IKAAPAT

5 1 0
                                    

////

Natapos na kaming kumain nang magpaalam akong gagamit ng banyo.

"Ate mauna na kayong umuwi. Kaya ko na ang sarili ko. Tapos na kitang abalahin, nakakahiya na po.", pa-shy na sabi ko kay ate Patz. Pero true naman mga mehn, nalibre na ako magpapahintay pa ba ako?

"Sigurado ka? O sige. Mag-ingat ka ha? Bye na.", kumaway pa siya at sumunod na sa mga kaibigan niyang nauna na sa labas. O diba nakakahiya kung magpapahintay pa ako. Di ko naman ka-close ang kaibigan ni ate Patz, ayokong magpa-VIP nu. 

Nasulyapan kong muli si pogi at napabaling din ako kay Ms. All-Violet-For-Today at napansin kong nakatingin ulit ito sa tinitignan niya kanina. Taray lang niya huh, kanina pa yan dito, nakapagchikahan na't lahat ang mga kasama ko nandiyan pa rin siya.

Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakitang si pogi pala ang tinitignan niya. Sana naman di niya pagselosan ang kasama ni pogi halata naman kasing mamshie niya iyun.

Napapailing na nagpunta na lang ako sa banyo. Mukhang sinusundan ni Ms. V—for Violet not Virgin—si pogi ah? Stalker, eh?

Paglabas ko ng banyo ay siya namang labas din ng tao mula sa banyong katabi ng pangbabae. Sa gulat ko ay 'di ko namalayang nabasa na pala ang damit ko.

"Oh my gosh!", high-pitched na boses ang nagsalita at tadhana nga naman, kilala ko kung kaninong boses iyon at paglingon ko ay, mga mehn, confirmed!

Lintek talaga, pangalawang beses na itu ha. This guy is always making me wet. Not in a green way but literally wet! Argh! Special talent niya ba ang magtapon ng kung anong basa sa akin?

Mariin akong napapikit at napabuga sa hangin.

"Sinong matino ang magdadala ng wine sa loob ng banyo, ha?!"

"Siya.", sabi ni Ms.V sabay turo sa waiter na kalalabas lang ng banyo na may buhat pang tary ng wine glass.

"Sorry Ma'am, Sir, di na napigilan eh", aniya sabay kamot pa sa batok. Eh kung batukan ko kaya toh?

Napatampal na lang ako sa noo dahil nai-istress ako sa lahat ng ganap today. How to be kalmado pu?

"Bakit ka andito? Nanaman? Sinusundan mo ba ako?", pagkausap sa akin nitong katabi ko. Nasa kanan ko kasi ang banyo ng mga lalaki sa kaliwa naman ay ang hallway pabalik sa mga tables.

"Bakit kita susundan? Ikaw nga ang may sinusundan diyan, eh. Uyy, aminin.", nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Luh, gulat siya ih.

"Hala bintangera siya. Excuse me, wala po akong sinusundan.", tatanggi pa nahuli na nga. Sarap mambigwas ng mga maaang-maangan ngayon huh. Isama mo na yung waiter na nagdala ng wine sa banyo.

"Okay. Sabi mo eh. Push mo 'yan", sabi ko bago nagwalk-out ulit pabalik nang maramdaman kong nakasunod si Ms.V sa akin. Certified stalker, huh. Di pala sumusunod, huh.

"Saglit! Basa ang damit mo. Elsa ka ghorl? The cold never bothered you anyway?", litanya niya at nagpatuloy sa pagsunod.

Agad ko namang naisip na bibili na naman siya ng damit at mahal nanaman tapos ano? Plain white-shirt ulet for almost a thousand pesos.

"Hep! Wag na. Pauwi na rin ako. Gahd! Di ko maaatim na mawindang ulit sa presyo ng damit na bibilhin mo."

"I think you really need one. Though pauwi ka na madadaanan mo pa rin yung dami ng tao, and girl, kita sa white polo mo yung nakaburdang 'wow' sa bra mo. I mean, wow talaga! Pa'no yan? I also want to try that!"

Dafak?

Agad akong napabalik sa C.R. at wala na akong pakialam kung pa-girly tone nanaman ang gamit niya kanina. Ang arte nung pagkasabi niya huh.

Di ko napansin na nasuot ko pala yung bra ko na yun. For wednesday yun ih. I mean, yung iba kong bra wala namang burda pero may iba na meron at may schedule sila. Mystic for monday at fun for friday. Dapat yung mystic ang suot ko today since lunes ngayon.

"Hello, Manong Rick. Bumili nga po kayo ng shirt sa pinakamalapit na boutique dito. Size small. Yah, kahit ano basta shirt. It's for a girl ha? Kahit medyo tomboy yung may kailangan.", narinig ko siyang magpasalamat bago magbaba ng tawag at ngayon ay tumingin nanaman siya sa akin.

Ano daw tomboy?

"Buti naman di mo naisipang gumawa ng eskandalo ngayon", patuyang sabi niya. Nag cross-arms pa si gaga. Aba.

"Muntik na nga eh. Pagkasabi mo ng tomboy ready na sana akong sapulin ka eh.", patuya kong ganti at inismiram siya. Sasandal na sana ako sa pader nang sabay kaming mapalingon sa lalaking kakalabas lang sa banyo.

Dahek?!

Nang-aasar akong lumingon kay Ms.V nang makitang si pogi ang lumabas.

Napalingon naman ito sa akin at naglakad papalapit. Napaatras naman ako dahil sa ginawa niya. Wow, bold move. Ganitong galawan ba yung makukuha first kiss? Ready na sana aklmg pumikit nang magsalita ito.

"Hey. Familiar, aren't we? You see, because of your loud mouth, the trouble earlier reached the disciplinary office. And my mother got summoned", puno ng sarkasmo niyang sambit.

"Tsk. Di lang pala ako ang nag-iisang biktima ng pagka-nagger mo", bulong pa ni Ms.V na papalit-palit ang tingin samin ni pogi. Ang landi niya ghorl nagpapabebe. Nakita ni pogi na wala sakanya ang atensyon ko kaya nalingunan niya rin si Ms. V.

Kinilig si gaga. Inismiran na nga ni pogi kinilig pa rin.

"Di ko naman kasalanan na yang 'trouble' na yan aabot sa office. In fact, nadamay nga lang ako. Ni di ka nga nagsorry, kulang pa presence ng mommy mo noh"

"Well, then. I'll make you my girlfriend. That's what you like right? Your friends will envy you for having me as your boyfriend, pretty fair?"

Huh? Huhngin.

Naputol ang paguusap namin nang may nag-abot ng paper bag.

Nang buklatin ko ang laman ay napatawa si Ms.V at sinubukan niya pang pigilan. Kala mo naman di ko maririnig eh nawala ang hinhin sa tawa niya eh.

"Wow", sambit ni pogi.

Literal na 'wow' kasi ang nabasa niya sa print ng shirt.

Pakidagdag nga sa listahan ng bibigwasan si Manong Rick.

SPILLEDWhere stories live. Discover now