"WTF?!!"
"OUCHIEEE"
Sabay na sigaw namin ng nakabangga ko. At yes, ako ang nagsabi ng WTF dyan.
Agad akong tumingala para tignan kung sinong tanga ang sumira sa magandang umaga ko. At WTF again, anong klaseng nilalang ba 'to? Gaano ba katibay yung pagmumukha nito at nakakaya ang pagkakakapal-kapal na make-up. Sakit sa mata mga mehn, lalo na kung kitang-kita mo lahat ng manly features niya kahit sa kapal ng make-up na meron siya.
Sunod ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa at agad akong napataas ng kilay ko nang makita ang outfit nito. WTF for the third time because mga mehn! He's wearing pink all over his body. Huhuhu I feel so sorry for his fitted dress, feeling ko anytime it'll rip out off his body. The nails, bag, earrings, necklace, ring, shoes, and even the hat is in color pink. In different shades. Literal na sumakit yung mata ko sa nakita ko. Siya na! Nagliliwanag siya sa hapong ito dahil sa ganyang suot niya. Argh! Nagdeliver lang naman ako ng something dito sa mall bakit may extrang sakit sa ulo?
"Uy ate girl, aren't you going to say sorry to me? Uhm perhaps, for bumping me? Or for the disgusting gaze you gave me? Or maybe for all the three?", maarteng pagsasalita nito. He also flipped his hair—which is a wig—and I so want to pull it from his head. Imagine this mga mehn, he is a buff guy, has manly features, he seems like a handsome man without the make-up and crazy pink outfit, but he speaks so girly and his tone is high-pitched. Boy I feel like crying, the handsome community lost so much potential because this man right here belongs to a different community. It's quite fine though, as long as he behaves right and just.
"Luh, aren't you going to say sorry to me first? I suffered more damage kaya 'no! Natapunan ako ng iced coffee mo mars baka lang 'di mo napansin. Haba ng lashes mo eh natakpan ata mata mo kaya 'di mo nakitang may mabubunggo ka sa kerengkeng mong lakad.", sumisigaw na ako. Naiinis na kasi ako dahil parang ang hirap-hirap sa kanyang mag-sorry. And, wow, we got so much attention from the crowd and boy, they look like they are waiting for some action to come. Maybe the 'sabunutan' part. Sorry mga mehn, no drama for you.
"Luh, nagger. Attention seeker ka ata? Char! Halika dito girl, I'mma treat you a shirt na lang para everybody happy? Ano? Happy ka na rin noh? Tara na.", gigil na siyang hinihila ako palayo sa crowd. Halatang nanggigigil na 'tong kasama ko sa higpit ng hawak niya sa braso ko. Wow, so much masculinity, nagji-gym siguro 'to. Kita ko pa yung ugat eh sarap turukan ng pang-paganda ng ugali.
At buti naman naisipan niya pa akong bilhan ng shirt. Baka magulat yung guard, pumasok akong white ang damit tapos lalabas akong very dirty white ang suot. Iisipin ko na lang na way of saying sorry na rin 'to ni Ms. All-pink-for-today or Ms. Pink for short.
"Ikaw echosera ka. Nabasa ka lang ng coffee kung maka-sigaw ka naman kanina. Nagger ka talaga, pag ako kumalat yung mukha ko sa social media tapos masama ang feedback about sa akin, yari ka talaga. Makita mo lang.", bumubulong-bulong na saad nito sabay hila sa dulo ng buhok ko. Nananakit ba 'to? Sabihin niyo nga at babanatan ko na talaga 'to. Binabawi ko na mga sinabi ko kanina na way of saying sorry niya ang pagbili ng damit. It's a way of saving his face pala not for apologizing.
"Tsk! Bitiwan mo nga yung buhok ko. 'Di ka matutuwa pag ako humila diyan sa wig mo sinasabi ko sa'yo. Bibili ka ng shirt diba? Oh bumili ka na tapos puntahan mo 'ko dun sa comfort room na 'yon. Sinasabi ko sa'yo kung 'di ka tumupad sa sinabi mo kakausapin ko yung mga chismosa kanina at ipapakalat 'yang make-up mo na tinubuan ng mukha.", pagbabanta ko rito bago ko siya tinulak papalayo.
"Ouchie. Oo na nga. Maka-utos 'di ka naman maganda, tseh! Feeling nanay hmp.", nagroll-eyes pa si gaga.
Kumekendeng na umalis ito sa harap ko. Napatampal ako sa noo ko at sumandal na lang sa dingding habang naghihintay.
Ang tagal naman nung bente minutos na ang nakalipas oh! Naiinis na napatayo ako para sana hanapin siya nang may magbato ng t-shirt sa mukha ko. May pa-bonus na plastic pa ang taray naman. Sarap bigwasan nung nagbato mga mehn.
"Oh ayan na! Pasalamat ka at mabait ako. Di ko na pinatulan yung ginagawa mong eskandalo dun kanina. Baka naman may ipabili ka pa? Kapal mo naman kung meron pa. Pahingi nga ng kapal ng mukha tapos samahan mo na ng kapal ng apog."
"Ewan ko sa'yo. Ba't ako magpapasalamat, e, dapat lang naman talaga na bilhan mo'ko ng shirt. Ikaw may kasalanan eh. Sige na umalis ka na. Dami pang sinasabi, gusto mo ata ng round two ng eskandalo natin eh? Ano? Always ready ako, sabihin mo lang.", sabi ko at nag-aambang hamunin na siya nang bigla na lamang siyang napaikot ng mata at kumekendeng na lumakad paalis sa harapan ko.
Napairap ako sa paraan ng pag-alis niya at bumaling na lang sa hawak kong shirt. Kaya naman pala ang tagal ni Ms. Pink. Sa kadulu-duluhan pa ng mall 'tong shop na ito eh. At holygahd, ano bang shirt ito? Mag-iisang libo na yung presyo kung pinatungan lang ng piso, tapos plain lang? Plain white shirt at walang kaeme-eme manlang. Sa'n ba gawa 'to? Ginto? Anong tela gamit dito? Pangsina-una?
'Di ko na lang inisip pang muli ang tungkol sa shirt dahil sasakit ang ulo ko at mukha rin namang wala lang sa lalaking yun ang paggasta ng isang-libo para sa ganitong klase ng damit.
Ayoko na sa earth.

YOU ARE READING
SPILLED
HumorThis is my second story and for now this is my priority. I'm looking forward to your feedback and I'm very open to criticisms. But I'm hoping you'll like my story.