IKALIMA

5 1 0
                                    

/////

Inihambalos ko kay Ms.V yung hawak kong shirt. Ang gaga kasi 'di na napigil ang tawa ayon humalakhak. Para ko tuloy narinig tumawa si satanas kasi parang galing pa sa kailaliman ng lupa yung lalim ng boses niya habang tumatawa.

"Di ka titigil?"

"Eto na nga, titigil na. Wow."

"Ah di ka talaga titigil", umamba akong susugurin siya kaya ayun natahimik na siya. Na-feel niya sigurong seryoso ako sa gagawin ko.

"At ikaw naman. Anong pumasok sa kokote mo at naisip mong may balak akong patulan ka?", baling ko kay pogi. OP na siya eh. Kinausap ko na lang. Baka isipin niya di na siya belong. Kawawa naman you know. Mabait pa rin ako mga mehn. May pagka-gaga lang.

"Well, you girls love to boast your guys if they are good-looking amd hot right? And I'm both.", sarap sana gatungan ng 'ay ambot'. Kaso English-speaking pala to'ng yawa na 'to. Wag na lang baka isipin niya 'I like you' yon. Yung good-looking okay pa yung hot di ko lang alam. Hot-tempered siguro. O baka, Hotdog.

"Haller! Tanong mo muna kung may friends ako bago mo sabihin na 'my friends will envy me'. Pero kahit wala, may kilala akong inggit na inggit ngayon.", inirapan ko siya bago nag-sideward glance kay Ms.V, ayon nakasimangot si gaga. Inasar ko nga. Nag-ngiting tagumpay ako nang makitang halos tumirik na sa pag-irap yung mata niya. 

"Then it's your chance to earn friends! They'll approach you because I'm your boyfriend.", kumindat pa ang mahangin na taong to. Baluktot ng utak nito ah. Sinong tao ang gugustuhin na magkaroon ng kaibigan dahil lang sa boyfriend mo? No thanks na lang kung ganon. 

"Crush mo ata ako eh. Pilit ka nang pilit na gawin kitang boyfriend. Sorry, friends na lang.", sabi ko. Pilit ko ring inabot ang kamay niya at nakipag-shakehands bago pumasok na sa banyo para magpalit.

Pak na pak ako dun ah. *Flips Hair* ang ganda ko talaga. Ikekwento ko 'to kay Seth. Irereto ko yon kay Ms.V tapos pag nainis si Seth sasapakin niya si Ms.V, problem solved.

Paglabas ko ng banyo ay si Ms.V na lang ang nandon. Ang loner naman niya tignan. O baka naenjoy ang maya't-mayang labas-pasok ng nga lalaki sa banyo? Gosh! Di na nahiya, lantaran kung mag-abang. Dun na nga siya galing kanina eh sana pumasok na lang siya ulit char!

"Oh crush mo rin ako? Thanks for waiting pero friends lang din tayo", nag-apologetic smile pa ako. Pilit na inabot ko rin ang kamay niya at nakipag-shakehands din. Kaso padabog niya itong binawi. Wow, ay woah pala, ayoko gamitin yang wow na yan. Grabe yung force na meron siya huh.

"Aray, bakit mo ako binatukan?!", langyang Ms.V ituu, very irritating na siya huh.

"Ilusyunada. Accept mo offer ni pogi. Help mo'ko makipagclose sa kanya please."

"Ayoko nga! Sana ikaw na lang ang nakipag-jowa kanina. Ba't kasi natahimik ka diyan eh."

"Dali na giiiirl. Kahit may kapalit go lang. Sabihin mo lang sakin kung ano. Basta pag aayain ka niya makipag-date isama mo ako. Introduce me as a friend tapos ikaw na bahala mag-isip kung paano kami iiwan nang kami lang dalawa."

"Napaka-demanding mo naman. Kahit anong kapalit ah?", paninigurado ko. Putek, iaalay ko pa yung title ng 'first boyfriend' sa mahangin na pogi na yun. Nakakaiyak lang. Char! Ako pa ba aarte sa mukha non eh baka nga ako pa ang itago niya pag nasa labas na kami.

"Deal?"

"K. Deal."

"Wait, kunin ko number mo para ma-update mo ako kung may date kayo.", crush talaga ako nito eh. Damoves lang ni Ms.V sus.

"K. Siguraduhin mo lang na update talaga ang sadya mo sa number ko."

"Echosera ka girl? Feeling mo naman. Bye!"

"Sandali! Ako dapat nauunang magwalk-out.", pigil ko sakanya at nauna nang kumendeng palabas. Huh! 1-1.

Sandali. Magtataxi na lang ba ako? May mga jeep pa kaya nang ganitong oras? Maga-alas-onse na. Tinignan ko ang wallet ko kung magkano ang budget ko para sa taxi. Hay, saan aabot ang bente pesos mo? Bili na lang ba ako ng cornetto? Eh kaso scam yung commercial. Bente-singko kaya sa mga convenience store ang cornetto.

"Hoy! Hatid ka na namin ni Manong Rick.", tawag pansin ni Ms.V sa papalutang ko nang isip. Nakababa ang window ng sinasakyan nilang SUV at nakasilip siya doon.

"De, wag na. Thanks sa offer."

"Balita ko wala masyadong dadaan na masasakyan ngayon dito kasi under construction iyong daanan."

"Okay, usog.", walang pag-aalinlangan na sabi ko at dire-diretsong sumakay. Wala pa lang masasakyan aarte pa ba ako?

"Thanks for the offer. Nye nye nye. Pakipot ka pa. Sasakay din pala."

"Alam mo kahit di ako ang may-ari nito tatadyakan talaga kita palabas."

"Eto na 'shh' na. Naniwala ka bang under construction ang daan? Eh nandito nga sasakyan namin?"

"Hindi. Nakisabay lang talaga ako.", sinakyan ko na lang siya. Nauto kasi talaga ako. Duh, di ako aaminin na naniwala ako noh.

"Saan ka po, Ma'am?", tanong ni Mang Rick. Di ko pa nabibigwasan tu. Sa dami ng design na meron sa pinagbilhan niya yung may 'wow' talaga ang pinili niya.

"Nandito sa likod kuya. Try mo pa lingunin, babangga tayo.", asar na sabi ko. Naiinis ako sa tandem na kasama ko.

Ang shunga ni Mang Rick, lumingon nga.

"Sa susunod na kanto! Gash! Manong."

Nataranta ako kasi may kasalubong na kami tapos yung ulo ni Mang Rick sakin pa rin nakalingon. Sarap talaga bigwasan. Nang-aasar ata to ih.

"Masunurin si Manong Rick kaya ganyan.", bulong ni Ms.V sa akin.

"Talaga? Pag inutusan ko ba siyang patayin ka gagawin niya talaga?"

"Gaga ka, masunurin siya, pero di siya bobo. Sarap mo kaltukan minsan."

"Oh, bumaba ka na.", with matching tulak pa na pagpalalayas sa'kin ni Ms.V palabas.

"K. Salamat sa hatid. Manong Rick! Pakibangga po ang kotse sa susunod na kanto. May malaking poste po do'n"

"Bye!!"

Nanlalaki ang mata ni Ms.V na tumingin sa akin. Nang-aasar na tingin naman ang ibinalik ko sa kanya.

"Ingat ka, Ms.V", kumaway ako bago tuluyang tumalikod at maglakad papuntang bahay.

SPILLEDWhere stories live. Discover now