\\
Maaga akong nagising mula sa masarap kong pagtulog dahil alas-singko na. Nasanay na ang katawan ko na gumising ng ganitong oras dahil sa pasok ko. Grade eleven na ako ngayong taon at nairaos ko ng maayos ang unang semester ng pasukan.
Halos maloka ako noong una dahil hindi ko halos kilala ang mga naging kaklase ko. Naisip ko na panibagong mga tao nanaman. Iba-ibang personalidad nanaman ang kailangan kong pakisamahan. Adjust nanaman. Idagdag mo pa na ang mga gawain ay nangangailangan halos ng internet at print.
Kinailangan kong pagbutihin ang trabaho ko para lamang sa mga na iyon at sa awa naman ni Lord ay hindi napabayaan ang grades ko.
Maganda ang uniporme nila. Kulay maroon na pencil-cut skirt at kulay cream na v-neck polo. Sa sobrang tulis ng collar kaya nang pumatay nito ng tao, chos! May pa-ribbon sila na eme, nagmukha tuloy akong maganda lalo. Yung sa mga anime ba.
Charot!
Kadiri, wews.
Masyadong makababae yung uniporme kaya mas pinili kong mag-slacks. Maroon din ang kulay. Sa skirt kasi ay nababastos ako. Nagco-commute lang kasi ako papasok at ang hita ko ay nalalantad sa tuwing uupo ako ng tricycle at sasakay ng jeep. Wala naman sigurong komportable sa tingin na ipinupukol sa'yo kapag ganun, 'di ba?
Sumakay ako ng tricycle at inabot ng bente(twenty) minutos ang biyahe ko patungo sa sakayan ng jeep. Bilib din naman ako sa mananahi ng school at maganda ang pagkagawa sa slacks, 'di madaling mapunit kapag umaangkas ako sa jeep. May trenta(thirty) minutos naman ang biyahe sa jeep patungo sa bukana ng subdivision na kinatatayuan ng school ko. May sampung(ten) minutong lakad pa ang gagawin ko para lang makapasok ng school kaya ganoon na lang kaaga ang gising ko para sa pang-alas-otsong pasok ko.
Ang ginagastos ko na lang dito sa school ay ang aking lunch. At ang pinakamura pa ang lagi kong binibili. Malawak ang school grounds namin at kalat ang benches at shed na maaring pagtambayan ng mga estudyante. Nagkalat din ang mga puno kaya maaliwalas sa pakiramdam ang paligid at malamig rin ang simoy ng hangin.
Kaya mabilis matuyo ang pawis ko na mula sa paglalakad at byahe dahil sa hangin na mayroon dito. Oh, ano? Magic ba? Panis.
Kung ang depinisyon ng kaibigan ay yung lagi mong kasama, kakwentuhan, at kausap ay masasabi kong wala akong kaibigan. Dito kasi sa school ay talamak ang pagpapataasan ng social standard. Paramihan ng kaibigan, payamanan, at paangasan sila rito. Kaya pilit na hiniwalay ko ang sarili ko sa kanila. Ayos lang naman sa akin dahil sanay na ako mag-isa. Si Seth, kaibigan ang turing ko sa kaniya pero may mga limitasyon akong nilagay para sa aking sarili. Ayokong ma-attach.
Alas-tres ng hapon ng hapon natatapos yung class namin. Minsan pinapauwi kami nang mas maaga ron. May trabaho ako ng M-W-F nang five sa hapon. T-Th free days ko. Kasi pag sabado may duty ako nang alas-nuwebe ng umaag hanggang alas-siyete ng gabi. 'Pag sunday naman ay delivery girl ako ng kung anek-anek. Pero siyempre di ng droga. Di ako ganun mga mehn!
At dahil lunes ngayon, diretso na akong uuwi para makaghanda sa trabaho. Traffic kaya mga mehn! Kaya naman nagmamadali akong maglakad habang hawak nang mahigpit ang strap ng bag ko. Mana sakin yung sapatos ko mga mehn! Sobrang strong kahit na medyo nagsasalita na nairarampa ko pa rin sa hallway.
Kakausapin ko na sana yung sapatos ko nang may taong biglang sumulpot sa kung saan. Patalsik itong bumangga sa akin at sabay kaming tumilapon pagilid. Ramdam ko ang bigat ng taong nakadagan sakin. Rinig na rinig ko rin yung paglagapak namin sa sahig. Kung marami lang nakakita malamang iisipin nila skit 'to sa comedy.
"Damn. Bullshit. Fuck", mahinang mura ng taong nasa gilid ko.
Walang pasubali ko siyang itinulak para makatayo na at magmadaling umalis nang mahigpit niyang hinawakan ang pala-pulsuhan ko.
"Sandali"
Hinila niya ako pababa para siya naman ang makatayo. Para kaming spaghetti, huh. Pataas at pababa. Uyyy aminin havey.
"Aba't talaga naman"
Sa sobrang lakas niya ay nakatayo na siya at nakasalampak na ako sa sahig. O baka naman patpatin lang talaga ako. Ka-jirits na itu ha. Tumayo ako agad at paalis na nang may tumama na naman sa akin at pareho nanaman kaming tumalsik.
Argh! Bakit ba ang dali ko lang matangay.
Agad kong tinulak yung nakadagan "nanaman" sa akin at binatukan ko siya. Huh, kala niya diyan. Sana lang malakas yung pagkabatok ko. Pambawi lang sa paglagapok ng pwet ko sa sahig.
"Aray! What was that for?!"
"Aray! What was that for?! Nye nye nye. Di mo ba alam na namumuro ka na?! Ke bigat-bigat mo tapos di ka manlang magsorry sa akin.", bakas ang gigil sa akin habang nagsasalita. Ang haba ng sinabi ko. Kaya siguro ako nasasabihan ng nagger.
Tumingala ito sa akin at mehn! Mukhang lagong-lago ang handsome community ngayon dahil sa lalaking itu. Sobrang tigas ng ekspresyon niya pero andon parin yung good looks pero bad attitude.
"Bakit ako magso-sorry?! Di ko naman sinasadya! Ayun sisihin mo oh!"
Tinuro niya ang isang lalaki na nagpupuyos sa galit ang mata na nakatingin dito kay pogi.
"Kasalanan mo 'to. Kung hindi ka ba naman tanga at naghamon ng away edi sana walang madadamay", si kuyang galit na galit dalawang beses nanakit. Mamaya itu sa akin, may palo 'to sa pwet.
"Ikaw ang tanga, hiniwalayan ka lang ng girlfriend mo sa akin ka agad nagpunta. Ako ba nakipag-break sa'yo ha?", walang kwentang sagot naman ni pogi. Ang babaw nila. Kumbaga sa pool 2ft lang.
"Hoy kayong dalawa late na'ko. Do me a favor. Tutal big boys na kayo. Lakad kayo pa-diretso tas kanan kayo tas sa pangalawang kanto kaliwa. May pinto dun nakalagay OSA. Final destination niyo 'yon. Ke laki-laki niyo na yung away niyo pambata.", with that nagwalk-out na ako. Sabi nang late na ako eh ayaw pa paawat ng mga bata. Kala mo di na teenager. Mukha na nga silang college kung di lang sila fresh looking pareho.
Ay ewan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/224079813-288-k504899.jpg)
YOU ARE READING
SPILLED
HumorThis is my second story and for now this is my priority. I'm looking forward to your feedback and I'm very open to criticisms. But I'm hoping you'll like my story.