CHAPTER 15

126 5 0
                                    

CHAPTER 15: COUSIN'S TEASE

AMARA'S POV

Mabilis lumipas ang araw at sa mga araw na iyon ay lagi kaming sanggang braso ni Bryan. Lagi siyang nakaantabay sa akin, kulang na nga lang e i-hire ko na siyang bodyguard ko.

Sa tuwing lunch, breaktime, uwian, mapa-paggawa ng mga assignments ay kasama ko na siya.

Alam niyo iyong masaya doon?

Iyong dating pinapangarap mo, nakamit mo na. Dati, pangarap ko lang na pansinin niya ako, na hindi niya ako sinusungitan, okay na sa akin iyon.

At ang makasama siya na ganito ngayon ay sobra sobra na.

"Mama naman e!"

"Kumain ka nga ng gulay. Huwag mo akong subukan, Amara. Isusubo ko sa'yo iyan ng pwersahan."

Napalingon ako kay papa para humingi ng tulong, nilahad naman niya ang plato niya para ilagay ko doon ang pinipilit ni mama na kainin kong gulay.

"Put it here–"

"Sige, Kit. Subukan mo!" Banta ni mama sa kaniya.

Binalik ni papa ang plato niya at tinignan ako sa nakakaawang tingin. "Just eat that baby, masarap naman 'yan."

Binalingan ko ang kalabasa. Ayoko talaga ng lasa nito, hindi sa pag-iinarte, ayoko talaga. Nakain naman ako talaga ng gulay, huwag lang kalabasa.

Akmang isusubo ko na ang kalabasa ng may marinig kaming tili galing sa pinto.

"Kyah! Where's Mara? Mara! I'm here! Ahh!"

Napapikit na lang ako ng mariin ng marinig ko ang boses ni Armie. Ugh! Bakit siya nandito?

Sabay na pumasok si tito Aldwin at tita Allen samantalang si Armie ay nasa tabi ko na at niyuyugyog ako sa braso.

"I learned new nail designs. Ahh! Let me do it to you, Mara. I came here to do that and I miss you."

Magpapasalamat na lang ako na dumating sila dahil hindi ko nakain ang kalabasang dilaw na dilaw.

Nagpahila ako kay Armie at pinaupo niya ako sa sofa.

"I'll just get my manicure kit on our car. Wait here."

Pinagmasdan ko sina mama at papa na kasama sina tito at tita na pumasok sa opisina na parang may pag-uusapan.

Nagkibit na lang ako ng balikat.

Nagring ang phone ko sa tawag ni Bryan.

"I'm here, Amara." Gosh! Muntik ko nang makalimutan. Paparito nga pala siya dahil gagawin namin iyong last report namin sa Filipino. At nandito pa si Armie! "Bryan, Is that you– ahh! It's you nga." Rinig kong boses ni Armie sa linya ni Bryan.

Mabilis pa kay flash ay tinakbo ko ang distansiya ng sala namin palabas at naabutan kong niyayakap ni Armie si Bryan na walang ekspresyon sa mukha.

"Nakita rin ulit kita sa wakas. You look pogier and pogier, alam mo 'yon?" Ani pa nito at pinisil ang pisngi.

Sa mga oras na ito ay sinusumpa ko na si Armie sa utak ko, I hate here. I hate her treatment pagdating kay Bryan.

Domingo #3: Crush Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon