IKAANIM

4 1 0
                                    

//////

Maaga akong nagising ngayon. Nagmamadali akong mag-ayos dahil ang schedule ko tuwing martes ay alas-siyete ang pasok. Ito lang ang araw na ganitong oras ang pasok. P.E. kasi namin at may dalawang oras ito sa umaga. Thirty-minutes for discussion and the rest of the time ay for physical activities daw.

Kapalit naman ng maaga na pasok ay maaga ring uwian. Quarter to two kasi ay out na namin.

Nakarating ako ng school nang alas-sais trenta. Lakad-takbo akong nagpunta sa classroom at muntik ko na ulit kausapin ang sapatos ko kasi nagsasalita na rin ang rubber shoes ko. Di pa ako nakakabili ng mga bagaong sapatos. Abala kasi ako sa pagababayad ng ibang bagay kapag nakukuha ko ang sweldo ko.

Pagpasok ko ng room, as expected, iilan pa lang ang naroroon. Astig nga ng mga kaklase ko eh, saktong seven ng umaga nandito na sila.

Umupo na ako sa usual spot ko. Actually wala kaming permanent seat. Sa mga core subjects lang kami may arranged seats. Pero sa ibang subjects ay free kaming mamili ng pwesto. Kaya nga bandang likod ako pumwesto. Sa may kanto at malapit sa bintana. Di kasi kita rito kung matutulog ka. Hihi.

Naupo na ako at agad na nagbaba ng ulo. Ikaw ba naman late na makauwi at gigising ng madaling araw dahil lang ayaw mo malate dahil sa traffic aba aantukin ka talaga.

"Okay, class. Before we start today's discussion, we have a new member here in our class. He is from another section but he decided to transfer here in your section."

"Mr? Please come up front, introduce yourself.", pagtatawag ni Ma'am. Tsaka lang ako nag-angat ng ulo nang sabihin niya ito.

Dafak?! Si pogi andito? Kala ko college na 'to ibang section pala? Ang mature nila tignan nung kaaway niya. Palibhasa basag-ulo.

"Goodmorning, I'm handsome."

Nagtawanan ang malalanding kaklase ko. Pigik na napahalakhak naman ang mga lalaki. Ako lang ata ang umirap. Tsk. Jojowain ko nga pala ang isang 'to noh? Dakyu ka Ms.V yari ka sakin.

"Kidding. I'm Shorion Monty Bermudez. Too long? Just call me babe.", tinapos niya ang mahangin niyang introduction sa pagkindat.

Naupo naman agad ito sa tabi ko. Sarap magpakamatay wag lang makatabi ang lalaking 'to. Onting tiis pa Shean, keri mo 'yan.

"Hi, ano payag ka na sa offer ko?"

"Nagtatagalog ka pala? Bakit di ka nagtagalog nakaraan? May pa English speaking ka pa nakaraan nagtunog maangas ka lang."

"Well, English is my first language, I just learned Filipino when my family moved here."

"Dami mong sinabi dadalawa lang tanong ko."

"So? Ano?"

"Okay. We're now together. It's your way of making it up to me right? Then, am I allowed to order you around?"

"Sure. And I'm allowed to do what I want with you right?", nagtaas-baba pa ito ng kilay. Pilyo. Sarap pilayan.

"Not without my consent you prick.", inirapan ko ito bago makinig sa teacher.

Pumunta kaming field para sa physical activity na gagawin namin. By pair ito. We're doing a race. May six exercises at nakakalat sa field ang bawat station. Dapat ma-execute namin ng partner ko successfully ang exercises.

And yep, si pogi ang partner ko.

"Hoy, malakas naman ang stamina mo ano? Mabilis ka rin namang tumakbo?"

"Of course. What do you take me for? And babe, just call me Shore."

"K. Just call me Shean. Not babe.", kadiring endearment.

"Okay, everyone settle down! Let me explain to you our rules. First, you cannot skip any station, you must do the exercise assigned to the station successfully before proceeding to the next. You only have 5 minutes to finish all the stations. Your grades will be determined according to the number of exercises you finished in 5 minutes. Of course, six out of six is the perfect score. Shall we start?", pag-eexplain ni Ma'am. Idol ko si Ma'am. National athlete kasi siya dati. See, may mga bagay na nagagawa ang mga lalaki na kaya rin naming mga babae.

"Okay first pair, Bermudez and Larriman.", narinig ko ang ilang cheer ng mga babae kay Shore. Ang mahangin, kakalipat lang ng section may fans na. Grabe.

"You ready?", tanong niya sa akin.

"Ayus-ayusin mo lang talaga, Shore."

Narinig namin ang whistle na siyang hudyat na start na.

First station:

Kailangan akong patayuin ni shore sa mga hita niya. Nagbend siya onti para makatayo ako at umaalalay siya sa bewang ko. After that kailangan naming i-balance ang sarili namin para pareho naming maitaas ang kamay namin.

Done!

Second:

Aiish! Balancing nanaman! Magkaharapan kaming naka-squat pero siya ay nakaupo sa aking mga hita. Nasa magkabilang gilid ko naman ang hita niya. Naghawak kami ng kamay at parehong nagstretch paatras ang mga likod naminbago kami bumitaw.

Done!

Third:

Endurance. We need to plank. In one hand. Kasi ang isa naming mga kamay ay dapat magka-link. Kaliwang kamay ang gamit ko sa pagplank ganun din siya. Magkaharapan kaming nagplank at pinaglink ang braso namin. Nang mabanggit na success ay agad kaming tumayo.

Done!

Fourth:

We'll both have to do sit-ups. Nakaipit sa gitna ng hita niya ang mga hita ko. Hawak ko naman ang mga paa niya. Limang sit-ups ang sabay naming gagawin and it's a success.

Nope, walang kiss na nangyari. Sinamaan ko kasi siya ng tingin.

Done!

Fifth:

He needs to do squats while I'm riding on his shoulders. And everytime na aangat siya ay siya namang angat ko ng kamay ko na parang sa jumping jacks. At pagbaba naman ay ibababa ko rin ang mga kamay ko.

Done!

Sixth:

Running. Since kanina pa nahihirapan si Shore ay ako na ang nag-volunteer na tumakbo paikot sa field. I'm a fast runner kaya. Kapag kasi may mga MMDA officers na sumusuway sa mga katulad kong nanlilimos sa public places ay nagtatatakbo talaga ako palayo. Well, nakatulong naman ata kasi ang final time-count namin ni Shore ay four minutes, thirty-eight seconds. Perfect score pa.

"OMG!", niyakap ko siya.

//////

Shorion is read as "shore-ayon"

Oshean or Shean is read as "Ocean or the 'cean' in "Ocean".

SPILLEDWhere stories live. Discover now