CHAPTER 6

257 5 0
                                        


SA ISANG COFFEE-CON-PASTRY SHOP na kung tawagin ay Café Ruca nagtungo sila Dylan pagkagaling nila sa Emerald. Doon nagpahatid ang babae matapos niya itong mabisto sa pagpapanggap nito.

That's why everything about her is different...

Paulit-ulit na umiikot sa isip ni Dylan ang mga senyales na kahapon pa niya nahalata. Magmula sa pananamit at ayos nito, sa amoy ng shampoo nito, sa paraan nito ng pagsasalita, sa pagiging inosente nito sa maraming bagay na may kinalaman sa 'relasyon' nila at lalong-lalo na sa pakiramdam ng mga labi nito nang ilang beses niya itong hagkan kagabi.

Those lips...

Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi or rather, hindi talaga siya nakatulog dahil sa alaala ng namagitan sa kanilang halik ng babae.

Nakakaadik ang mga labi nito, at wala pang sinomang babae ang nahalikan niya na nakaapekto sa kanya ng gaya noon. Magpahanggang ngayon nga, nararamdaman niya ang unti-unting pag-init ng kanyang katawan, isipin palang ng halik na namagitan sa kanila ng nobya.

What the heck are you thinking, Dylan?! She's not your girlfriend! She's not Riza! Halos batukan niya ang sarili upang mawala ang agiw sa isip niya at matauhan siya.

"Heto... uminom ka muna."

Napatingin siya sa babaeng kiming naglapag ng isang tray na may dalawang tasa ng kape at dalawang platitong assorted cookies. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya.

Palibhasa guilty.

"Isang cube lang ng asukal ang inilagay ko. I hope, yun pa rin ang timpla mo."

"Didn't Riza tell you I don't drink coffee anymore? In fact, I don't really drink coffee at all."

"Pero bakit dati—?"

"Iniinom ko ang mga kapeng tinitimpla mo para sakin?" siya ang tumapos sa tanong nito. She used to serve her a cup of coffee when he visits their house back in college. "Well what do you expect me to do? I do it out of courtesy," mapaklang wika niya.

Normal lang naman na magalit siya, diba? Kundi pa niya ito nabisto sa restaurant ay hinding-hindi niya iisiping nagpapanggap lang ito. Why, when she showed up in the entrance of that restaurant dressed like an enchantress, he really thought she is Riza!

He needed to avert his eyes when she bit her lower lips.

"Sige, ibabalik ko nalang..."

Aktong kukunin ng babae ang tasa mula sa harapan niya kaya mabilis pinigilan ni Dylan ang kamay nito. A faint surge of electric current suddenly erupted from their skin. Ngunit kung gaano niya iyon kabilis na naramdaman ay ganoon din iyon kabilis nawala.

"Don't waste time doing that. Take a seat and let's talk."

"Pero..."

"Just sit down, Rika."

She must have recognized the authority in his voice kaya mabilis itong sumunod. Tahimik itong naupo sa ibayo ng lamesa paharap sa kanya. Dahil doon ay mas malaya niyang nabibistahan ang hitsura nito, particulary her beautiful face.

Yes. Rika is really beautiful just like her sister. Well, of course, dahil identical twins ang mga ito! Noon pa man ay batid niyang may magkaibang ganda ang mga ito. While Riza has the out-going and glamorous kind of splendour, Rika has the quirky yet very endearing kind of beauty.

Noong mga college sila, madalas niya itong hinahabol ng tingin sa tuwing namamataan niya ito. Ewan ba niya, something about her intrigues him.

Wala sa loob na inabot ni Dylan ang kapeng tinangkang kunin ni Rika, saka walang sabi-sabing humigop doon upang sa ganoon ay madivert ang isipan niya. But it is not the bitter taste of the coffee that diverted his thought at once but rather the distint sweetness it has. It has been five years since he had that familiar taste in his mouth. And he would not mind tasting it again.

LIE TO ME (under Evaluation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon