IKATLO

8 1 0
                                    

///

Pagkatapos kong magwalk-out ay bumiyahe na ako pauwi ng bahay. As usual ang tagal nanaman ng biyahe. Hay traffic kailan ka ba mawawala dito sa pinas. Sana pag aalis kana isama mo na yung walang kwentang government officials dito.

Nagbihis ako nang mas pormal na kasuotan bago magpunta sa opisina kung saan ako nagwo-work.

Ops, wag muna ma-elibs.

Isa lang ako sa mga nagwe-welcome sa mga clients ng mga employee dito sa office. Para na rin akong guard pero ako mismo ang naga-update sa mga employee namin.

Example, may client na papasok, ngingitian ko, tapos tatanungin sino ang sadya, tapos tatawagan ko na directly ang office ng employee namin at sasabihin ang name ng client. Kapag na-approve na, papaakyatin na namin siya sa floor at room ng employee.

Ayos ba?

Ito lang ang trabaho ko sa opisina dahil bata pa ako. Matagal na rin ako rito dahil nagustuhan na ako ng kumpanya at ilang regular clients na meron kami. Mukha na raw kasi akong mature na bata. Though, mage-eighteen pa lang ako. Maganda ang kumpanya dahil pinayagan akong alas-singko pumasok. Alas-nuebe naman ng gabi ang uwi ko at karamihan sa mga kasamahan ko rito ay alam na estudyante ako.

Paano ako nakapasok?

Well, part-time lang naman talaga dapat ang work ko dito sa office. Bale ako lang dapat yung magwe-welcome at ngingiti sa palabas at papasok na clients. May nakapansin lang na maganda ako magsalita at very welcoming ang approach ng kabuuan ko kaya may nakapag-recommend sa nasa itaas. Kaya ayun napromote ang ate niyo. So ayun doon nagstart yung trabaho ko na taga-update na rin sa employees. Galing ko, nu? Galingan niyo rin kung bet niyo magtrabaho. Char!

Tapos na ako sa trabaho ko nang may tumawag sa pangalan ko. Si ate Patz, isa sa mga kasama ko rito sa opisina mula noong unang pasok ko pa lang dito. Napakabait niya sa akin. Kaya nga sabi niya ay tawagin ko siyang ate. Noong bago pa lang kasi ako ay Miss o di kaya'y Ma'am ang tawag ko sa kanya.

Syempre ang bastos ko naman kung first month ko pa lang feeling close na ako tapos tawag ko sakanya Patz mamehn. O pano 'yon? Balak ko nga Patriziawarma yung i-pet name sakanya dati eh. Pero syempre akin lang yun.

"Gusto mo bang kumain kasama namin?"

"Naku, ate hindi na. Nakapag-iwan pa ako ng ulam ko kaninang umaga. Sayang naman baka mapanis", na ang sikmura ko kaka-ulit ng ulam.

"Haynako, tira nanaman. Pumapayat ka na oh! Pwede ka nang i-display dito sa office pag Halloween. In fairness, less gastos nga naman pag bibili ng props", echosera si ate niyo Patz.

"Pero seryoso, sumama ka na. Maganda yung minsan makakain ka ng matino. Bawal tumanggi. Libre ko."

Emegehd, ang tagal kasi sabihin na libre ih, char!

Alam ni ate Patz na nag-iipon ako kaya madalas talaga nililibre niya ako. Kaya nga kung pinipilit niya akong kumain ay 'libre' lang talaga katapat. Hihi.

Pumasok kami sa isang maganda at malaking restaurant. Namangha pa ako dahil sa dami nang tables at customers kahit na gabi na. Mukhang ilang beses na silang nakapunta rito kasi may usual spot na sila. Taray naman ng mga workmates ko. Hello, ulilang lubos here.

"Pumili ka na ng gusto mo, Shean"

Sasabihin ko sana mga magulang kaso mukhang wala naman sa menu. Char!

"Naku, ate. Kahit anong pinakamura na lang. Wag lang yung 'Damn, Bullshit at Fuck' namerienda ko na kanina eh"

"Huh? Connect? Char! Dali na kasi. Nalaman kong nangunguna ka sa klase kaya naman treat ko na sa'yo toh. Sa sobrang galing mo ata mauuna kana mag-grade twelve. Biro lang, haha", kyut ni ate Patz sarap tirisin. In fairness, chine-check pala ni ate yung ganap ko sa school. Masyado niyang kinareer yung role niya huh. Mahilig siguro sa festivals itu, ang galing mag Ati-Atihan eh. Char! Siguro kung nakakabasa lang ng utak to si ate malamang nabatukan na ako. Malamang wala ring libre. Sad.

Pinili ko yung pasta na may hipon at fried chicken. Nakakatakam kasi eh. Meron nito sa school kaso ang mahal. Bale first time ko matitikman. Grabe kaya yung pagpigil ko ng laway sa school lalo na't best seller yon kaya sunod-sunod yung bumibili non sa school. Hayuf, langhap ko yung amoy mehn kapag dumadaan sa harap ko yung tray ng schoolmates ko. Bastusan lang to the max.

Happy na happy sila kung magkwentuhan—palibhasa pang-tanders yung topic kaya di ako maka-relate—nang mapadako sa isang lamesa yung tingin ko. Si pogi. May kasama siyang pretty gurl at masaya silang kumakain. Nag-iwas ako agad ng tingin. Mamshie niya yata kasi yun baka mamaya makita ni ate Patz at mag-conclude ng kung ano.

Sa pag-iwas ko ng tingin ay napako ako sa aking inuupuan dahil nakita ko si Ms. Pink nakaraan! Yung nakabangga ko kahapon! Yung walang manners! Yung nagsabi sa akin ng nagger! Yung bumili ng halos isang libo na halaga ng isang plain white-shirt! Yung di pala magsosorry at ise-save lang yung makapal niyang mukha from bad feedbacks.

And mga mehn, tinatawag ko na lahat ng santo dahil di ko na talaga kinakaya 'tong taong toh. Seriously? Gaano ba dapat kakapal ang make-up niya?

Alam ko mayaman siya pero di ko ine-expect na aabot siya sa point na kaya niyang pag-partnerin ang kulay ng lahat ng gamit niya. Gaya nung nakaraan, mula head-to-toe siyang nakasuot ng violet ngayon. Ugh, kadiri yung ka-girlyhan niya.

May wardrobe siguro 'to na kumpleto ang accessories ng lahat ng girly and glittery colors. Once again, I feel so sorry to his clothes. And yes, I'm addressing him as "he" because he is still a "he". At least for me. He may appear as a "she" but for me he is a "he". Unless, he'd like me to address him as a "she" then I'll gladly do so. Because it's what he wants and I value consent so much.

Nakakaloka much na talaga itung si Ms. All-Pink-Last-Sunday at Ms. All-Violet-For-Today.

Pero...anong ginagawa niya dito? Mukha namang wala siyang kasama.

Hmm.

SPILLEDWhere stories live. Discover now