UNA

8 1 0
                                    

\

I'm walking with a smile plastered on my face because of earlier. Masyado akong nawiwindang at naaaliw sa lalaking nakabunggo ko kanina.

Pinagpaplanuhan kong ibenta 'tong damit sa mga kapit-bahay namin at tutal ay branded naman at iisang beses ko pa lang nagagamit pero naisip kong sayang. Mehn, kauna-unahang damit ko rin branded 'to noh. Isa pa ay ang effort ni Ms. Pink sa pagbili at paghahanap, kung meron man.

Pagdating ko ng bahay ay wala na naman ang ilaw. Nakalimutan ko nanamang magbayad ng bill nakaraang linggo. Ang hirap maging ulilang lubos, huh. Gawain ko lahat mula paghahanda ng pagkain ko hanggang sa pangtustos ng sarili kong mga pangangailangan. Ang daming nagbago sa akin magmula noong nawala si Mama at sinundan niya si Papa. Ni 'di ko alam kung matutuwa ako na wala silang iniwanang kapatid na bubuhayin ko o malulungkot dahil ni isang kapamilya wala akong makasama.

Hindi biro maulila sa edad na otso, ha. Bata pa lang ginalingan ko na manlimos. Lapag lata rito, sayaw doon. Tuwang-tuwa naman yung iba at naglalagay ng malaking halaga. Pinakamalaki na para sa akin yung bente, at kung sinusuwerte minsan may nakakapagbigay pa ng singkwenta. Ang mga barya ay pinapambili ko ng pagkain, kung minsan 'di na kailangan dahil may mga mabubuting tao na pagkain na ang ibinibigay. Ang mga perang papel naman ay aking tinatabi dahil ipinapambili ko 'yon ng gamit ko sa eskuwelahan. Pinapagpasalamat ko na walang tuition sa mga pampublikong paaralan. Naiintindihan din ng mga guro ko ang sitwasyon ko noon kaya't tinutulungan din nila ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at pagbibigay ng konsiderasyon kung minsan ay mahuli ako ng pasa ng assignment.

Akalain mo yun, nabuhay ako mula sa ganun-ganun lang. Nang mag-katorse anyos ako doon ako nakakuha ng sponsor para sa pag-aaral ko. Napaka-bait nila dahil sinagot nila ang ilang bridging program ko at may binigay na tutor din. Naging madali naman sa akin na makatung-tong sa senior high dahil sabi ng mga guro ko ay likas naman na matalino ako. Hanggang nagyon ay sinasagot nila ang tuition ko. Nakapasok kasi ako sa isang magandang paaralan at isa sila sa mga major shareholder kaya nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral sa isang magandang paaralan. Kaya nga nagsisikap akong magtrabaho dahil yung perang sinusuweldo ko ay inilalaan ko sa mga gastusin sa bahay, sa paaralan, at sa sarili ko.

Feeling ko napaka-makabayan ko. Akalain mong purong tagalog yung na-monolouge ko mga mehn. My mind came back to the present when I heard a knock on our door. Yan lang ang nag-iisang pinto na meron kami, 'yung para kasi sa mga kwarto ay kurtina lang ang naghaharang.

Sa tagal kong nakatira dito ni 'di ko na kailangangang sumigaw kung sino ang kumakatok. Binuksan ko ang pinto at agad siyang binati.

"Anong kailangan mo, Seth?"

"Oh! Dinner mo, pasobra ni Mama sa ulam namin.", sagot ni Seth. Si Seth ay nakilala ko noong eleven pa lang ako. Bagong lipat sila sa tabi nitong bahay namin at mula noon palagi na niya akong kalaro. Sa sobrang bait niyang bata lagi niya akong hinahatian ng kanyang pagkain at pati nanay niya ay ipina-paghanda rin ako kung minsan. Isa si Seth at ang kanyang pamilya sa mga dahilan kung bakit nakakaya kong mabuhay hanggang ngayon.

"Salamat. Kumain ka na ba? O gusto mo nanamang sumabay sa akin dito?" Namula siya dahil sa sinabi ko. May isang araw kasi na hinatiran niya ako ng ulam dito at pinagpilitan niyang sumabay sa akin.

Crush ako nito eh.

Na-fall ata nung binigyan ko ng pogs dati. O baka nung time na niligtas ko siya sa kalaban nung agawan base. O baka naman nagandahan sa'kin? Charot lang syempre, walang maipagmamalaki yung mukha ko maliban sa on-fleek kong kilay kahit wala kang gawin at sa expressive kong mga mata. Kay Seth lang din galing 'yang description na 'yan. O diba, halatang crush ako. Haist.

"Nako Seth 'a. Mga galawan mo kabisa ko na. Sinabi ko naman na sayo noon pa n-", pinutol niya ang dapat na sasabihin ko.

"Oo na nga. Alam ko naman. Pero sana hayaan mo akong maging kaibigan ka pa rin, Shean."

Ngiti na lang ang ibinigay ko sa kanya at hinayaan na lang ang tahimik na kapaligiran ang magsalita para sa amin. Hinayaan ko na siyang sumabay sa'king kumain at nang tapos na kami ay tinulungan niya na rin akong magligpit.

"Parang bagong-bago ang damit mo ngayon, ah? Amoy mamahalin. Ano bigtime ka na ba? Luh, 'di nanglilibre.", kumento niya nung palabas na siya ng bahay. Kutusan ko kaya 'to? Mukha ba akong bigtime? Kung bigtime ako edi sana hindi pundi yung ilaw dito sa bahay. Minsan talaga nagtataka ako kung matalino talaga 'to eh.

"Oo nga eh. Sige na lumalalim na ang gabi baka hanapin ka na ni tita. Isipin non may ginawa ka na sa'ken. Alam niya pa naman kung ga'no ka kapatay sa'ken.", pagpapaalam ko sakanya, saka ako tumawa dahil nakita ko kung paanong mamula ang mukha niya. Alam kasi talaga ni tita na may gusto sa'kin 'tong anak niya. Ang galing kasing magtago ng feelings nitong si Seth, eh. 'Di talaga namin nahalata, grabe.

Nang makaalis na siya ay agad akong nagpalit ng damit at maingat na itinupi ang plain white-shirt na iyon. Ngayong gabi, napuno ng galak ang puso ko dahil ngayon lamang ako nakaramdam muli ng tuwa mula sa isang pangyayari. Dahil doon ay naramdaman kong konektado pa rin ako sa mundo. At 'di lahat ng taong nakakasalamuha ko ay iisa lang ang ugali, intensiyon, at paniniwala.

Dahil kay Ms. Pink ay para akong nakaramdam ng pagkabigla mula sa mundong ginagalawan ko. Siya ang taong walang pakialam sa halaga ng pera, pero meron sa sasabihin ng iba. Siya yung nakakayang iparamdam sa'yo na hihingi siya ng tawad pero hindi pala at sa halip ay paraan ito upang iligtas ang sarili niya.

Naguguluhan na rin tuloy ako ngayon. I kinda think he's nice but my instinct's telling me not to be so trustful of him.

SPILLEDWhere stories live. Discover now