CHAPTER 27: ARELLANO
BRYAN'S POV
Pinapanood ko siya habang umiiyak. Nakaupo siya sa kama at nakatayo lamang ako sa harap niya.
Ang sakit makita ngayong nakabalik ako, ganito ang aabutan ko. Ang umiiyak siya sa harap ko. Hindi man ako iyong direktang nakasakit sa kaniya, may kasalanan pa rin ako kung bakit siya umiiyak dahil hindi ako nagbalik agad.
Matapos manganak ni mama kay Brylie, lumapit sa akin noon si Zuri at inamin ang kasalanang ginagawa niya. Sobra-sobra ang galit na naramdaman ko sa kaniya, siya ang may pakana ng lahat, siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, ngunit kahit ganoon pa man, hindi sa kaniya ang lahat ng sisi. Kung sana umuwi ako para kausapin siya ng maayos at para magkalinawan na hindi ako iyon ngunit wala akong ginawa. Nag-aaral ako at the same time tumutulong ako sa pag-aalaga kay Brylie.
Lumipas ang mga araw na nararamdaman kong bumabawi si Zuri sa akin noon. Mailap na nga ako sa kaniya noon, naging mas mailap pa ako noong nalaman ko ang ginawa niya. Ako na mismo ang nagsabi kay tita Rona na ayoko sa anak niya dahil may girlfriend ako. Hindi ko na pinakealaman kung nasaktan ang anak niya sa mga sinabi ko.
Laging naroon si Zuri sa bahay tuwing wala siyang ginagawa para tulungan kami ni mama sa pag-aalaga kay Brylie. Kaya malapit rin sa kaniya ang kapatid ko.
Isang araw kinompronta ko siya na bawiin niya ang mga ginawa niya kay Zuri at umiiyak siyang humihingi ng tawad sa akin. Sabi niyang pagkauwi namin sa Pilipinas, siya mismo ang lalapit kay Amara para sabihin ang totoo.
At ngayong alam na ni Amara ang totoo, ano pang iniiyak-iyak niya?
"Bryan..." Saad ni Amara sa gitna ng hikbi. "Hindi mo ba talaga minahal o ginusto si Zuri noong panahong kasama mo siya at magkalayo tayo?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sabihin mo 'yong totoo para naman alam ko ang ginagawa ko." May pagmamakaawa sa boses niya.
Bumalik ako para sa'yo, Amara. Iyon ang totoo.
"Hindi ka naniwala sa sinabi ni Zuri?" Tanong ko.
"Ang sasabihin mo ang papaniwalaan ko." Mahina niyang tugon. Nagsisimula na naman siyang umiyak.
Tinungkod ko ang kanang tuhod ko sa sahig para makalevel siya at sinapo ang pisngi niya kung saan tumutulo ang mga luha niya. "Just stop crying first, Amara." Pinahid ko lahat ng bakas ng luha sa mukha niya bago ko siya dinampian ng dalawang halik sa mga mata niya. "Those eyes aren't worth to cry for nonsense reason."
Tumango siya at pinakatitigan ako. "Miss na miss na kita, alam mo ba 'yon?" Aniya kaya napangiti ako.
"Alam ko, mahal na mahal mo 'ko e."
"Ipo-ipo ka na niyan?" Nag-iwas siya ng tingin para itago ang nagbabadyang ngiti niya ngunit napansin ko iyon. "Bakit ako natutuwa, dapat magalit ako kaniya." Bulong niya sa sarili na hindi ko narinig.
"Amara..." Mabilis siyang sumulyap sa akin ng bigkasin ko ang pangalan niya. "Ang dami ng nagbago 'no?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Tulad ng pangangatawan mo, ang laki ng pinagbago. Ang daming nagbago nong nasa malayo ako." Inagaw ko ang tingin niyang iniiwas niya sa akin. "Pero wala pa ring bago 'to." Turo ko sa puso ko. "Ikaw pa rin ang tinitibok at hinahanap niyan, kahit maraming Zuri pa ang humadlang."
BINABASA MO ANG
Domingo #3: Crush Me Back
Novela JuvenilBryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the feelings isn't mutual. Until she's awakened from playful reality that he will never ever crush her ba...