IKAPITO

3 1 0
                                    

///////

Dafak?!!!

I can't believe myself.

Niyakap ko si Shore. I don't know what to make up as an excuse. 

Sabihin ko na lang kaya na bugso ng damdamin ganon? Grr, Shean ang landi mo.

"Woah, sabi na may pagnanasa ka sa'kin eh.", ayan na nga po. Nag-assume na nga po siya.

"Hoy, natuwa lang naman ako noh! Atlis pareho tayong mataas na ang grade.", okay everyone entrance ng queen of excuses, Shean.

"Okay, whatever you say."

Dahil pinayagan naman na ni Ma'am na umalis na ang mga tapos na ay nagpunta na ako sa Locker Area.

Nagpapalit ako ng damit ko nang may maramdaman akong kakaiba. Di ko na lang pinansin kasi baka dala lang ng pagod kanina. Anyway, I feel good dahil mataas ang grade namin kay Ma'am. Although, P.E. is perceived as an easy subject, essential pa rin ang lessons na nakukuha natin dito. Kaya nga walang subject na dapat ituring na easy. Kasi may bumabagsak kahit sa P.E.

Nakapagpalit na ako ng uniform. I'm back with my slacks. Again, I'm getting that weird feeling. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig at feeling ko nasusuka ako. Mehn, what's happening?

Pagpasok ko sa classroom ay unang bumungad sa mukha ko yung nakaka-asar na ngisi ni Shore. Shore-ap sungalngalin.

"Simpleng chansing kanina.", bungad niyang sabi.

"Simpleng panggagago ka kanina.", asar na balik ko.

"Sana lagi kang tuwang-tuwa para lagi mo rin akong yayakapin na parang ayaw mo'ko mawala. Boom! Mehn, that was ryhme.", may pa-gesture pa siya na parang nasa isang rap battle siya. Cute niya na sana kung di lang siya mukhang baliw.

"Alam mo kapag 'di ka pa nanahimik diyan papakain ko sayo 'tong armchair."

"Brutal mo naman."

"Kakaasar ka eh."

"Eh bakit ang sungit mo?"

"Eh bakit ang panget mo?"

"Pangit pero niyakap mo naman."

"Kaya nga nagsisisi na ako eh."

"Nagsisisi raw pero nagblush kanina."

"Ang ingay mo. Isusubsob ko na talaga yang pangit mong mukha sa armchair."

"Sabi nang sabi 'di naman magawa."

Tumayo ako at handa na sana siyang bigwasan nang may marinig akong mag-'ehem'.

Paglingon ko ay marami na pala kaming audience. Isa na dun si Sir na kanina pa ata nakatayo sa harap at naghihintay lang na matapos kaming magsagutan ni Shore.

"Continue your bickering later. My subject comes first. Ms. Larriman, sit down. We'll start our discussion."

Pinanlisikan ko ng tingin si Shore.

"Mamaya ka sakin. Makita mo talaga."

Napaka-isip-bata naman. Dilaan daw ba ako. Syempre mature na ako kaya dinilaan ko siya pabalik.

Nagraise ako ng hand ko kasi nandiyan na naman yung weird feeling. I'm getting a feel that this is me having a period. I need to confirm this dahil wala akong extra undies sa locker ko at mukhang magha-half day ako ngayon. Confident ako na pagbibigyan ako dahil minsan lang naman ako maghalf-day.

"Sir, may I go to the comfort room?"
Nagsenyas si sir ng go, which is yung pagkumpas niya ng kamay niya. Wow, man of few words ba si sir? Sasabihin lang na 'okay' eh.

Lalabas na sana ako pero pagkahakbang ko pa lang ng ilang beses palayo sa upuan ko ay naramadaman ko na ang pagpulupot ng isang bagay sa bewang ko.

Ops, hindi magigiting na arms ni Shore, yung jacket lang. Assumera kayu.

"Babe, 'though your slack's maroon, I can see the red spot. Go on, change."

Dahil nahihiya rin ako, nagdire-diretso ako palabas ng room. Chineck ko muna ulit ang locker ko at mehn, I'm hopeless. No extra napkins, no extra underwears. Tissue lang meron. Di naman kayang saluhin ng tissue ang baha ng dugong lalabas sa akin. Mind you, first day ang malakas ang agos sa akin. How unfair kasi five days din ang period ko. Paturo nga ng secret technique para dun sa mga may short period.

"Hey, do you need help?", si Shore. Aba sumunod ang pangit.

"Oo sana. Hingan mo ako sa clinic ng napkin and underwear please.", okay, tanggal muna ng hiya. Mas nakakahiya naman maglakad sa school grounds tapos mapapansin nila mas dark yung pagka-maroon ng slacks ko kesa sa kanila.

"Okay wait me inside the cubicle, it's me when I knock twice, 'kay?"

"Oo na bilisan mo na lang. Daming sabi. Thanks in advance."

Pumasok na ako sa isang cubicle. Mehn, it's so sakit. Mas gusto ko na lang maging lalaki at magkaroon ng balls. Okay lang kahit juts. Char!

May naririnig na akong yabag ng paa. May dalawa ring katok. Si Shore na ata itu. Nilabas ko ang paa ko sa siwang sa ilalim ng pinto para makita niya kung asan ako.

"Hey, here's your needs.", sabi niya bago iabot sa ilalim ang mga gamit na hiningi ko.

"K. Labas na may makakita pa sa'yo."

Pagkatapos ko magpalit ay pinuntahan ko na siya sa labas. Wow, ang patient huh. Nandito pa rin talaga. Akala ko babalik na itu sa room. Kikiligin na ba ako? Or mata-touch muna? 

Okay, ita-touch ko na lang siya dahil sa kilig? Final answer.

Echos!

"Hui, salamat pala. Doncha worry, pag nasa gitna ka ng labanan bibilhan din kita ng 'ano' mo. Ano ba flavor?", sabi ko with matching palo sa balikat. Told yah mga mehn ita-touch natin.

"Sure ba 'yan? Strawberry sana."

"Sige meron naman nun sa mga convenience stores, right?"

"Oo. Kaya ng budget mo. Make sure maganda ang brand ha?"

"Oo naman, di ko alam na mahilig ka pala sa milk."

"Oo lalo na kung strawberry flavor, pwede na rin ang banana milk."

"I bet kung may nakarinig ng usapan natin iisipan ng iba."

"Madumi utak pag ganun."

"Baka sayo nagmana?", okay nakapang-asar nanaman ako owyesh!

"Ahh ganyanan. Matapos kitang tulungan? You're hurting me.", may pa-hawak sa dibdib pa siya at teary-eye kuno.

"Joke lang. Oo na nga pag may favor ka gagawin ko. Isa lang ha?"

Pagkatapos ng usapan namin ay bumalik na kami sa room. Nasabi na pala ni Shore kay sir ang situation ko so okay lang daw.

Yun nga lang, inaasar na nila kami. 

Kasali na silang lahat sa listahan ng mga bibigwasan.

SPILLEDWhere stories live. Discover now