NAGISING KINABUKASAN SI RIKA nang hindi nananakit ang katawan. Mukhang sa kabila ng pagod niya kagabi ay nakaabot pa rin siya sa kanyang silid at sa kama nakatulog.
Hindi na kasing bigat ng dati ang kanyang nararamdaman lalo pa't ipinagtapat na ni Riza sa kanya ang katotohanan tungkol kay Dylan. Magkagayunman, naroon pa rin ang nadarama niyang kahungkagan.
Gaya ng palagi niyang ginagawa pagkagising ay dumeretso agad siya sa silid kung saan siya nagpipinta. Nanunuot sa ilong niya ang magkakahalong amoy ng pintura at terpentinang ginagamit niya. Subalit hindi iyon ang biglang nagpagising ng diwa niya kundi ang isang pigura!
"W-W-What are you... d-doing here?!"
She felt the sudden rush of emotion that engulfed her system when she finally had the full view of the man who managed to get into her aloof heart and apartment-studio, literally!
"Hi."
That one word is enough for Rika to step back and slowly retreat. Why, she isn't prepared for this! Hindi siya handang marinig muli ang baritonong tinig ni Dylan! At mas lalong hindi siya handang humarap dito gayong mukha siyang basahan habang ito ay naghuhumiyaw ang kagwapuhan!
Shit! Shit! Shit!
"Where do you think you're going?"
Literal na napatalon si Rika nang maramdaman niya ang malaboltaheng nanulay sa ugat niya nang pigilan nito ang braso niya.
"L-Let me go, Dylan..."
"What if I don't?"
"Y-You're not supposed to be here. T-Tresspassing ka!"
"Then, sue me. That is, kung pakakawalan kita."
"S-S-Sigaw ako..."
Umukit ang manipis ngunit mapang-udyok na ngiti sa labi ng binata. "Let me hear you scream then..."
Pinaglapit nito ang distansya nila at unti-unting inilapit ang mukha nito sa kanya. Humakbang siya patalikod. Ngunit natigilan siya nang maramdamang dumikit na ang likod niya sa pinto.
"You are not going anywhere, Erika Martinez."
Pagkuwan ay itinukod ni Dylan ang dalawa nitong mga palad sa pinto kaya mas lalong naging maliit ang espasyo ni Rika upang makagalaw. Para siyang daga na nasukol ng isang pusa at handa siyang kainin ng buo!
Pilit man niyang salubungin ang mga tingin nito ay hindi niya magawa. Nanginginig ang mga tuhod niya sa presensya palang ng binata.
"A-Ano ba kasing ginagawa mo rito? P-Paano mo nalaman ang apartment unit ko?"
"Riza told me."
Kahit papaano ay tila nabuhusan ng malamig ang pakiramdam ni Rika nang banggitin nito ang pangalan ng kapatid.
"So nakapagkita na ulit kayo. M-Mabuti naman... Y-You two have a lot of catching ups to do kaya—"
"We broke up."
Gulat na napatingin siya kay Dylan. "You broke up?! B-But why?!"
"Hindi na daw niya ako mahal. Nope, actually. Hindi naman daw niya talaga ako minahal..."
Kitang-kita niya ang paglatay ng kalungkutan sa mga mata ni Dylan. Kung nalulungkot ito ngayon, ibigsabihin, may pagtingin din ito sa kapatid niya sa kabila ng sinabi sa kanya ni Riza.
"Magmula nang pumayag kang magpanggap bilang si Riza, nagkagulo na ang takbo ng lahat. It's your fault..."
Parang may sumaksak sa puso ni Rika. Hindi pa ba kulang na nakokonsensya siya, talagang ipinagdiinan pa nito sa kanya ang kasalanan niya?
BINABASA MO ANG
LIE TO ME (under Evaluation)
RomanceBago pa man minahal ni Rika ang pagpipinta ay minsan na siyang nagmahal ng iba--si Dylan. Ngunit sa kasamaang-palad ay may minamahal na itong iba---ang kakambal niyang si Riza. Kaya naman minabuti niyang iwaksi ang nararamdaman niya para sa bnata a...
