CHAPTER 24: SAME FEATURES
AMARA'S POV
"Ano na, girl? Saan ang next destination ng walwal duo?"
"I've search on internet. May sunflower farm daw somewhere in Nueva Ecija. What do you think, Tracey?"
Nagkibit siya ng balikat. "I'm bored, well always bored naman talaga ako. So, kailan?"
Naiiling na lang ako sa babaeng ito.
She is my college friend. Tracey Flores. Bukod sa boring raw ang buhay niya, gusto pa din daw niyang aralin at kilalalin ang iba't ibang uri ng mga bulaklak. As if hindi niya pa napag-aralan e halos nalibot na namin ang buong Luzon para lang sa mga bulaklak.
"Next week, maybe. Birthday kasi ng pamangkin ko this week and kuya wants you to be there also."
"Ahh! Can't wait to see Caileen. Ang cute ng batang 'yon! Sarap kagat-kagatin ang pisngi. Kapag maglilihi talaga ako, siya dapat ang paglilihian ko...tama! Hihiramin ko siya sa kuya mo."
Natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya.
"Oh, nandiyan na ang jowabels mo." Nguso ko sa papalapit na si Bennie. "Paano ba 'yan. Maiiwan na naman ang forever loner na si Amara." Kunwaring nagbuntong hininga ako. Nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran galing sa kaniya.
"Sus! Forever loner ba iyong umaasa pa ring babalik siya?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Nako, Amara! Hindi mo 'ko maloloko, sa itsura mong yan, halatang hinihintay mo siyang bumalik diba?" Sinundot niya ang tagiliran ko. "Oo 'no? Sus!"
Inirapan ko na lang siya at uminom sa milktea'ng binili. "Ewan sa'yo. Doon kana nga." Saktong nakalapit na si Bennie at tinanguan ko siya.
Nagpaalam na ang babaitang si Tracey na maharot.
Napabuntong hininga na lang ako ng maiwan ako mag-isa. Tumunganga ako sa labas ng glass wall ng milktea shop dito sa mall, pinapanood ang mga taong naglalakad.
Napailing iling na lang ako ng biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari five years ago.
After we broke up, may dumating na magandang balita sa amin, sa pamilya namin. Nang bumalik kasi si kuya galing La Union, kasama na niya si ate Gianna and she was pregnant that time.
Kahit papaano ay naging masaya ako sa mga araw na iyon. Nasaksihan ko ang paglilihi ni ate kay Maria Caileen, ang pamangkin ko. She is five months pregnant nang ikasal sila ni kuya and of course ako ang maid of honor doon.
Noong tumapak ako sa college, doon ko nakilala si Tracey. Same vibes kami pagdating sa mga bulaklak. Kaya magkasundong magkasundo kami.
Nakatapos ako sa kursong Botany gaya ng nais ko. Napapikit ako ng mariin ng maalala kung bakit Botany ang kinuha kong kurso. Winaksi ko na lang iyon sa isip ko.
And if you're asking him? Wala akong naging balita sa kaniya simula noon. Wala ring sinasabi sila mama sa akin dahil siguro napansin nilang nasasaktan ako kapag binabanggit nila ang pangalan niya.
Maski sina Yeshua at Vincent ay hindi nila siya binabanggit sa akin tuwing nagkakasama kami noon.
And speaking of them. Ikakasal na sina Vien at Yeshua next year. Vincent and Marianne are still in lover stage at ako?
BINABASA MO ANG
Domingo #3: Crush Me Back
Novela JuvenilBryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the feelings isn't mutual. Until she's awakened from playful reality that he will never ever crush her ba...