong hinapit palapit sa kaniya. "Hindi mo alam kung gaanong pagkadurog ang puso ko ng makita siyang kamukha mo. Hindi ko mapigilang hindi isipin na iniwan mo 'ko dahil sa kaniya kasi nagkaanak kayo."
"Don't overthink, Amara. Please. Stop crying. Ang sakit makita kang umiiyak." Dinampian niya ako ng halik sa noo.
"Iyon lang kasi ang choice, Bryan kasi iniwan mo akong clueless. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi at kinikilos mo." Bahagya ko siyang tinulak para pinunasan ang mga luha ko at matapang siyang hinarap. "Huwag kang paasa, Bryan. Hinay-hinay ka sa pananalita mo kasi alam kong lahat ng 'yan, puro lang rin kasinungalingan."
"I'll explain–"
"Hindi. Ayoko." Napaiwas ako ng tingin at kinagat ang labi para hindi muling umiyak. "Bakit ka nandito? Akala ko ba ay masaya ka na sa iba. Bakit may pa bulaklak ka pa." Bahagya kong sinipa iyong bulaklak na bigay niyang nahulog kanina. "Iiwan-iwan mo ako tapos mag-i-explain ka? Para saan? Para umasa ulit ako sa mga kasinungalin mo?" Bumalik sa alaala ko ang mga pangarap namin. "Sabi mo sabay nating aabutin ang mga pangarap natin kahit magkalayo tayo. Pero anong ginawa mo? Iniwan mo pa rin ako. Bubuo tayo ng pamilya at magpapatayo tayo ng bahay natin kasama sila, diba? Pero pinabayaan mo ako! Kung sabagay ay hindi mo naman talaga ako gusto, diba?"
Umiling siya na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. "Hindi 'yan ang totoo–"
"May gana ka pang magpakita sa akin kasi ano? Kasi alam mong babaluktot ako pagdating sa'yo? Na konting kalabit mo lang sa akin, alam mong babalik at babalik ako sa'yo. Wala na akong pakeng nasasaktan ako dahil kahit anong pasakit mo sa akin, alam kong sa huli papatawarin at papatawarin pa rin kita. Gano'n ako katanga pagdating sa'yo. I don't like the feeling that you're here kasi kapag nandito ka, bumabaliktad ang isip ko na dapat na kagalitan at kamuhian kita ay biglang mawawala 'yon kasi mahal kita, Bryan. Mahal na mahal kita. Sobra sobra pero ang sakit ng ginawa mo. Tanga ako pero iuuntog ko talaga ang ulo ko sa pader, magising lang ako sa katotohanang iniwan at sinaktan mo 'ko."
BINABASA MO ANG
Domingo #3: Crush Me Back
Teen FictionBryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the feelings isn't mutual. Until she's awakened from playful reality that he will never ever crush her ba...